Chapter 15

107 1 0
                                    

Nasa gate ako ngayon ng school namin. Hinihintay sila Claire at Cheska. Ang usapan namin ay 7am saktong 7 ako dumating at 20 minutes na akong naghihintay dito sa may gate. Mukha na kong kawawa dito. Tsk. Nung high school kami, ako yung laging late, sabi ko magbabago na ko tapos ngayon namang nagbago na ko, ako naman yung pinaghihintay. Hayy. Patience, Iya...

"There you are!"

Nakita ko na sila Claire at Cheska na tumatakbo papunta sakin. Tumayo na ako at sinuot ang backpack ko.

"Finally, dumating din kayo. 20 minutes na akong naghihintay dito, hindi pa ko nakpag-breakfast, sa kakamadali" T_T

"Sorry Iya! Traffic kasi eh. Sorry talaga. Nakuu" Hingal na hingal si Claire habang nagsasalita.

Tapos si Cheska naman, parang may iniiwasan na hindi ko maintindihan. Tumingin tingin pa sya sa paligid tapos biglang nagsalita. "Oo nga. Tapos may nangyari pa kanina, mamaya ko na lang ikukwento ah" 

"Sige na, okay lang. Ano, let's go?" Naglakad na kami papunta dun sa room na gaganpan ng orientation.

Dahil kakasimula pa lang ng klase, orienttion daw muna. Naeexcite ako sa mga bago kong magiging kaklase :)

And of course, ang kinuha kong course yung pangarap ko. BS Interior Design. Si Claire naman, pharmacy ang kinuha tapos itong si Cheska, Psychology. Ang layo ng course ko sa kanila, ako sa college of architecture then sila, sa college of medicine. Hahaha

Pumasok na kami dun sa orientation. Syempre, magkakaiba kami ng corse kaya nagkahiwa-hiwalay din kami.

"So this will be your sched--"

Hindi natapos nung matandang proffessor ata namin yung sinasabi nya. Napatigil kasi sya nung binuksan ko yung punta & then lahat ng tao sa room, napatingin na din sakin. Awww. Poor Iya. Late na naman ako, yung parang nangyari lang sakin nung 4th year HS ako. First day pa man din.

"So I guess you're part of this curriculum. Ms..?"

"Uhm. Ms. Aria Saavedra po. I'm sorry I'm late, Sir."

"It's okay, take your sit. As I was saying, this will be your official schedule for the whole semester." Tinuro nya yung nakasulat sa white board.

Madami pa syang sinabi tungkol sa mga bagay bagay na sa university. Yung mga rules, events, mga clubs na dapat salihan at kung anu-ano pa. Tinulugan ko lang naman sya, ang aga ko kayang nagising kanina :(

Hindi ko namalayan na tapos na pala yung orient.

Pagkagising ko...

May lalaking nakatitig sakin. T-teka? Pinanuod ba ko nito habang natutulog?

Hindi ko pa sya masyadong maukhaan kasi blurry pa yung paningin ko mula sa pagkakatulog.

"Hey, what are you looking at?" Nag-inat pa ko sa harap nya.

Inayos  ko yung buhok ko tapos kinusot ko yung mata ko para luminaw.

"Good morning Ms. Iya. Hahaha"

Tinigna kong mabuti yung lalaking nasa harap ko ngayon. And wow. It's Mark. Yung savior ko!!

"Mark!" I pinch his two cheeks. Tapos hinampas ko pa sya. Sa sobrang tuwa ko. Buti naman at may kakilala ako dito! HAHAHA =))

"Ganyan ka ba matuwa? Bigla bigla ka na lang nananakit?" Tawa lang sya ng tawa. Mukha syang anghel :)

"Sorry! Haha. Natuwa lang talaga ko, kasi atleast may makakasama ko lagi" Tumigil sya sa kakatawa nya tapos tinitigan ako saka ngumiti.

"Lagi? Gusto mo ko makasama  lagi?" Tinaas taas nya pa yung kilay nya. Nakakatawa sya. Hahaha

"Syempre, friends na tayo diba? Tsaka isa pa, ikaw yung savior ko eh" 

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon