Chapter 1

194 2 2
                                    

Here we are at Serenitea. Tambayan namin :)

Kaya lang, nakakasawa na dito! Next time, we'll try on something new place.

Nakitingin lang ako sa menu. Habang iniisip kung ano ang oorderin. Nagugutom na akooo! Hindi ako nagbreakfast sa kamamadaling pumasok eh. T_T

Tahimik lang kami nang biglang nagsalita si Fara.

"Nakakapanibago na naman. Nung bakasyon, lagi late na ko nagigising eh. But now? Tsss" Fara said

"Oo nga! Pero ok lang din na pasukan na, at least gwapo haunting na naman! :)" -Cheska

"Hay nako! Oo nga. I want new crush! Hihi. Kabi break lang namin ng bf ko eh. Ang boring pala, kapag walang lovelife noh?" - Claire

Jusmeyooo! Ayan na naman sila. Lovelife here, lovelife there, lovelife everywhere. Nakakabingi na ah! Hindi ako bitter pero wala pa kasi akong nagiging boyfriend eh! Naiinggit tuloy ako sa kanila.. Pero madami naman akong mga fling. I'm good at that. Hindi ako nagseseryoso. Kasi inlove ako sa bestfriend ko dati. Kaso, ala na sya. Nasa states na. Di ko man lang nasabing mahal ko sya. Tapos ngayon, may girlfriend na daw sya. Sakalap! First love ko to eh :'( Kaya ayun, nadala ako. Ayoko munang mainlove. Pero nakamove on na naman ako. Yata? -_-

Mas ok ang walang boyfriend, may freedom! :)

"Hindi rin, ok nga ang walang lovelife eh! Wala kang iniintindi tsaka wala kang commitment"

Sabi ko habang tinuturo sa waiter kung ano ang order ko sa menu with my rolling eyes haha!

"Ma'am Iya, isang black dragon milk tea at blueberry cheesecake, pakihintay na lang po" sabi nung waiter

Kilala na kami dito, kasi nga tambayan namin to eh. :)

"Thank you" I replied

"Palibahasa kasi NBSB ka!" singit naman ni Claire

Oo na, NBSB na! Kailangan ulit ulitin? Leshe! Eh sa ayoko pang magka boyfriend eh! I don't want commitment, I want freedoooom! :(

"Iya, why don't you try a guy kahit walang commitment? Sa palagay nyo girls? Para naman ma experience ni Iya yung may ka PBB TEENS HAHAHA!"  Halos mabulunan na siya kakatawa sa sinabi niya. Nako anu daw? Ka-PBB Teens? Ewann ko ba sa babaeng to! Kung anu-ano kasi pinapanood eh.

Napakunot yung noo ko sa sinabi ni cheska. What does she mean? O.o

"What do you mean cheska?"

"Oo nga, we can't understand you" sumang ayon si Fara

"What I mean is, a relationship with a guy, without commitment!"

Malakas pa ang pagkakasabi ni cheska at parang siya pa ang mas exciting. Ayyy ewan!

"Ah. Para mas cool, dapat may rules! :)"

"Nice idea girl! Ganto, since wala naman kayong commitment nung guy. Dapat walang maiinlove, kapag may nainlove, the game is over! Kasi parang naglalaro lang naman kayong dalawa eh." Fara explained

Naintindihan ko na yung gustong sabihin ni cheska. Mag agree na lang kaya ako? Tutal mukhang malayo namang mainlove ako. Hello? I'm iya saavedra, hindi ako madaling mainlove tsaka isa pa, ok na din yun at least I've experience being with a guy without commitment. Mukhang masaya to ah!

"Ok, I get it. Parang exciting ah. Challenge accepted! As if namang maiinlove ako." I said

"Pero sino naman kaya yung lalaking perfect for Iya?" -claire

"Ganto na lang, Iya. Hahanap tayo ng isang ideal guy yung tipong pwede kang ma head over heels sa kanya para naman mas exciting yung game" -cheska

"Sino naman kaya??" sabay sabay naming tanong

"I have a suggestion" then she smiled. A creepy smile. Ano na naman kayang binabalak ng babaeng to? I know her. There's something between her smiles!

"Spill it out. Sino?"  I said to her

Hinihintay namin ang isasagot ni cheska nang biglang may pumasok na guy sa Serenitea. Wala namang masyadong tao sa srerenitea kaya napatingin siya sa direksyon namin. And since nasa may door kami, kitang kita namin siya. Matangkad siya, I think mga 6'1 ang height. Maputi, medyo chinito, matangos ang ilong at yung lips niya, kissable! Ang gwapo naman ng nilalang na to.

"Hey cheska!" sabi nung gwapong guy with matching kindat pa. Hmm kaanu ano naman kaya to ni cheska?

"Evo! Timing talaga ang pagdating mo. Can't believe it. Destiny na talaga ang gumagawa ng paraan! HAHAHA"

Nakatayo lang ang gwapong lalaki sa harapan niya habang naka cross arms at nakataas ang kilay. Nagtaka siguro to sa sinabi ni cheska.

"What do you mean? Actually, napadaan lang talaga ako para bumili ng coffe"

Hindi sinagot ni cheska ang tanong nung gwapong guy. But instead, she introduce us to him.

"Uhm, Evo. This is Claire, Fara and also, Iya"

Nakipagkamay siya samin. Mukha namang gentleman. Ideal guy uhh

"Hi girls. Im Evo Nathaniel Montreal. Just call me Evo ;)" ayan na naman siya sa wink nya at sa killer smile niya. Pacute tong lalaking to. Sarap pektusan! Pasalamat siya gwapo talaga siya hmmm. 

Pero hindi agad ako naattract sa mga ganyang lalaki, yung type ko yung mga lalaking tahimik at mysterious type pero papable! :"">

"Uhm cheska, ano nga pala yung sinasabi mo kanina? About dun sa "timing" thingy?" dagdag ni gwapong guy na Evo ang name.

"Ah kasi naghahanap kami ng perfect guy na pwedeng karelationship ni Iya, but it's a non commital relationship" she said habang tinuturo ako.

"Ok. So, you think na ako yung perfect guy na pwede. Tama ba? :)"

May pagka mayabang din pala tong Evo na to. Gwapo pa naman sana. Turn off na tuloy ako. HAHAHA. Nakatingin lang  kaming tatlo nila Claire at Fara sa kanilang dalawa habang kinakain na namin ang order namin.

"Hmm, I guess? I know you, Evo. Ikaw yung lalaking hindi nagseseryoso sa babae kaya I think ikaw ang perfect dito, may rule kasi na dapat walang maiinlove. Papayag ka ba?"

"Sure thing! Ow. Oo nga pala, nagmamadali ako. Send mo na lang sakin yung number ng girlfriend ko ah! HAHA. Set up akong date bukas." sabi nya habang nakatingin sa watch nya at nagmamadaling maglakad papalayo. 

Payag agad? BILIS MO TSONG! Mukhang player tong Evo na to ah. Sanay na sanay sa mga ganung deal. Napapayag agad!

"Akala ko ba may bibilhin ka?" cheska asked

"Hindi na. Late na ko sa pupuntahan ko eh."

"By the way. Bye Babe ;)" sabay sulyap niya sakin at tuluyan ng lumabas sa cafe.

Nakaalis na yung Evo. At grabe ah, nagulat ako sa pangyayari. Ang bilis. May boyfriend na agad ako. Eh last thing I knew, hindi pa nga ako officially na nag aagree sa suggestion na yan ni Cheska

A/N: First chapter pa lang ang nagagawa ko. Cramming! HAHA. Pasukan na eh. Ang shunga ko, kung kailan kasi pasukan, dun ako naggawa ng story tsss -_- Sorry kung hindi ganun kaganda kahit simula pa lang, eto kasi yung first story na isinusulat ko, I have no experiences pa. Siguro after 56534 years ko pa to matatapos :( Anyways, sana matapos ko to at sana mabasa niyo :* Lovelots! <3 :)

P.S yung girl sa right, she's Aria saavedra or simply called as Iya, in the story. Pretty right? (Si Emma Watson yan, in real life! :D )

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon