"I'll call you later..." Bigla akong natawa sa sinabi nya. Kumunot naman ang noo nya. He's really so damm handsome!
"What's funny?" Tanong nya. Is he pretending? Or did he just forget it? Sa huli ay napatawa na rin ito. Malamang na-gets nya yung reaksyon ko. "Nakalimutan ko nga pala wala kang cellphone. Hahaha... My bad."
"Sige na... Punta ka na lang kahit kelan mo gusto." Nakangiting sabi ko samantalang sya naman ay natahimik na tila may iniisip. Sabi nya kasi may client pa sya na ime-meet ngayon at baka gabi na rin sya makauwi sa bahay nya.
"Sama ka sakin. May pupuntahan tayo. " Bigla nitong sabi.
"Huh? Saan? Diba may client kang ime-meet ngayon?" Tanong ko.
"Never mind that thing. Mas importante ka." He said and stare at me with so much tenderness.
Damm! Kinikilig ako! Syems! Tubig! His tender eyes that melts my heart,.. My weakness... I can't breathe!
"Ohhh... Tatayo ka lang ba dyan? Tara na..." He said and smile. Tila nagising ako at natatarantang pumasok sa kwarto ko. "Hey lady! Ano pang ginagawa mo dyan? Let's go!" Dinig kong sigaw nya mula sa labas.
Dumungaw ako sa pinto. "Magbibihis lang ako. Wait." Paalam ko.
"Magbibihis? Okay na yan... You look beautiful in every clothes you wear... Kahit siguro magsuot ka ng basahan, you'll still stun and slay all the women out there..." I can clearly see his face dahil nasa malapit lang sya and he looks like staring at the girl of his dreams. I don't want to assume but I can feel it!
"Sira!" Natatawang sigaw ko.
Bigla kong naisarado ang pinto at napatakip sa bibig ko. I'm so fluttered that I feel my heart will explode any minute! Gosh! Ano bang nakain nya at ganyan sya kung makatitig. Pakiramdam ko sinisilihan ang katawan ko at di ako mapakali. Napahiga ako sa kama ko at nagpagulong gulong habang pinipigalan ang tawa. Kilig na kilig to the highest power si Inday!Natigilan naman ako ng kumatok sya sa pinto. "Are you okay?" Narinig kong tanong nya.
"Yes! Wait a second!" Sagot ko. Tumayo na ako at kumuha ng damit na panlakad sa drawer ko. Napili ko ang isang crepe peach dress na off shoulder. Regalo ito sa akin ni Stella nung 17th birthday ko. Since na-maintain ko naman ang figure ko ng ilang taon, kasya pa rin sa akin. Medyo hindi na nga lang ito umabot sa tuhod ko dahil nadagdagan ako ng height. Binagayan ko yun ng flat shoes na nabili ko naman last year. Nagsuklay lang ako at inilugay ang hanggang bewang kong buhok. Nag-apply lang din ako ng lip balm at pulbos. Cha-ching! Ready to go!
Lumabas na ako sa kwarto. "Tara..." Sabi ko pagkakita ko sa kanya samantalang sya naman ay nakatitig lang sa akin.
"Wow..." Di ko naiwasang matawa sa reaction nya. Gusto ko syang panggigilan kaso ayokong magpahalata na kinikilig ako sa bawat banat nya. He's courting me and he have to work hard for my sweet 'yes' na sya na din ang nagsabi. Magsisibak ng kahoy at magiigib ng tubig? Aminado ako kinilig ako dun pero nakakatawa lang... That's an old way of courting and we're computer generation now. I'm not against that way of courting pero ayaw ko naman sya totally pahirapan.
"Tara na nga!" Ako na mismo ang humila sa kanya palabas kasi mukhang wala syang balak kumilos sa kinatatayuan nya. Ni-lock ko muna ang pinto at ibinilin sa kapitbahay namin ang susi kung sakaling mas maunang umuwi sa akin si Vincent.
"Let's go!" Excited na sabi ko pagkalulan namin sa kotse. Napatingin naman ako nang hindi pa rin sya kumikilos. "What?" Nakangiting tanong ko.
"Get out of the car..." He said while staring at me seriously.
Huh? Ayos lang ba sya? Mas lalo naman akong nalito nang lumabas sya at umikot papunta sa akin.
"I said get out..." Malumanay nitong sabi. Nagtataka man ako, sumunod na lang ako sa sinabi nya. Pagkalabas ko ay agad nyang sinarado ang pinto ng sasakyan.
Baka maglalakad kami? Hahahaha!
"Now..." Nakangiting binuksan nya ang pinto at inilahad ang kanyang kamay na para bang naggi-give way sa isang Prinsesa o Reyna.
Lihim akong napangiti. "Sira!" Tanging nasabi ko na lang bago sumakay sa kotse. That simple gesture makes my heart pound. Really...
Napatingin ako sa kanya pagkasakay nya sa kotse.
"What?" Nakangiting tanong nya. That damm sexy smile always flutter my heart so much! That even giving me the urge to kiss him. Well that's my wild side! Hahahaha
"Nothing." I replied. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para itago ang kilig, kaba at excitement na nararamdaman ko.
Samantala ini-start na nya ang kotse at umalis na kami. Habang nasa daan ay hindi ko maiwasang mapatingin sa tanawing nakikita ko. The ocean feels so relaxing. Hindi nakakasawang tignan ito. This kind of scenery will help you ease the pains, stress and negativities that swallows up your mind and system. Just put your heart into it and you'll find salvation.
"A penny for your thoughts?" Napatingin ako sa kanya habang sya naman ay nakafocus ang tingin sa pagda-drive.
"Wala..." Sagot ko habang nakatingin din sa unahan.
Nakita ko sa gilid ng mata ko na saglir syang sumulyap sa akin. After that, hindi na ito umimik at ganon din ako. Bigla kasing nakaramdam ako ng antok. Sumandal ako sa headboard ng upuan.
"Inaantok ka?" Tumango lang ako at pumikit. "Idlip ka muna. Gisingin na lang kita pag andun na tayo." Sabi nito. Tumango lang ako ulit.
Ganon nga ang ginawa ko.
****
Naramdaman kong may bahagyang tumatapik sa aking pisngi at nang magmulat ako ay ang gwapong mukha nya ang nabungaran ko.
"We're here..." He said then smile. Napangiti na lang din ako at nagstretch ng katawan.Pagkatapos ay inayos ko ang damit ko at nang akmang bubuksan ko na ang pinto ay pinigilan nya ako. "Huh?" Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang naman sya pagkatapos ay lumabas na.
Pakiramdam ko may lumilipad na namang mga paru-paro sa tyan ko nang pagbuksan nya ko ng pinto. "Tsss... Kaya ko naman eh.." Natatawang sabi ko sa kanya. Lumabas na ako sa kotse at napansin kong natahimik sya. "May problema ba?" Nagaalangang tanong ko.
Umiko sya sa kabilang side at sinarado ang pinto nun tapos ini-lock at bumalik sa akin. Humarap sya at bigla naman akong kinabahan sa biglang pananahimik nya.
"Uyy anong problema? " tanong ko ulit nang hindi pa rin syang umiimik.
"Kasi..." He stopped then pout his lips. Di ko alam kung matatawa ako o wag na dahil mukha syang isda. Sa huli ay nanatili na lang akong seryoso.
"Kasi ano?" Tanong ko. Bahagya pa akong nagulat nang bigla nyang hawakan ang mga kamay ko at tumitig dun.
"Kasi diba nililigawan kita? Kaya sana hayaan mo akong gawin ang mga bagay na katulad nito." He said then kiss my hands. Napatingin ako sa mga kamay kong hinalikan nya. "Katulad ng ipagbubukas kita at ipagsasara ng pinto ng kotse ko sa tuwing sasakay ka." He paused and stare at me. "Katulad ng ipaghihila kita ng upuan sa tuwing kakain ka sa bahay nyo o sa bahay ko... O kapag nag-date tayo at kumain sa restaurant." Nahigit ko ang hininga ko sa huling sinabi nya.
Is... Is this a date?
"I just want to make you feel wanted. That you deserve everything this world could offer... Samantha I just want you to know that my feelings for you is genuine. That when I asked you, I'd court you I was serious. That I really mean it. And why a man would ask a woman to court her? Of course it's obvious that the man want that woman to be his." I was speechless and still searching for some words to say... "Just let me do all these simple things and I promise I'll do the best I can to make you happy..." He said and then my forehead.
Sounds right. He just did it. He just made his promise now because I feel like I'm the luckiest and happiest living thing in this whole wide world.
YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...