Chapter 12

108 0 0
                                    

Chapter 12:

WAAAAAAAAHH! Bukas babalik na kami sa pilipinas. Ayoko pa, kung kelan nag eenjoy pa ko dito sa bakasyon eh. Teka, sa bakasyon nga ba ko nag-eenjoy o sa  pseudo relation namin ni Migz? ERASE. ERASE. -_- SYEMPRE SA BAKASYON NOH!

Nilanghap ko ang malamig na simoy ng hangin. Hmmmm...

Nasa balcony ako ngayon ng barko, ang ganda ng view dito. Gosh! May mga mangilan-ngilan na maliliit na isla tapos ang gaganda pa. Mas maganda pa yata sa boracay. 

"Hayyy. This is what you called life" I spread my arms, yung parang ginawa ni Rose sa Titanic. Wahaha

"Huy! Ginagawa mo jan? Mukha kang tanga, promise. Hahaha" May gumulo ng buhok ko, from the back. 

Again, it's Migz.

"Kanina ka pa dyan?"

"Long enough para makita ko yung kaOA-an mo. HAHA" Sige lang, tawa pa! Grrrrr

"Panira ka ng moment, alam mo yun? Psh"

"Feeling mo nasa Titanic ka na nyan pag ginawa mo to? Feeling mo ikaw si Rose? BOO! HAHA" Inimitate nya yung ginagawa ko kanina tapos nagme-make face pa sya. Sinong di maasar sa ginagawa ng mokong na to? Grr!

"Heh! Badtrip to" Siniko ko sya and sa di inaasahang pangyayari......

He slipped and then nahulog siya!! At ngayon, yung isang kamay na lang nya yung nakakapit!!

Shocks! Anong katangahan ba tong ginawa ko? T_T

Natulala ako sa kanya, hindi ko alam ang gagawain ko. HUHUHU

"HOY! ANONG TINUTUNGANGA MO DYAN? TULUNGAN MO KO DITO!!!" Shet. He's struggling!

Inabot ko yung kamay ko sa kanya, pero ambigat niya O.o Kaya yun, hindi ko sya kinaya, pati ako tuluyan nang nahulog!

"BULLSHIT NAMAN! HAYY ANG MALAS MO TALAGANG BABAE KA KAHIT KELAN, PATI AKO DINADAMAY MO"

Nagpofloat na kaming dalawa, in order to survive. Nakalayo na yung barkong sinasakyan namin T_T

"Sorry na. Hindi ko naman sinasadya eh. Huhu" I burst out crying. Grabeee. I dunno what to do . Buti na lang, we both can swim :((

"Wala nang magagawa yang iyak mo. Nakikita mo yung isla na yun, we have to swim to get in there. Naiinitindihan mo? Kaya tumahan ka na"

Lumangoy na kami papunta dun. Medyo malayo din yung isla pero abot tanaw.

Grabe. Nakakapagod lumangoy. Hinihingal na ko.

Huminto sya sa paglangoy.  "Kaya mo pa ba?" Tanong nya sakin

 Tumango na lang ako sa sobrang pagod at nagpatuloy na lang kami sa paglangoy papunta sa maliit na isla.

"Finally, we're here" gumapang sya papunta sa seashore then nahiga dun. Mukhang pagod na nga sya. 

 Tinabihan ko sya at nahiga din ako sa may dalampasigan, pero lumayo ako ng konti kasi nahihiya ako sa kanya. 

Kasalanan ko tong lahat eh T_T

"Migz, I'm sorry" Naiyak na naman ako. Okay. Hindi ko mapigilan eh

"Andito na tayo eh, may magagawa pa ba ko? Kailangan lang nating magtulungan para makasurvive dito" He gave me a look tapos tumayo na sya. 

"Ano pang ginagawa mo dyan? Tara na. Maghanap tayo ng mga kahoy na pwedeng gawing pansamantalang matitirhan" dagdag nya

Sumunod naman ako sa sinabi niya. Hindi masyadong malaki yung isla. May maliit na cave tapos may mga puno at mangroves. Pumasok kami dun sa kakahuyan para manguha ng panggatong.

Hanggang kailan kaya kami sa isla na to? Hindi ko yata mapagtitiisan ang moodyng Migz na to. God, help us. 

Please T_T someone rescue us here!!!

"Migz, ok na ba to?" pinakita ko sa kanya yung mga kahoy na nakuha ko.

"Dagdagan mo pa, bahay na pansamantalang matutulugan yung gagawin natin, hindi bahay ng daga" Tapos he glared at me

OKAY? Sorry naman po no!! Ang sungit eh :(((

"K! sungit naman" I murmured

"what??"

Hala? Narinig nya pala. Lakas ng pandinig O.o

"ahh. wala wala"

"tara na, okay na yan"

Bumalik na kami sa may dalampasigan tapos sinimulan na naming gawin yung bahay pansamantala naming matutulugan.

"oy. paabot nga nun" tinurio nya yung tali

"okay"

"pakitali nga to"

"pagkatapos mo nyan, kunin mo naman yung 2 kahoy dun tapos maggawa ka ng apoy" dagdag nya.

Asar! BV na ko dito ah, kanina pa sya utos ng utos >:( kung hindi ko lang kasalanan to ehh..

"okay po, master"

"don't call me that"

"okayyyy" inirapan ko sya

"ikaw na nga tong may kasalanan kung bakit tayo na trap sa islang to, ika wpa yung masungit" Yung dalawa nyang kilay, magkasalubong na naman. Tsss

"sorry na. kasalanan ko na" Wag mo nang ipamukha sakin TT_TT

- - - - - - - - -

Natapos na namin gawin yung matutulugan namin. Matibay naman sya. Pwede nang pagtyagaan. Sunod nman naming ginawa yung bonfire. Dumidilim na din kasi..

"oh kumain ka" 

Sabay bato sakin nung saging na nakuha namin kanina sa may parang gubat. Buti na lang nasalo ko "salamat"

Nakaupo kami sa may tabi ng bonfire. Tahimik lang. Walang nagsasalita.

Awkward... Verry verry awkward :|

"migz, sa tingin mo, makakaalis pa tayo dito?" Out of nowhere na tanong ko

"ewan"

Antipid naman nya sumagot. Tsk

"galit ka sakin?"

"sinong di magagalit sa ginawa mo?"

"sorry"

"mare-rescue ba tayo ng sorry mo? psh" Nope. I know...

Tumayo na sya. Hindi nya talaga ko tinitignan. "inaantok na ko. matulog ka na din"

"sige. goodnight"

Hindi sya sumagot. Pumunta na ko dun sa maliit na kubo na ginawa namin, sa magkabilang dulo kami nakapwesto, magkatalikuran pa.

Pagkagising ko, wala sya dun sa kabilang dulo. Tumingin ako sa paligid. Nakita ko sya naglalakad sa buhangin tapos may dal syang dalawang buko tsaka isang piling ng saging. Tinignan ko sya at nginitian at...

ngumiti din sya sakin??

Wow..

Good mood sya ngayon =)))

Napaka moody nya talaga! HAHAHA

"good morning" bati nya sakin nung nakalapit na sya

"good morning din, good mood ka ata ngayon?" :)

"ayaw mo?" nag iba na naman yung expression nya

"syempre gusto. 'to talaga! haha"

"yun naman pala eh. oh, mag almusal ka na" binigay nya sakin yung dala nya

"haha. di kaya tayo magsawa sa kinakain natin dito?"

"kesa naman sa wala =.="

"sabi ko nga :)"

Naglakad-lakad muna kami sa isla. Ang ganda naman dito. It's like a paradise. :)

Sayang wala akong camera para mapicturan. Pero andito naman si Migz kasama kong ma-enjoy tong isla. 

Susulitin ko na lang, hanggang sa ma-rescue na kami at maging normal na ang lahat.

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon