Liezel
Umaga pa lang ay nasa clinic na ako at nag kakape dahil wala akong almusal. Wala akong gana, nakakawalang gana ang nangyari kahapon.
Huminga ako ng malalim at inilipat ang page ng librong binabasa ko, tungkol ito sa tamang pag aalaga ng mga baby na bagong panganak pa lang.
Uminom ako ng kape habang nag babasa ng may kumatok sa pinto ng clinic ko,
"Come in" Sabi ng hindi inaalis ang pag kakabasa sa libro,
"Dra. Pereira si Dra. Dutch po manganganak na" Muntik ko ng maibuga ang iniinom kong kape dahil sa sinabi ng secretarya ko.
Mabilis akong tumayo at pati reading glass ko ay hindi ko nagawang tanggalin dahil sa pag mamadali ko, nag lakad ako sa hallway at nakita ko sila Dr. Dutch at Dra. Dutch.
Mabilis akong pumunta sa kuhaan ng gloves at mask tsaka ako nag tawag ng ilang nurse.
"Bullshit ka William! Ang sakit! bullshit ka!" Nilapitan ko si Dr. Dutch na hindi alam ang gagawin
"Dr. Dutch dalhin po natin di Dra. sa delivery room" Tumango si Doc at mabilis na binuhat si Dra. kaya sumunod na ako at naabotan namin ang ilang nurse doon.
Huminga ako ng malalim at pinag hiwalay ang mga hita ni Dra. para makapag simula na,
"Bullshit ka William! hindi ka na talaga makakaulit! walang hiya kang bullshit ka! Ahhh!" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o ano dahil sa pinagsisigaw ni Dra.
Fiennes
"Come on! tangina naman ang bagal kumilos" Sinamaan ko ng tingin si Joseph dahil sa pag mamadali niya,
"Malay ko ba kung saan nilagay ni William ang gamit ng baby nila" Sabi ko at hinalungkat ang walk in closet ni William, nang makita ko ang maliit na maleta na kulay itim ay agad ko ng kinuha at tinignan ang laman.
Fuck, buti naman nakita ko na to, kanina pa ako nag hahanap.
"Ito na, tara na" Dala ang maleta ay sabay kami lumabas ni Joseph sa bahay ni William at dala ang maliit na maleta,
"Sila Jin kanina pa nandoon. Mga tangina talaga ang dadaya. Hindi man lang tumulong sa pag hahanap" Asik ni Joseph habang nag mamaneho pero pinabayaan ko nalang.
Nasa isip ko kasi si Liezel, matapos niyang mag walk out kahapon sa restaurant ni Noe ay binalaan ko ang hilaw niyang ex na huwag ng lalapit sa kanya.
Buti nalang talaga at tinawagan agad ako ni Noe para ipaalam na nandoon si Liezel.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa Dutch Hospital kaya lumabas na kami at nag lakad papunta sa waiting area ng delivery room.
Nakita namin ang Tigers doon maliban kay Dylan at Nyle. Nasa ibang bansa pa si Dylan kasama ang anak at asawa niya habang si Nyle naman ay nasa Placer.
"Oh hindi pa tapos?" Tanong ni Joseph, umiling naman agad si Baxter,
"Matatapos na siguro" Pagkasabi ni Baxter ay agad namang lumabas si William sa delivery room na may ngiti sa labi,
"Damn man, I like that smile of yours. Ano na?" Tumango si William at humarap sa aming lahat
"He's healthy, my baby Liam is handsome. Just like me" Natawa nalang kami sa kanya pero nawala ang tawa ko ng makita ko ang sunod na lumabas doon.
Si Liezel na naka lab gown at may dugo sa doon, ngumiti siya sa amin hanggang mabaling ang atensyon niya sa akin. Wala siyang reaction sa akin at humarap na lamang kay William.
BINABASA MO ANG
Tiger 9: Fiennes Wykeham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Fiennes Wykeham hates doctors. Any kind of doctors but except William Dutch, because he's a friend. He also hate the kind of feeling that is growing ins...