Chapter 11

111 1 0
                                    

Chapter 11:

"Ma'am, tapos na po yung make-up. Sabi po ni sir, after nito, isuot nyo na daw po yung damit na binigay niya, andun po sa table nyo, suotin niyo na lang. Sige po, aalis na ako" :) nagwave yung baklang make up artist tapos lumabas na sa cabin

Dinampot ko yung paperbag kung saan nakalagay yung damit at binuksan ko. Isang black na dress, above the knee, tapos may kasamang black gloves at maliit na hat. Hollywood style ang peg! Haha.

Sinuot ko na siya. And viola!

"Ang ganda ko shet! HAHA" Umikot ikot ako sa harap ng salamin at nag pose ng kung anu-ano.

"Feel na feel mo naman? Tsss" At niluwa ng pinto ang isang gwapong bakulaw na nilalang. Si migz -__-

Naka black suit siya. Ang gwapo nya, as usual!!

"Eh ano bang pake mo? Maganda naman talaga ko. Bleeh" Binelatan ko sya

"Masyado kang assuming. Tara na nga" Hinila nya ko sa braso at kinaladkad.

"Hoy! Ano baaa?? Naka heels ako oh, hindi mo ba nakikita? HA?" Bwiset. Mapipilayan ata ko sa ginagawa nito

"Nakikita ko. Ano akala mo sakin, bulag? Late na tayo oh. Tagal mo kasi!"

"Edi sana nauna ka na nang hindi ka nagrereklamo. Bitiwan mo nga ko. Kaya kong maglakad ng mabilis" Halos masubsob ako nung bitawan niya ko. Grabe, ang harsh nya ah!

"ANO BA? SABI KO BITAWAN, HINDI ISUBSOB!" grrrr >.<

"Dami pang arte" Inabot nya yung kamay nya sakin para makatayo, but I refuse

"Kaya kong tumaya, tabi!" Tinabig ko yung kamay niya. Naglakad na siya papalayo. Okay. -___-

Wala pa kami sa party, ganyan na kami mag-aaway, pano pa kaya mamaya? O.o

By rthe way, kung nagtataka kayo kung anong party yung pupuntahan namin. Anniversary ng company nila migz. Sabi niya, isasama daw yung babaeng pinagpipilitan sa kanya ng daddy niya kaya eto, ipapakilala niya na daw ako ng girlfriend niya para hindi na siya ipilit dun. User talaga to, kainis! Kung may choice lang ako, hindi ako papayag sa gusto ng lalaking to eh!!

Nakarating na kami sa hall kung saan gaganapin yung party. Anlaki ng hall, tapos andaming tao. Halatang mga sosyal ang bisita. Siguro, puro business partners nila at family friends. Wala man lang akong kakilala, Out of Place :(

"Ilagay mo yung kamay mo sa braso ko, kumapit ka. Act as my real girlfriend okay?" Bulong sakin ni migz

Sinunod ko na lang, kailangan eh.

Naglakad kami sa red carpet. OMG. Parang hollywood nga. Bagay sa damit ko ang red carpet na to. Mwahaha.

All eyes are on us, while we walk down the aisle este red carpet. HAHA

"Ayun sila dad, tara" Tinuro niya yung isang malaking pahabang table

"My son migz, is she your girlfriend?" Ngumiti sakin yung daddy nya tapos binalik ang tingin kay migz

"Yes dad. She is Aria Saavedra"

"Hello po sir, ma'am" Nginitian ko yung mom at dad niya

"Hija, don't need to call us sir & ma'am, just call us tito and tita, okay? You're now part of the family" :)

"Nice choice of girl, maganda siya at mukhang galing sa magandang pamilya. Next time, I want her to bond with us pati na din yung family nya, para naman makilala namin"

"Sure dad, why not" Kinindatan ako ni migz. Plastic!

Nakakahiya naman sa parents nya. Hihi :')

"Okay po, tita :)" Nagsmile si tita, tapos pumunta sila ni tito sa kabilang table, may kinausap na parang business partners nila.

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon