Chapter 7

90 1 0
                                    

Ang crowded ngayon sa cafeteria. Busy sa buong school, naghahanda na ang kahat para sa graduation. At may bonggang grad ball pa daw after ng ceremony. Tradition na kasi yun. Kaya parang 3 na tuloy ang prom namin. Nung 3rd year, 4th year tapos may grad ball pa eh parang ganun na din yun. Palibhasa kasi alam nilang mayayaman ang nag aaral dito. Exclusive school nga eh.

Antagal naman nila claire, kanina pa ko naghihintay. May kukunin lang daw sa room. Tagaaaaaal -__-

"Si Evo Montreal daw yung boyfriend ni Iya!"

"Talaga? Yung model? Ang pogi nun a!"

"Ang swerte naman nya. Pero alam ko, playboy daw yun"

"Tama! He's everybodys boyfriend kaya wag umasa si Iya"

Pwede ba, kung magtsi-tsismisan sila yung hindi ko maririnig? Insecure lang kayo! Naiinggit kayo kasi ako ang girlfriend nya! Huuuh! Tsaka hindi na sya playboy ngayon, seryoso sya sakin. Bleeeeh =))))))

"Excuse me" Hinawi ko sila at inirapan and I walk like a boss in front of them.

Nga-nga sila. Nakakainisss! Badtrip tong mga to, chismosa. Tssssk. Minsan ko lang ilabas ang kamalditahan ko, malas nyo, sa inyo ko nailabas. >:(

"Iya. Sorry natagalan" Nakasalubong ko sina claire sa may hallway

"Ay nako. May naencounter pa tuloy akong mga babaeng octopus" Naka cross arms ako

"Bakit? What happened?" Nagtatakang tanong ni Fara

"Narinig ko kasi pinagtsi-tsismisan kami ni Evo. Naiinis ako!" 

Naghi-hysterical na ko sa pagkukwento. OA ba? Eh kasi naman! Kayo kaya, marinig nyong pinagtsi-tsismisan kayo ng boyfriend nyo ng hindi maganda, matutuwa kayo? :(

"Normal lang yan, hayaan mo na. Evo is popular kaya siguro naiintriga kayo" Fara tapped my shoulders

"Hayyy. Tara na nga, pinapatawag daw tayong mga seniors, may practice ng grad" Malapit na kaming gumraduateee!

Pumunta na kaming 4 sa gymnasium kung saan, may practice daw para sa ceremony. Wala na kaming masyadong ginagawa ngayon, tapos na naman ang exams at napasa na ang projects kaya eto, pa practice practice at gala na langggs :D

Ready na kaya ako sa college life? Hayyyy. Actually, I have plans na. I want to go to UP Diliman. Dyan kasi nagtapos ang parents ko. I will take up either BS Interior Design or Architecture :')

But it's not final :)

------

"Naku! Mas maganda ka pala, pag naaayusan, Iya!" Sabi nung make-up artist na family friend namin

"Mana lang sa mommy nya. Ganyang ganyan din ako noon noh!" 

Si mommy talaga napaka-supportive. Mas excited pa ata sya sakin ngayong graduation eh. Ang swerte ko sa kanya :)

"Mahuhuli na tayo, tara na.Gusto ko nang sabitan ng medal tong anak ko hehe" Isa pa si papa

Ang saya saya ko talagaaaa! Andyan ang family ko, ang friends ko tapos andyan pa si Evo! Speaking of Evo, ayun okay naman kami. Masaya. Sweet pa din sya. At ako? Lalong naiinlove sa kanya. :)

Pagdating namin sa venue ng graduation. Madaming bumati sakin. Mga friends, classmates, schoolmates ko. Pati na din ang ibang teachers. Then nakita ko si Evo, dun sa may parking ng venue, nakasandal sa car nya. Naka polo sya and jeans. Simple yet so gwapo!

P.S Hindi pa po kami legal ni Evo. Kaya hindi alam ng parents ko, ang alam lang nila nanliligaw sya :(

Nilapitan ko sya. Nauna na sila mommy sa loob ng venue.

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon