Fiennes
Inayos ko ang buhok ko sa harapan ng salamin pero agad akong napatigil dahil narinig ko ang pag tugtug ng piano sa music room, kulang nalang sirain ang piano ko sa sobrang diin at bilis ng tugtug. Tsk.
Kinuha ko ang maliit na bag na lagi kong dinadala sa office at pumasok sa music room. Naabotan ko si Isaac na parang may galit sa pinao ko kung makatipa.
"Kung nakakapag salita lang ang piano, kanina ka pa minura" Natigil naman agad siya at bumaling sa akin, pero agad din bumalik sa piano ang atensyon niya at tumugtug ulit pero marahan na sa ngayon.
"Same bed but it feels just a little bit bigger now, our song on the radio but it don't sound the same-" Umiling nalang ako sa kanta niya at nag lakad na palabas ng bahay dahil may business meeting pa akong pupuntahan.
Papasok na sana ako garahe pero nakita ko si Joseph na nakadungaw sa balkonahe ng bahay nila Donna,
"Sino ba nasa music room mo? Broken na broken ah" Naiiling akong tumawa sa kanya
"Si Isaac, hirap na hirap nga kumanta ng english eh" Biro ko at pareho kaming natawa bago ako pumasok sa kotse at nag maneho na.
Habang nag mamaneho ako ay inabot ko ang phone sa dashboard at dinail ang number ni Noe,
"Yes weirdo?"
"Bilis ah. Nandiyan na ba ang ka-meeting ko" Tanong ko kay Noe dahil alam kong nasa restaurant siya ngayon para makapag trabaho ng maaga at makauwi agad kay Faith
"Ah, yeah. Nandito na, ngayon ngayon lang" Pinatay ko na agad ang tawag at binilisan ang pag maneho, mga ilang minuto ay agad akong nakarating sa Menoitios Restaurant.
Nagulat ako pag bukas ko ng glass door ay biglang dumaan ang babaeng nakalab gown kaya nagka-banggaan kami,
"Punyeta naman oh! Tabi sa daan may pasyente akong manganganak" Agad akong umalis at binigyan siya ng daan pero nanatili ang tingin ko sa kanya hanggang sa makaalis na siya ay nakatitig pa rin ako sa kalsada.
Fuck! Ang puti niya, matangos ang ilong, maninipis ang labi, malaki ang hinaharap at noong tumalikod siya ay bumalandara sa mata ko 'sexy ass'. Tangina bigla akong tinigasan at bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa babaeng yun.
Nang maalala ko ang suot niyang lab gown ay bigla akong nairita. Masarap nga, doctor naman. I hate doctors.
"Maganda ba ang kalsada ngayon titig na titig ka?" Nabaling agad ang tingin ko kay Noe at buhat buhat ang anak niya, umiling siya sa akin at tunuro ang lalaki sa isang table
"Nandoon ang ka-meeting mo. Wala sa kalsada" Sinamaan ko lang siya ng tingin bago nag lakad para lumapit sa ka-meeting ko.
Tangina lang.
Liezel
Halos paliparin ko na ang kotse ko papuntang Dutch Hospital dahil manganganak na daw ang isang pasynte ko, punyeta kasi iyong nakaharang sa glass door kanina. Gwapo nga hindi naman marunong makiramdam na nag mamadali ako.
Mabilis akong nakarating sa parking lot ng hospital at dumertso ako sa nurse station para pumerma at kumuha na ng sanitized hand gloves tsaka ako pumunta sa delivery room.
"Nasaan ang pasyente?" Tanong ko sa nurs na sumalubong sa akin.
"Nasa loob na po Dra. masakit na daw at gusto ng lumabas ng baby niya" Pumasok agad ako at naabotan ko ang pasyente na pinapakalma ng lalaki, siguro asawa.
"Mag sisimula na tayo. Okay mommy, huwag mag inarte okay? Pag sinabi kong ere, umere ka agad" Sabi at pumwesto na sa bukana ng babae, hinawak ko ang isang kamay ko sa tiyan niya habang ang isa naman ay malapit sa hita niya.
"Isang mahabang ere" Lumukot ang mukha ko dahil sa nakakarinding sigaw ng babae,
"Sabi ko ere, hindi sigaw. Isang ere! iyong mahabang ere!" Sinunod naman ng babae pero punyeta hindi mawawala ang sigaw niya.
Nang makita ko na ang ulo ng baby ay lumiwanag agad ang mukha ko,
"Ere pa mommy, nakikita ko na ang ulo ni baby" Lumakas ang sigaw ng babae kasama ang oag ere, tinapat ko anag ang dalawang kamay ko sa bukasa niya dahil unti unti ng lumalabas ang baby.
"Isang mahabang ere pa, kaya mo yan mommy. Para kay baby" Isang mahabang ere at agad na lumabas ang bata at agad ko namang nasalo,
Hinarap ko ang dalawang nurse
"Linisan niyo si mommy, ako na ang bahala sa baby" Iyak ng iyak ang baby habang buhat buhat ko, malusog na baby girl.
Dinala ko ang bata sa pag lilinisan sa kanya at tinanggal ko ang umbilical cord niya at nilinisan ng maayos.
Buhat bubat ang baby ay nakangiti ako habang nag lalakad papunta sa nursery room at binigay sa nurse ang baby girl
"Wow ang lusog ni baby girl" Sabi ng nurse at nilapag na ang baby,
"Kakain lang ako sa canteen, pag balik ko samahan ko akong ihatid si baby sa parents niya para makuha ang name." Tumango at ngumiti ang nurse kaya umalis na ako para makakain.
Bago ako pumunta sa canteen ay nag perma muna ako sa record book para mareport na tapos na ang pag papanak ko.
Nanlalanta akong pumasok sa canteen at umorder ng pag kain, umupo ako malapit sa glass window dahil mahangin doon.
Habang susubo ko kay naalala ko si Casil. Ang walang hiya kong ex boyfriend na pinag palit ako sa mas mukha pang mamaw. Ang punyeta talaga.
"Hindi ka ba naaawa sa pagkain mo?" Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Dra. Shaina Saguid-Dutch, ang asawa ng may ari nitong Hospital. Isa siyang Psychologist dito sa Hospital.
"Good morning Dra. kain po tayo" Aya ko at bumaba ang tingin ko sa tiyan niyang malaki na at hula ko ay kabwanan na niya ngayon.
"Kakatpos ko lang kumain eh, nilapitan lang kita kasi bullshit halos madurog na ang beefsteak sa pinggan mo" Natawa ako sa pag mumura ni Dra. Pareho kaming mapag mura lalo na pag nagagalit. Nakita ko na siyang magalit noong isang araw kasi nalate yata ng pasok si Dr. Dutch.
"May naalala lang ako Dra." Tumango siya at hinimas ang tiyan niya kaya nag patuloy na ako sa pag kain,
"Kabwanan ko na. Gusto ko ikaw mag paanak sa akin" Ngumiti naman ako dahil sa sinabi niya
"Tawagan niyo lang po ako Dra. may number po ako kay Dr. Dutch for emergency. Hindi na rin naman po ako babalik sa Rome, maybe next year" Ngumiti siya at nangalumbaba sa harap ko,
"Taga Roma ka?" Mabilis naman akong umiling at natawa,
"Mama ko po taga Rome, pero namatay na silang dalawa ni Papa kaya bumibisita ako doon kasi doon sila nilibing" Sabi ko naman,
"Sorry to hear that" Paumanhin niya at ngumiti lang ako.
Fiennes
"Hoy Wykeham, kanina ka pa tulala diyan. Nakaalis na ang ka-meeting mo" Huminga ako ng malalim at tinignan si Noe na nakaupo na sa kinauupoan ng ka-meeting ko kanina,
"My heart is beating so damn fast Noe. Is this normal? should I go to William and ask for some advice? or what?" Biglang tumawa ng malakas si Noe dahilan para mag lingonan ang mga costumer sa amin, huminga ako ng malalim dahil sa ka-weirdohan niya.
"Sorry for that" Paumanhin niya sa mga costumer at humarap sa akin ng natatawa pa talaga "Good luck Fiennes Wykeham"
BINABASA MO ANG
Tiger 9: Fiennes Wykeham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Fiennes Wykeham hates doctors. Any kind of doctors but except William Dutch, because he's a friend. He also hate the kind of feeling that is growing ins...