FAS shopping mall.
Ano naman kayang gagawin namin dito? Isang beses pa lang din akong nakapunta dito dahil may kalayuan din sa lugar namin.
I look at him and smile. May kausap sya sa cellphone at mukhang seryoso ang pinaguusapan nila. Maybe that was his 'supposed to be meeting' na naudlot dahil sa akin.
"Let's go..." Nakangiting inaya nya ako papasok pagkatapos nyang makipagusap sa cellphone.
Tumigil ako at nagaalangang sumunod sa kanya.
"What's wrong?" He asked.
"Nothing. It's just... Tsss... Just go and meet your client." I sincerely wanted him to go. Baka kasi para sa business nya yun at nakakasagabal lang ako.
He chuckled and grab my hand.
"I already told you that----""I know!" I look straight to his eyes. Di ko sya pinatapos sa kanyang sasabihin dahil alam kong ipapaalala na naman nya sa akin ang mga binitiwan nyang salita na humahaplos sa puso ko. " But this can wait! I can wait! Your meeting was scheduled today and---"
"No!" Medyo nagulat ako nang lumakas ang boses nya. Pinagtitinginan tuloy kami ng maraming tao. Tila nahimasmasan naman sya nang mapansin nya siguro na nakuha na namin ang atensyon ng mga nasa paligid. Madami na rin kasing tao. "I'm sorry... Damm... I'm really sorry... But please Samantha... Just this once. Pagbigyan mo na ako..." Nangungusap ang mga mata nya. Tsk! How can I even resist his charming eyes?! Unti unting gumuguhit ang ngiti sa kanyang labi nang mapahinga ako ng malalim at tumango.
"Tara na nga!" Tuluyan na syang ngumiti at hinalikan pa ang palad ko. He looks like a child full of excitement! Yun bang tipo na may bibilhin na bagong laruan sa mall kaya mas excited pa sya sa akin. Hahahaha... I think this would be fun!
Una nya akong dinala sa isang gadgets centre.
"Seriously?!" Napahinto ako ng igiya nya ako sa loob."What?" Nakangiti nyang tanong. Ewan ko ba! Naka-plaster na yata sa mukha nya yang ngiting ganyan. Hindi tuloy maiwasang pagtinginan sya ng mga babae dito. Head turner! Tsss
Selos naman ako! Hahahaha umeepal na naman si isip!
"Bakit tayo nandito?" Paglilinaw ko sa kanya. Wag nyang sabihin na bibilhan nya ako ng cellphone? Naku! Di ko tatanggapin yan!
"I'll buy a new phone..." He answered.
Hahaha sabi ko nga! Assuming kasi!
"Ahhh... Sige pili ka na... Dun na lang ako sa labas maghihintay." Sabi ko sa kanya at tatalikod na sana ako nang bigla naman nyang hinawakan ang kamay ko.
"Dito ka lang. Help me choose." Mariin nyang wika. Teka inuutusan ba nya ako? Sa pagkakaalam ko ako yung nililigawan dito ah! Ako dapat ang masusunod! Pero sa huli tumahimik na lang ako at nagsimulang magtingin tingin.
May ilang sandali pa ay may nahagip ang mga mata ko na sa tingin ko ay magugustuhan nya.
"Justin look at this." Iniabot ko sa kanya ang isang unit ng phone at sinuri nya iyon.
"Hmmm... I don't like the color and the design. Choose another please." He said. Napatango na lang ako at muling sinuri ang cellphone na napili ko.
"Hmmm... Pero okay na to. Mahalaga kasi yung specs! Tsss... Ang choosy naman!" I murmur.
"What did you say?"
Napatingin ako sa kanya saka ngumiti. "Wala naman. Sabi ko maghahanap muna ako."
Bumalik ako sa stand na pinagkuhanan ko ng unit na pinakita ko sa kanya.
Maya maya ay narinig kong may kumakausap sa kanya na isang babaeng staff at yung babae! Kung makangiti sa kanya wagas! Ang lagkit pa ng tingin! Ohhh my! Did he just touched her shoulder?! Game na game naman tong si loko! Tsk!

YOU ARE READING
Second Chance
Roman d'amour"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...