Liezel
"Hija huwag ka na umiyak diyan, nasisira ang make up mo" Ngumiti ako sa mommy ni Fiennes na nasa likoran ko lang habang buhat buhat si baby Finel, naluluha kasi ako. Hindi ko akalain na mag papakasal na ako ngayon at nalulungkot ako kasi wala sila mommy at daddy, ang naman kasi nilang nawala. Hindi tuloy nila ako malakad sa altar katulad ng pangarap ko dati.
"Tayo po kayo ma'am, ayosin natin ang gown" Tumayo naman ako at inayos ng make up artist ang gown ko, medyo mahaba kasi ang laylayan kaya natawa ako.
Sinunod tagala ni Fiennes anf request niya, pati mga gown ng bridesmaids ay sinunod niya sa gusto kong kulay. Ang yellow, at sa mga groom's men naman ay white tuxedo.
Gaganapin ang kasal namin sa isang private island na pag mamay-ari ng mommy at daddy ni Fiennes, speaking of Fiennes. Hindi pa niya alam na buntis ako at magiging daddy na ulit siya. Napangiti tuloy ako.
"Ma'am, ito na po ang bouquet niyo. Lalabas na po tayo, nag hihintay na po ang lahat" Naunang lumabas ang mommy ni Fiennes dala si Finel at himinga naman ako ng malalim.
This is it Liezel Pereira. It's your big day.
Fiennes
Fuck, sobrang lamig ng kamay ko at hindi ako mapakali sa tabi ni Lelantos na parang tangang kinakausap si Barbie.
"Tignan mo Barbie, hindi mapakali si Fiennes. Isasakal na kasi siya" Kunot noo akong bumaling kay Lelantos at sa hawak niyang Barbie
"Tigilan mo nga 'yan Lelantos. Ako natatakot sayo eh" Ngumuso si Lelantos at maingat na pinasok ang paa ni Barbie sa bulsa ng slacks niya sabay tingin sa akin.
"Natatakot si Barbie sayo eh, tumigil ka nalang diyan. Baka mamaya hindi ka siputin ng bride mo" Napailing nalang ako dahil sa sinabi niya, hindi ko alam kung normal pa ba 'to si Lelantos eh, wagas mag mahal kay Barbie. Makapag asawa pa kaya 'to?
"Bakit nga ba ikaw ang napili kong Best man? mukha ka namang timang" Natawa kaming pareho dahil sa sinabi ko,
"Ipaalala ko lang sayo, weirdo ako hindi timang" Nag tawanan ulit kami, parang inaalis lang ni Lelantos ang kaba ko.
"Nahiya ka pa, dapat sinabi mong baliw ka na talaga. Nakikipag usap ka pa kay Barbie. Creepy ka Lan" Mag sasalita pa sana si Lelantos pero pinaayos na kami dahil nandiyan na daw ang bride.
Bumalik tuloy ang kaba ko, fuck hindi pa ako kinabahan ng ganito sa buong buhay ko. Kahit noong tarantado pa ako.
Napatingin ako kay Nyle na nakaupo sa harapan ng piano at nag hihintay ng signal sa pag tugtug at pag kanta. Nanlalamig na naman ang kamay ko at nag papawis na ako kaya nagulat nalang ako kasi may nag punas sa noo ko.
"Tsk, tsk, pag ako kinasal. Hindi ako gagaya sa inyo. Ang OA niyo eh. Mula kay Baxter hanggang sayo. Para kayong tanga" Inagaw ko nalang ang panyo kay Lelantos at ako na ang nag punas.
Nag simula ng tumugtug sa piano si Nyle at nag simula na ang pag martsa ng sponsors, bridesmaids and groom's men.
Hanggang sa nasilayan ko na si Liezel, ang Doctora ng buhay ko.
Bigla ko nalang naramdaman ang maiinit na likido sa pisnge ko, only to find out na umiiyak na pala ako. Para na tuloy akong tanga dito. Hindi ko kasi mapilan na maiyak dahil sa wakas. Ikakasal na ako sa babaeng mahal na mahal ko, higit pa sa buhay ko.
Narinig ko ang pag babago ng tugtug at nag simula na si Nyle na kumata ng kantang pinili ko para kay Liezel.
'I could see it in your eyes
BINABASA MO ANG
Tiger 9: Fiennes Wykeham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Fiennes Wykeham hates doctors. Any kind of doctors but except William Dutch, because he's a friend. He also hate the kind of feeling that is growing ins...