Chapter 7

19 3 0
                                    

Kath POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw ughhh tinatamad nakong pumasok nahihiya parin ako kay spade kainis naman kasi!!ano bang arte tong ginawa ko.

"Hoy babae tawag kana ni mom!kain na daw may pasok pa tayo!!!"!sigaw ng napakagaling kong kuya

"Tsk oo na!tatayo na!"sigaw ko dito

Wala na kong narinig siguro umalis na ito.at dahil si mom ang nagtawag tatayo nako dahil raratratin nanaman ako ng sermon

Pagkatapos kong magbihis bumaba nako

"Ohh bat nakasimangot ka?"tanong ni mom

"Wala lang mom Im just tired."

"Heartbroken yan mom. "Sabat ng kuya kong baliw

Inis kong inirapan ito kahit kelan talaga!napaka daldal

"Anak may nanliligaw naba sayo dapat alam ko yan ha!"curious na sabi sakin ni mom.

"Mom!!wala lang yun nagsisinungaling si kuya!"

Wala ng kibo si mom pagkatapos non kumain nako ng mabilis dahil tinatawanan ako ni kuya ughh kahit kelan hinde ako tatantanan nito napakagaling mangasar sana makahanap to ng katapat nya bwiset!.

"Tara na kath malalate nako."at takenote nakangisi pato habang sinasabi nya to..hayy

Hinde nalang ako sumagot diretso akong pumasok sa kotse nyang silver lamborgini sipsip kay dad ehh

Habang nagbyabyahe tahimik lang ako nakikita ko sa periphal vision ko na sinisilip ako ni kuya but instead na inisin ako natahimik nalang ito at parang may iniisip na malalim.

Pagkadating sa school ay bumaba nako pati si kuya

"Are you okay sis?are you mad of me?"
Tanong nito sakin na sobrang concern

"Kuya totoo bato" tanong ko habang pinipisil yung pisngi nya habang sya ay namumula na sa sakit ng pisil ko "Concern ka na pala sakin?"

Pinalo nya yung kamay ko habang tawa ako ng tawa pfft...

"Ikaw talaga pinagalala moko wag muna nga akong ulit papakabahin ulit hah!"sabi nito sakin na parang ang laki ng kasalan ko

"Opo kuyaa..bye na nga panget!!"sabi ko dito sabay takbo hahaha cute talaga ni kuya ko

Habang naglalakad sa hallway ay nagbubulungan yung mga babae hinde ko nalang ito pinansin

Pagpasok ko sa room nakita ko si ashley at mukang nagaaway nanaman sila nung alien na lalaki at kinukulit pa tch kailan ba titigilan ng lalaking yun si ashley

"Kath.!!! Halika nga dito bilisan mo bilis!!"
Pagtatawag nya sa akin nahalatang inis na inis na sa lalaking yun hindi na ako nag salita pa at patakbo akong lumapit sa kanya..

" ano na naman bang problema mo?"  tanong ko sa kanya.

"Ito kasing lalaking to ang kulit ng kulit sa...
Hey? Ano ba?! bakit Ang kulit kulit mo?!!! pwedeng pumunta kana sa planeta mo?  pls stay away from me!! "Naiinis na talagang sabi ni ashley

"Tara na kasi libre kita ulit ng lunch" pagmamakaawa ni alexander

"Che! bala ka sa buhay mo kumain kang mag isa mo!!.. Tiyaka ka sama ko si kath noh ! " Pagpapaliwanag ni ashley

"Edi sama mo yung kaibigan mo pwede naman yun dba?" pangungulit ni xander

" che manahimik ka may pera kami noh tara na nga kath!" pagtanggi ni ashely

Naglakad na ako ng normal samantalang itong si ashley eh parang ewan kung mag lakad padabog

"Hoy ashley! nahawa kana ba don kay xander kaya ganyan kana din mag lakad?  pwede bang huwag ka ng mainis? Tiyaka bakit sinabi mong may pera tayo eh? Dapat nag palibre kana lang nakakainis ka talaga"  mahabang sabi ko sa kanya

" pwede ba kath manahimik ka na lang mas gugustuhin ko ng magutom ako kesa makasama ko pa yung ngipin na yu n" maarteng sabi nya

" kung ikaw kaya mong mag pagutom pwes ako hindi" paliwanag ko 

"Edi libre kita tapos ang usapan" sabi nya na panag cocross ba ang kamay na para bang pina patigil na akong mag salita

"Good kung ganun ok na ako" pagsasabi ko hindi na ako nag salita at dumeretso na kami sa canteen.

Habang papunta kami sa canteen parang may sumusunod samin kaya tumingin ako sa likuran ko pero wala naman akong nakitang sumusunod samin.

"Ashley! Parang may sumusunod satin"pabulong kong sabi sa kanya at mas lumapit pa ako sakanya para marinig niya.

"Tss guni guni mo lang yun" irap pa nito at suot ang lagi niyang poker face.

"Meron talaga eh! Aish! Siguro nga guni guni ko lang" at nagpatuloy sa paglalakad aish! Bat ba kasi ang layo layo ng canteen dito sa building namin!

At sa wakas! Andito na kami sa canteen!
*singhot ng hangin* hayyy ang bango talaga dito.

"Hayyy! Ashleyyyyy! Gutom nako!! Pila ka na ako na pipili san tayo pwepwesto"

"Tss" tamo! Ang sungit sungit ng babaitang to!

Habang naghihintay ako ng pagkain namin ay tumingin tingin ako sa paligid ko at ng---

b0___0d

What the heck!!! Andito si spade! Tinakpan ko ang mukha ko ng buhok at yumuko at kunwaring nagkakalikot sa cellphone ko.

Nasa entrance siya ngayon ng canteen at sana hindi niya ko mapansin dahil malapit lang ang inuupuan ko sa entrance.

Ng maglakad siya papunta siya direksyon ko... T-teka sa direksiyon ko?!

~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~·~

Hello guys! Yan na po ang update ko :-D. With the help of my friendS oo may s talaga kasi marami silang tumulong na magawa ko tong chapter na to... Thankies friends~ And i hope that you will support this story till the end and please vote and comment if you like the story... Enjoy reading guys!

Trying To Forget Your LoveWhere stories live. Discover now