Chapter 14

102 0 0
                                    

"Nakumpleto mo na ba yung mga recquirements mo?" Tanong ni Claire sakin.

Nandito ako ngayon sa isang cafe kasama si Claire at Cheska. Wala si fara, may inaasikaso daw. Magkapareho kami ng university na papasukan ni Claire at Cheska. While si Fara, mapapahiwalay samin. Dun na daw sya mag-aaral sa States. T_T

"Yep. Sabay sabay na tayong magpasa ah" I answered her.

"Hayy. Nakakalungkot naman, mapapahiwalay satin si Fara :(" Nakapangalumbaba si Cheska

"Oo nga, pero ganyan talaga. Hindi naman siguro yun makakalimot"

Ilang years din yung pinagsamahan namin no. Siguro naman, hindi yun makakalimot.

"By the way, Iya. How are your feelings to Evo?" Biglang tanong ni Cheska na ikinagulat ko.

Napatingin naman sakin si Claire at hinihintay ang sagot ko. 

Ano ang isasagot ko? I still love him pero gusto ko na syang kalimutan.

"Hindi ko alam. Wala na naman kami ah? Hayaan na lang natin, mawawala din to" Nawala yung ngiti sa mukha ko.

"Okay, I get it. You still love him" Cheska said habang umiiling-iling.

"Ano ka ba, Iya? Kalimutan mo na nga yung lalaking yun" I know, concern sakin si Claire pero...

"Hindi ganun kadali yun"

"Basta. Makakalimutan din yun ni Iya. Kasalanan ko to eh. Ako yung dahilan kung bakit kayo nagkakilala nun. Sorry, Iya"

Tiningnan ako ni cheska. Sincere yung mukha nya. Hinampas ko lang sya ng mahina tapos sinabi ko "Okay lang yun. Past is past" saka ko sya nginitian.

"Ang drama ng mga to. Tss. Haha" T'was Claire

"Oo nga pala, iya. Si mark, nakakatext ko sya. Kinakamusta ka sakin" dagdag nya.

Nagpalit na ako ng number tsaka ng phone. Nasira na kasi yung dati, nung nahulog kami sa barko ni Migz.

"Ibigay mo na lang sa kanya yung bago kong number" Then I smiled at her.

"Owkie!"

"I smell something fishy" Tinaas ni cheska yung kilay nya tapos ngumiti sakin.

"Why? Friends lang kami nun. Savior ko yun eh. Haha"

"Talaga lang ah? Malay mo, he's the one! Diba, claire?" Tapos nakipag-apir pa sya kay Claire.

"Naku hindi ah. Mabait lang talaga yung tao. Tsaka isa pa, uhm. A-ano kasi. Ay w-wala, wala pala." 

Sasabihin ko na sana yung tungkol sa kasunduan namin ni Migz, ang alam ko, hanggang ngayon sya pa din ang boyfriend ko. Hindi naman ako makatanggi, may kasalanan utang na loob ako dun. Speaking of him, wala na kong balita sa kanya simula nung narescue kami sa Isla eh. Ano na kayang nangyari dun? Baka naman pwede na nyang bawiin yung kasunduan namin.

"Ano yun, Iya? I know you. May tinatago ka samin no?" Asked claire.

"Eh kasi, sa totoo lang, may boyfriend pa yata ako?"

Halatang naconfused sila sa sagot ko.

"HA? What do you mean?" Sabay nilang sabi.

"Kasi, naaalala nyo ba si Migz? Yung kasama ko nung natrap kami sa isang isla sa caribbean?"

"Yep. Tuloy na. Daliii" Chorus na naman silang sumagot. Kakatuwa. HAHA

"Simula pa lang nung cruise, nakilala ko na sya. May kasalanan ako sa kanya, pero hindi naman ganun kalala. Tapos nagkaroon kami ng deal na magpapanggap kaming couples kasi ayaw nya daw dun sa gusto ng daddy nyang babae para sa kanya. Then nangyari nga yung aksidente, na kasalanan ko na naman. Tinanong ko sya kung hanggang kailan magtatagal yung pseudo relationship namin sabi nya hangga't kelan daw nya gusto. Tapos ngayon nga, wala na kong balita sa kanya kaya di ko alam kung kami pa?"

"Great deal. Ayos din yung lalaking yun ah. Blackmailer! Haha" Tama, claire. Mahilig syang mang-blackmail :(

"Ano ba hitsura nung migz na yun?" Tanong ni cheska

"Hmm. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, tapos ang cool ng buhok nya. Blue yung eyes"

"Base sa description, I think.. Gwapo?" Excited na tanong ni cheska.

"Siguro? Oo!"

"Ano full name?" Si claire naman, parang interested din like cheska.

"Miguel Ayala"

Nalaglag ang panga nilang dalawa nanag marinig yun. Why? O.o

"What? Miguel Ayala? Yung anak ni Mr. Martin Ayala?? may-ari ng crusing ship company at pamangkin ni Cong. Perez????" 

Ganun ba sila kakilala? At ngayon ko lang nalaman na bukod sa pagiging business tycoons. May politician din pala syang tito? How powerful -__-

"I guess?"

"Jackpot ka dyan iya! Hahahaha" Tawang tawang sabi ni cheska.

"Anong jackpot? Di naman talaga kami saka, napakamoody at sungit nun minsan. Kaya siguro wala pang girlfriend. Walang maka-take ng ugali"

"Pero kahit na!" Kulit nila :(

"Oo na. Jackpot na kung jackpot. Haha. Sus. Gusto nyo, sa inyo na lang"

After nung kinonfess ko sa kanila, lagi na nila kong kinukulit dun sa Migz na yun. Kalimutan ko na daw si Evo, dun na lang daw ako. Blah blah etc. Nakuu =.=

Nasa airport kami ngayon. Ngayon na kasi yung alis ng isa pang bestfriend namin, si Fara T__T

"Hoy fara. Pakabait ka dun ah?" Hinug ko si Fara. Huhu. I'll miss her!

"Oo naman. Mabait naman talaga ako ah" Nagpacute pa sya. Haha

"Pag may nambully sayo dun, sabihin mo lang, susugod agad kami dun. Haha" dagdag ko

"Wag kang makakalimot tumawag o mag-update samin ah" Naiyak na si cheska after nyag sabihin yun.

"Wag kang umiyak, may skype naman. Andyan din yung fb. Hindi ko kayo makakalimutan. I swear" Tinaas pa nya yung right handa nya.

"Fara, I will miss you!" Saka naman hinug ni Claire si Fara.

"Osya, sige na. Bye na. baka mamaya, hindi pa ko makaalis nyan" Fara said habang pinupunasan nya yung luha nya.

Nag-group hug kami for the last time tapos pumasok na sya sa loob ng airport.

Hayyy, goodbye fara. T_T

---------

A/N: Ayan na yung picture ni Fara (Victoria Justice). Next time, sila Claire at Cheska naman yung ia-upload ko. :) Sorry, ang ikli nung update. Btw, comment kayo! React kayo, about sa story. =)) :** xxx

-Jannele ♥

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon