Chapter 5

107 2 0
                                    

4 months na simula nung nakilala ko yung Evo na yun. 3 months na din ng pseudo relationship namin. Okay naman. Same rules, same old games. Kaya lang, may problema ako. Nagkakacrush ako sa kanya. Pero kahit na crush lang yun, natatakot ako. Natatakot akong lumalim yun. Ayokoooo! No way. Ayoko na ulit masaktan T_T

"Hoy iya, kanina ka pa tulala dyan ah?" Napalingon ako kay Fara. Hindi ko namalayang natulala na pala ako

Andito kami ngayon sa field ng school. Vacant naman namin, kaya tambay muna here. Analawak talaga dito, sarap magmuni-muni. Hayyy

"Mukhang malalim iniisip mo ah. Mind to share girl?" Hayy cheska. Kung ise-share ko ba, matutulungan nyo ba ko? Baka pagtawanan nyo lang nga ako eh :(

"Ah wala. Wala yun, iniisip ko lang kung ano yung pwedeng research proposal para sa project natin. Next month na deadline nun eh" palusoooot. Dyan ako magaling! Haha

"Matagal pa naman yun eh" Sabi ni claire

"Maniwala ka dyan, sabihin mo, si Evo lang ang iniisip nyan! Ayiiiie" Uupakan ko tong si Fara eh

"Blackeye gusto mo, Fara?" Inirapan ko siya

"Guilty!"

"Tse"

"Sungit ni Iya, may red tide siguro! Bwahahaha" Cheska said and they burst out laughing. Nyenye, napagkaisahan na naman ako. Pag uuntugin ko tong mga to eh

*Evo calling*

"Speaking of the devil" sinagot ko na yung call. Nakita kong nagsikuhan tong tatlo kong SUPPORTIVE AT MABABAIT na kaibigan

"Hello?"

"Iya"

"Baket?"

"Sunduin kita after ng school nyo"

"Ano meron?"

"Ala lang"

"Ok wala naman akong gagawin eh"

"Pagluluto kita. Dito sa condo ko"

"Sure, basta pagkain. Di ko tatanggihan yan"

"Takaw talaga ng babe ko. Sige, bye"

"Bye" Call ended

"Ano sabi?" lumapit sakin si cheska. Ngiting ngiti pa

"Kita daw kami pagkatapos ng school" Humiga ako sa malambot na bermuda grass ng field. Wala naman masyadong tao, kaya ok lang na humiga higa ako dito

"Talaga? Date or what? Omg kiliiiig!" Mas kinikilig pa si cheska sakin eh

"Pagluluto nya daw ako. S acondo lang naman nya"

"Ang sweet! Parang mag-asawa hahaha" Mga imagination nitong fara na to tss

"Hindi naman, nakapangako lang yun sakin noh, ngayon lang nga tinupad ng mokong eh"

"At least, tinupad. Gaga" binatukan naman ako ni claire. Nakoo sumosobra na tong mga to ah

"Okay. Okay. Sya ang kampihan nyo. Siya na. Sya ang kaibigan nyo eh!" Nagkunwari akong nagdadabog

"To naman, tampo pa daw. Gusto lang namin sya, para sayo!" Cheska talaga. Botong boto dun -.-

"Oi nga pala, next week na yungg birthday ko. Punta kayo ah? Dapat andun kayo, kung hindi, itatakwil ko kayong mga betfriend ko" Nagpout si Claire. Oo nga pala, next week na ang birthday ng gaga. Wala pa kong maisip na regalo

"Oo naman pupunta kami noh. Hindi kami mawawala" Tama si Fara

"Oo nga pala, una na ko. Magsusukat pa ko ng gown para sa party eh hehe" Kinuha na ni claire yung bag nya then nagwave at tumakbo paalis

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon