Chapter 8

85 1 0
                                    

Umuwi na lang kami sa bahay. Naabutan namin sa bahay ang dalawa kong kapatid. Sila ate riza at kuya nathan. Galing sila sa trabaho. Si ate, architect si kuya naman civil engineer. Ako kaya, someday? Hmmm

Well, badtrip pa din ako! Badtrip na badtriiiip! Wala akong mapaglabasan ng saloobin ko kasi wala sila claire, fara at cheska. Mga busy ngayon, kasama nga yung family nila. Hindi ko naman masabi sa parents ko yung problema ko kasi ang alam nila, wala akong boyfriend. Ganun din yung dalawa kong kapatid. Although, close naman ako sa kanila. So I've decided na lumabas munang mag-isa. Magpapaka-loner at emo muna ko ngayon. Ew, di bagay! -___-

Lumabas ako sa subdivision namin, pumunta ko sa park, malapit dito. Naglakad na lang ako, tutal walking distance lang naman. Medyo pagabi na din, nakakatakot pala. Ang dilim! Huhu

Lakad....lakad....

May nakita akong bench sa may gitna ng park. Naka-helera sya sa may gilid ng mga puno, tapos may nakita akong nagba-bike dun sa may gitna, may mga bata din. Kaunti na lang ang tao, medyo pagabi na din nga. Umupo muna ko sa isa sa mga bench. Tumulo ang mga luha ko nang hindi ko namamalayan.

*sigh*

huhuhu T_T

"Ang sakit! Ang sakit sakit! Walang hiya kang lalaki ka. Forever & always ka pa dyan. Pakyu ka. Go to hell. Sht" sinipa ko yung puno sa may gilid ng inuupuan ko

"Aray. My god. Mas masakit pala to" Dejoke. Mas masakit pa din yung puso ko. Seriously. :(

"Bakit kasi yung puno yung pinagdidiskitahan mo?"

Biglang may nagsalita sa likod ko tapos tinakpan yung eyes ko. Sht sino to? Baka mamaya, eto yung baliw na pagala gala dito sa park ah. Tapos pagtripan pa ko? Hala!

"Sino ka?" :O

"Hindi ako sinuka, inere ako ng nanay ko!"

"Seryoso ko!" -__-

"Seryoso din ako. Bleeeeh!"

Pakshet. Eto nga ata yung baliw, ayaw nya pang tanggalin yung kamay nya sa mata ko. Tinatanggal ko na. Pero ayaw nya. Sya na malakas! :(

Pseudo Relationship (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon