Isang bahagi ng isip ko ang nagsasabing umalis sa ibabaw nya at ang kabilang bahagi naman ay nagsasabing wag at i-enjoy muna ang sandali. Grabe diba? I was hurt and yet I still want him like this.
"Tara----"
Naputol ang sasabihin ko pa sana nang bigla nya akong siniil ng halik.
"Jus.... Let me....g-go" Hindi ko gaanong maiusal dahil sa tuwing kakalas ako sa labi nya ay tinutulak ng kanyang kamay ang likurang bahagi ng ulo ko upang mapalapit ulit sa kanya. Nagpupumiglas ako ngunit napalalakas nya kaya sa huli ay wala na akong nagawa kundi ang magpaubaya. Hindi na ako nagpumiglas at masuyo na nyang inaangkin ang labi ko. Lumuwag na din ang pagkakayakap nya sa akin habang nasa ibabaw pa rin nya ako. Hindi ko alam kung may ilang minuto na kami sa ganoong tagpo pero nang maramdaman ko ang mga kamay nyang unti unting pumapasok sa loob ng blouse ko, bigla akong may naalala.
Dejavú diba? Katulad din ito nung una!
Ginamit ko lahat ng lakas ko upang kumalas sa kanya at umalis sa ibabaw nya. Kitang kita ko naman ang kalituhan sa kanyang gwapong mukha.
"Why?..." He softly says while running out of breath. Humihingal din akong tumalikod sa kanya.
"Gusto ko nang magpahinga..." Nasabi ko na lang.
Hahakbang na sana akong muli nang pigilan nya ang braso ko.
"Is this all about that---"
"No!" I stop him from mentioning it. Mas lalong makakadagdag ng bigat sa dibdib ko.
Hindi sya sumagot at hinila na lang ako pabalik sa bahay. Hindi na ako nagpumiglas pa o kahit magsalita man lang.
Nang makarating kami sa bahay ay wala pa rin kaming imikan. Dumiretso ako sa kusina upang magtimpla sana ng kape nang bigla naman syang sumulpot sa likod ko. Umikot ang mga kamay nya sa bewang ko at itinukod ang babâ nya sa balikat ko.
"Can I sleep here tonight?" Bahagya akong napapitlag at humarap sa kanya.
"Wala kang hihigaan dito!" Mabilis na sabi ko.
"Edi kay Vincent. Sa kanya----"
"Masikip dun!" Putol ko.
"Edi dito..." Lumapit sya sa upuang kahoy na mahaba.
"Malamok dyan!" Pagdadahilan ko ulit.
"Okay lang!" Sabi nito at prenteng humiga na doon. Sumisipol pa si loko! Tsk!
"Oy tumayo ka nga dyan! Wag ka dyan matulog!" Bumalikwas naman ito ng bangon at makahulugang tumingin sakin.
"Talaga? Saan? Sa kwarto mo?" Automatic na umigkas ang kamay ko at naituktok ko sa ulo nya! Langya! Baliw ba tong lalaking to? "Aray! What was that for???" Nakangusong tanong nito habang kumakamot sa ulo nyang kinaltukan ko. Parang bata!
"Sinasabi mong kwarto kwarto ko! Umuwi ka sa bahay mo! Tsss" pagkasabi ko nun ay tumigil ito sa pagkamot sa kanyang ulo, bumalik na rin sa normal ang nguso nya pero.... Ughhh!!! Mukha naman sya ngayong basang sisiw na iniwan ng inahing manok! Damm this guy! Di ko alam kong matatawa ako o maiinis! Tsk
"Medyo nahihilo kasi ako... I think di ko na kaya mag-drive pero sige..." Tumayo sya at malungkot na tumingin sa akin. "Goodnight..." Naglakad na ito palabas.
"Wait!" Pinigilan ko sya hindi dahil sa pagpapaawa nya kundi naaalala ko nga palang nakainom sya kanina. He must be sleepy! Baka makatulog sya habang nagda-drive At kasalanan ko pa kung may mangyaring masama sa kanya... Jeez...
"What?" Malungkot pa rin ang mukha nyang tanong.
Napabuntong hininga ako. "Dito ka na matulog." Kinakabahang sabi ko.

YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...