Chapter 17

119 0 0
                                    

"Antagal ah" He's whining again. Psh

Kalalabas ko lang ng locker room. 15 minutes lang ako, nagbihis at nag ayos matagal na ba yuuuun?

"Sus arte, eto na"

"Hatid na kita ah"

"Sure!" Akala mo, tatanggi ako ah? :P

"Hindi man lang tumanggi" Sabi na, yan nasa isip nyan eh.

"Tatanggihan ko pa ba ang grasya? Haha! Natatakot na ko magcommute ngayon eh, gabi na. Baka kung ano pa mangyari sakin. Tara na!" Hinila ko sya palabas ng locker room, papuntang parking lot, habang tumatakbo. Haha

"Aray naman. Hands off" Tinanggal nya yung kamay ko, sa braso nyang namumula >:D<

"Aw. Sorry, gantihan lang. Haha! Natatandaan mo pa ba yung panghihila at pangkakaladkad na ginawa mo sakin nung nasa crusie pa tayo? Kulang pa yan. Bleeeh" Binelatan ko sya. Hahaha

"Whatever" Sumakay na sya sa sasakyan nya. Hindi man lang ako, pinagbuksan. Gentleman! :/

Kusa na akong pumasok sa tabi ng driver's seat. Then he started the engine.

"San kita ihahatid?" Nakatingin lang sya sa daan habang nagda-drive.

"Sa Elm Street, Beverly Height Subdv."

Napatingin sya sakin an parang nagtataka. Bakit ba? Eh Elm Street ang pangalan nung street sa sunbdivision namin eh. Kinda weird, but it's cool. Hahaha. Parang sa movie na (The Nightmare on Elm Street) :D

"Weird"

"I know"

"Like you"

"Heh!"

Nakarating na din kami sa bahay. More or less than an hour din pala ang byahe. Antagal din pala. Buong byahe, walang nagsasalita samin. Gusto ko sanang iopen yung topic tungkol dun sa deal namin kaso ewan, ayoko din. Basta! Ang gulo. Hahayaan ko na lang na sya yung mag-open nun, next time.

Hindi pa ako nakakalabas ng sasakyan nang nakita ko si Mommy na lumabas ng gate namin. Hala. Mmakikitaa nya si Migz. Anong gagawin ko? :/

No choice..

"Iya, is that you? Anak?" Lumapit sa sasakyan si Mommy. Oh-em!

Lumabas na ako ng sasakyan. Papagalitan ako nito, for sure!

"Oh andyan ka na pala, bakit hindi ka pumasok sa loob?" Tumingin ulit si Mommy sa sasakyan, kay Migz. Lumabas si Migz ng sasakyan.

"Sino sya? Boyfriend mo ba? Bakit hindi mo man lang pinapakilala samin? Nakuu. Ikaw talaga. Halina kayo sa loob dali, mag dinner na tayo" Napakamot sa ulo si mommy saka nauna nang maglakad papunta sa bahay.

"I thought, papagalitan nya ko?" Takang tanong ko sa sarili ko.

"Tara na" Pumasok na din si Migz sa gate. Ang kapal talaga nun, nauna pa sakin. -__-

Bakit kaya hindi nagalit si mommy? Hay. Nevermind. Makapasok na din nga sa bahay. Naabutan ko sa dining table sila mommy, daddy, kuya nathan at ate riza. Wow. Complete attendance pala kami. Clap-clap. =))

Si Migz, nakaupo sa tabi ni Kuya Nathan.

"Anak, umupo ka na sa tabi ng boyfriend mo, buti naman at naisipan mo syang dalhin dito" Sabi ni daddy sakin.

Si Migz naman na 'to, feel na feel. May pa ngiti ngiti pa habang kinakausap nila mommy at kuya nathan.

Like what daddy said, umupo na ko sa tabi ni Migz.

"Kailan pa kayo ng anak ko? San kayo nagkakilala? Bat ngayon ka lang nya dinala dito?"

"Mom! Isa-isa lang po yung tanong" Suway ko kay mommy, andami kasi magtanong eh. Ang daldal ng mommy ko, alam ko na kung kanino ako nagmana :)

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon