"Who hurts us the most are those who we love the most..."
-APakiramdam ko tumigil ang oras. Tumigil ang paghinga. Tumigil ang pagikot ng mundo ko. Different emotions, ano nga bang mas nangingibabaw? Pangungulila o galit? Hindi ko alam! Kumurap kurap ako baka sakaling namamalik mata lang ako ngunit sa tuwing mumulat ako ay sila pa din ang nakikita ko. Ang mga magulang kong tila walang ipinagbago ang itsura. Ganon pa rin ang tikas at tindig ni Daddy. Si Mommy naman ay tila lalong mas gumanda.
"Anak... Samantha..." Dahan dahang naglalakad si Mommy patungo sa direksyon ko. Nakatulala lang ako sa kanya habang lumalapit sya sa akin at ng akma nya akong hahawakan ay pinalis ko ang kamay nya. Natampal ko iyon at dinig kong napasinghap sya.
"Wag mo kong hawakan!" Napalakas ang boses ko. All these years, pinilit kong kalimutan sila! Kamuhian at alisin sila sa sistema ko! Matagal bago ako nasanay na wala sila sa tabi ko pero sobrang hirap nung una! Hindi ako makakain, palagi akong umiiyak, palagi akong nagkakasakit! May time pa nga na nakakalimutan ko nang alagaan ang katawan ko... Pero lahat ng yun ay unti unti kong nalagpasan hanggang sa nakilala ko ang pamilya Martinez... Kinupkop nila ako at minahal na parang tunay na pamilya. Simula noon, nakayanan ko na... Hanggang sa dumating sa punto na hindi ko na naiisip ang mga magulang kong umabandona sa akin. Pero ngayon... Bakit? Bakit kailangan pa nilang magpakita? Bakit ngayong ayaw ko na silang makita? Bakit hindi noong mga panahong kailangan ko sila? Bakit?!
"Anak let us explain... Kung bibigyan mo lang kami ng pagkakataong makausap ka sasa----
"Shut up!" Hindi ko kailangan ang paliwanag nila dahil wala na ring kabuluhan yun ngayon!
"Anak.... Alam kong nasaktan ka namin pero pinagsisisihan namin iyon anak pa---
"I said shut up! Umalis na kayo! Hindi ko kayo kailangan!" Sigaw ko.
"Samantha they are your parents!" Marahas akong napalingon kay Justin. Ngumisi ako at umarko ang isa kong kilay.
"Parents? Wala kang alam sa nangyari! Sa mga pinagdaanan ko!" Mariin kong sabi sa kanya. Muli akong lumingon kay Mommy at tumingin naman kay Daddy na ngayon ay magkayakap. Umiiyak si Mommy habang hinahaplos naman ni Daddy ang likod nito. Mapait akong napangiti. "Parents my ass! Five years ago, tinanggap ko na sa sarili kong wala na akong magulang na katulad nila. Patay na ang mga magulang ko. Si Nanay at si Tatay. Wala na sila! At yang mga yan sa harapan ko..." I paused and pointed them out. Tumingin ako kay Justin na ngayon ay labis ang pagtataka sa mukha. "Hindi ko sila kilala!" Nilakasan ko ang huli kong sinabi upang hindi makaligtas sa pandinig nilang lahat. Masama na kung masama pero hindi na mawawala sa isip at puso ko ang sakit na ibinigay nila sa akin.
Mabilis akong naglakad paalis sa bahay na yun. Hindi ko pinansin ang pagtawag nila sa akin. Sumisigaw, sumasamo, umuusal ng kapatawaran pero pasensya na dahil bingi ako! Hindi ko sila naririnig... Hindi ko kailangan pakinggan at wala akong intensyong pakinggan ang ano pa mang manggagaling sa bibig nila dahil huli na ang lahat!
Lakad-takbo ang ginawa ko upang mabilis na makaalis sa bahay na iyon. Nakakita ako ng daan papunta sa kasukalan ng gubat... Bahala na kung saan ako dalhin ng mga paa ko! Ang mahalaga makalayo ako sa kanila...
Hindi ko magawang lumingon dahil natatakot akong makita sila... Natatakot akong mawala o bumagsak ang pader na nilikha ko para hindi na nila mapasok pa ang sistema ko.Nang tuluyan ko ng hindi naririnig ang mga boses nila, binagalan ko na ang paglalakad at tila isa akong naglalakad at humihingang patay na tao. At dun ko lamang naramdaman ang pag init ng sulok ng mata ko. Dun lamang lumabas ang mga luha at emosyong pilit kong itinatago at di hinahayaang magpakita. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako muling luluha para sa kanila...
Napaluhod ako...
Seeing both of them again made me realize that the one who hurts you the most is the one who you love the most. Oo at hindi ko itinatanggi yun... Mga magulang ko sila at sila ang mga taong unang nagturo sa akin kung paano magmahal. Sila ang mga taong unang nagmahal sa akin at nagpakita ng kahalagahan ng buhay ng isang tao sa mundo. Sila ang mga taong unang nagalaga, kumalinga, nagpahalaga at nagmahal kaya masakit para sakin na basta na lang nila akong itinakwil limang taon na ang nakakaraan.
Napakapit ako sa aking dibdib at napasigaw. Sobrang sakit na umabot sa puntong halos sumabog na ang ulo ko... Na pakiramdam ko, mapipigtas ang hininga ko. Na pakiramdam ko... Wala na akong maramdaman... Namamanhid na ang buo kong katawan...
"Samantha bakit hindi ka na lang mawala!!! Bakit gusto mo pa rin mabuhay!!! Bakit ginagawa mo to sa sarili mo!!! Tama na!!!" Sigaw ko habang nakatingin ako sa kalangitan at umaagos ang aking mga luha. "Nahihirapan na ako!!! Kunin mo na lang ako!!!" Tama... Ano pa bang kabuluhan ng buhay ko sa mundong ito??? Kung yung mga taong minamahal ko, sinasaktan at iniiwan lang din naman ako! Para saan pa nga at nabubuhay ako???
Ganon na lamang ang sakit na nararamdaman ko. Magkahalong pait, pangungulila, pagmamahal at galit!
"Ayoko naaaaaaa!!!" Sigaw kong muli. Tila nage-echo sa buong kagubatan ang sigaw ko. Naririnig ko ang huni ng mga ibon, tila masaya silang naguusap at nagaawitan. Ang mga punong sumasabay sa ihin ng hangin, ang tunog nito at ang lamig nitong dumadampi sa aking balat. Napayakap ano sa katawan ko. Hindi ko na alam kung paano pa akong makakabangon sa putik na kinasasadlakan ko. Walang akong tigil sa pagtangis at hindi ko na namalayan ang pares ng mga brasong pumulupot sa katawan ko. Ang pamilyar na amoy nya at ang init ng hininga nyang dumadampi sa aking tenga.
Napapikit ako at lalo lamang bumigat ang nararamdaman ko. Bumigay ako at ibinuhos ko na lahat ng emosyon ko. Hindi ko na alam kung ilang oras kaming nasa ganoong posisyon at namalayan ko na lamang na buhat nya ako sa likod habang naglalakad kami pabalik sa bahay nya. Walang salitang namumutawi sa mga bibig ng isa't isa. Basta alam ko nakakagaan sa pakiramdam ang ginagawa nyang ito. Pakiramdam ko ligtas ako. Pakiramdam ko naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Mabagal ang paglalakad nya at inabutan na kami ng dilim sa paligid. Malayo layo pang lakarin ngunit mas okay na yung ganito. Walang pagtataka, walang tanong at walang motibo. Basta ko na lamang susulitin ang mga oras at pagkakataong nasa tabi ko sya at dinadamayan ako sa oras ng kagipitan.
Hindi ko man masusuklian ang kabaitang ipinapakita nya sa akin sa materyal na bagay, sisiguraduhin kong magiiwan ako ng magandang alaala sa kanya. Pagkatapos ng lahat ng ito, pipilitin kong mabuhay ng malayo sa kanya, sa kanila... Sa mga taong hindi kayang suklian ang pagmamahal ko. Iisipin ko na lamang ang kinabukasan ko at ni Vincent. Tama. Sya na lang ang pamilyang meron ako at pipilitin kong bigyan sya ng magandang kinabukasan. Sya na lamang ang natitirang alaala nila Nanay at Tatay. Sa kanya ko na lamang ibubuhos ang lahat ng pagmamahal na meron ako. Bilang ate nya, aalagaan ko syang mabuti at mamahalin na katulad ng ibinigay sa akin ng mga magulang nya.
Napasinghap ako nang biglang kumidlat sa kalangitan. Naramdaman kong may unti unting pumapatak na butil ng tubig sa aking balat. Naramdaman ko din ang biglang pagbilis ng paglalakad ni Justin.
Humigpit ang yakap ko sa balikat nya.
"Walk slowly like what you did before... " I almost whispered. Pakiramdam ko naubusan ako ng lakas at boses."Uulan na... We need to hurry and get home." Malumanay nitong wika.
"Put me down and go home on your own... Gusto kong magpaulan..." Mahina ko pa ring wika.
Hindi na sya sumagot at naramdaman ko na lamang na bumagal muli ang paglalakad nya hanggang sa tuluyan na ngang bumuhos ang ulan.
Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagbuhos din ng luha kong hindi maubos ubos.
I still believe... There's always a rainbow after the rain...
![](https://img.wattpad.com/cover/134733238-288-k445561.jpg)
YOU ARE READING
Second Chance
Romance"I'm still into her..." Sagot nya. Pakiramdam ko pinipilas ang puso ko sa mga oras na to. Hindi ko alam kung saan ko pa pupulutin ang dignidad ko. Ibinigay ko na sa kanya lahat pero balewala pa din at mahal pa rin nya ang ex nyang wala na sa mundon...