Chapter 13

108 1 0
                                    

Pangalawang araw na namin dito sa isla. Still no sign of Rescue. Well, hindi naman ako masyadong naiinip kasi andito naman si Migz. Mabait naman sya, madaldal din pala kahit na minsan, sobrang sungit! We spend this day sa panghuhuli ng isda para mai-ihaw at makain tsaka nagswimming din kami, naglakad-lakad at kung ano ano pa para mapawi ang boredom.

Ngayon, nagpapahinga ako dito sa maliit na kubong ginawa namin. Nakaupo lang ako, nakatulala. Kung ano-ano lang ang iniisip. Iniisip ko kung kamusta na kaya sila dun, sila mommy tsaka si daddy. Yung mga kaibigan ko, sila claire, fara at cheska. Hinahanap kaya nila ko? Nag-aalala kaya sila sakin? At.. at si Evo? Nakikipag-landian siguro yun sa mga babae nya? Iniisip nya din kaya ako ngayon? I still love him.. Alam ko yun. Hindi naman ganun kadaling makamove-on.

Tumayo na lang ako saka ko nakita si Migz. Nakatayo sya, nakatingin sa dagat. Malalim yung iniisip. Nakalagay yung dalawa nyang kamay sa bulsa nya. Nakababad yung paa nya sa tubig tapos nagtatampisaw.

"pssst!" Tawag ko sa kanya

"may pangalan ako" He said

Tumingin lang sya sakin. Pokerface. Tapos binalik yung tingin sa dagat

Sungit talaga nito. Moody pa!

Nilapitan ko na lang sya tapos nagtampisaw din sa tubig. Tumalon talon ako kaya nagtatalsikan yung tubig. Sinapa ko pa yung tubig tapos binasa sya. Aasarin ko muna to! :D

Nakita kong parang nairita sya. Medyo kumunot yung noo nya tapos napawi din yung ng ngiti nya, ngayon nakikipag basaan na din sya sakin.

"kung lagi kang ganyan, edi mas okay haha" Saabi ko sa kanya. Tapos humiga ako sa buhangin

"laging ganto?" Confused na tanong nya. Nakatayo pa din sya

"laging masaya"

Nginitian lang nya ko tapos nagsalita sya "tara kain na tayo. gutom na ko" Nauna na syang maglakad papunta sa may kubo.

Maggagabi na din. Palubog na yung araw.

"uy ang ganda ng sunset oh" Sabi ko kay migz habang kumakain

Inihaw na isda na naman at fruits ang kinakain namin. HAHA. Grabe, kasawa =)))

"so?" Sungit!

"sungit mo naman" >.<

"di ah" Ayan. Ngumiti na sya :)

"ang romantic no? para tayong couples na nanonood ng sunset together haha"

Hindi ko inaasahang eto pang Migz na to yung kasama ko manood ng sunset dito.

Tinaasan nya ko ng kilay. Nag peace sign na lang ako. Haha

"bakit? couples naman tayo diba? hindi nga lang totoo" Tumatawa pa ko habang sinasabi yan

"i know"

"hanggang kelan ba?" Oo nga. Hanggang kelan kami magpapanggap?

"hangga't kelan ko gusto"

"andaya!!" Nagpout pa ko

"wala kang karapatang magreklamo. dahil sayo kaya tayo napahamak at nandito sa islang to ngayon" nakatingin lang sya sa sunset habang nagsasalita.

"okay, fine"

Pano na lang kung balikan ako ni Evo? NO! Bakit ko ba yun iniisip? On the process na ang pagmu-move on ko eh -______-

Pagkatapos kong sabihin yun, wala nang nagsalita samin. AWKWARD SILENCE na naman. Wala pa kasi akong masyadong alam sa lalaking to eh. Kelan ko lang ba sya nakilala? 1 or 2 weeks ago? Tsss

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon