Liezel
Pabagsak akong umupo sa sofa dahil kadarating ko lang, tatlo ang pinaanak ko ngayong araw kaya pagod na pagod ako.
Nabaling ang tingin ko sa hagdan dahil nakita kong pababa si Fienel habang may nakasabit na headphones sa leeg nito.
"Hi mom, where's ate Finel?" Kunot noo kong nilibot ang buong salas at wala doon si Finel
"Baka lumabas anak, bakit?" Umupo ito sa sofa at inayos ang pag kakasuot ng sapatos niya.
"May lakad kami ngayon nila ate Finel, ate Cleir at kuya Brandon" Bumukas ang pinto ng bahay at pumasok doon si Finel na naka all black. Sando black, jogger pants black, headphones black. Hindi ko alam kung voodoo doll ba to o tao?
"Hi mom, may lakad po kami" Sabi ni Finel at humalik sa pisnge ko,
"Saan naman kayo?" Tumabi si Finel sa kapatid niya at nag cross legs
Finel is now eighteen years old and Fienel is seventeen years old. Mag kasundo ang dalawa sa headphones pero iba ang style ni Finel.
Finel likes black while Fienel likes white. Kung si Finel mukhang voodoo doll, si Fienel naman mukhang anghel.
"Sa Menoitios Restaurant mom. Nag part time job kami remember?" Napangiti naman ako, nag part time job sila sa Restaurant nila Noe at Faith, ayaw nilang tumanggap ng pera galing sa amin ni Fiennel. Unless kung kinakailangan talaga.
"Sige mag iinagat kayo doon" Tumayo na silang dalawa at humalik sa pisnge ko,
"Of course mom. Bye" Kumaway nalang ako at tuloyan na silang umalis, maya maya pa ay si Fiennes naman ang pumasok sa bahay at may bitbit pang case.
"Nakasalubong ko sila Finel at Fienel, part time job daw" Tumango ako at hinalikan siya sa labi ng makalapit siya,
"Hayaan mo na sila. Mas mabuti nang maaga matutunan mag trabaho" Natawa si Fiennes at hinalikan ako sa labi at agad ko namang tinugon.
"Mahal na mahal talaga kita mine" Kinagat niya ang ilong ko kaya natatawa akong lumayo sa kanya,
"Hindi kita mahal. Nangangagat ka eh" Nag tawanan kami at nauwi rin sa halikan.
Kuntento na ako sa lahat. Kay Fiennes at sa mga anak ko.
BINABASA MO ANG
Tiger 9: Fiennes Wykeham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Fiennes Wykeham hates doctors. Any kind of doctors but except William Dutch, because he's a friend. He also hate the kind of feeling that is growing ins...