Liezel
"Dra. Tumawag po iyong pinaanak niyo noong nakaraan, pinapasabi po na bisitahin po siya" Tumango tango ako sa secretary ko habang binabasa ang mga natanggap kong email mula sa mga kaibigan kong doctor,
"Sige, ako na ang bahalang kumausap sa kanila" Tumango ang secretary ko at lumabas na ng clinic, ako maman ay nag reply sa mga importanting emails.
Nabaling ang tingin ko sa pinto ng office dahil may kumatok,
"Pasok" Sabi ko at pinag patuloy ang pag titipa sa laptop para matapos na ang tina-type kong email
"Hi mine" automatic naman akong nag angat ng tingin dahil boses ni Fiennes ang narinig ko,
Sinarado niya ang pinto at nilock iyon bago dumeretso ng lakad papunta sa akin, tinukod niya ang isang kamay sa gilid ng mesa ko at ang isa naman ay sa likod ng swivel chair ko bago siya yumuko at ginawaran ako ng halik sa labi.
"You've been very busy mine, kailangan ko rin ng oras mo. That's why I hate doctors, they're always busy as fuck" Kunot noo akong tinignan ang mukha ni Fiennes na ganoon pa rin ang posisyon,
"You hate doctors? you hate me?" Parang may masakit sa akin ng itanong ko iyon, kinagat ko ang ibabang labi ko at nag iwas ng tingin sa kanya,
"My mom and dad are both surgeon, lagi silang busy at nawawalan na sila ng time sa akin. Simula noon, ayaw ko na sa doctor. But you're the only exception mine" Ngumuso ako at binalik ang tingin sa kanya na ngayon ay nakangisi na naman with his signature look na parang malulunod ka,
"Talaga lang ha?" Kinagat niya ang ibabang labi bago yumuko at ginawaran ulit ako ng halik sa labi bago umayos ng tayo sa gilid ko at tinignan ang wrist watch niya
"It's twelve noon mine, let's grab our lunch" Nilingon ko ang tinipa kong email at sinend na iyon bago ko pinatay ang laptop at nag ligpit muna ng mesa,
Hinubad ko ang lab gown revealing my white dress, sakto namang nahulog ang ballpen ko sa ilalim ng mesa kaya yumuko ako at ganoon nalang ang gulat ko dahil hinawakan ni Fiennes ang mag kabilang bewang ko at nandoon na siya sa likod kaya nag madali akong umayos ng tayo kahit hindi ko pa nakukuha ang ballpen.
"Ano ba?! Ang bastos mo ah!" Punyeta! pero inaamin ko, nabuhay ang katawang lupa ko sa ginawa niya,
"What? I didn't do anything" Sabi niya na nag pipigil ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin at lumuhod naman ako para makuha ang ballpen, ayaw ko nang yumuko at baka masipa ko na siya sa gagawin niya.
"Wala ka bang trabaho?" Tanong ko at nilapag ang ballpen sa mesa, kinuha ko ang maliit na salamin sa table at tinignan ang mukha ko kung okay ba,
"Tinapos ko lahat ng kailangan gawin sa office ngayon araw para makasama agad kita" Bahagya akong natigilan sa sinabi ni Fiennes, maya maya pa ay bumalik ang tingin ko sa maliit na salamin at binalik na iyon sa table,
"Tara na" Nasa bewan ko ang kamay niya at sabay kaming lumabas ng clinic ko, naabotan namin si Dr. Dutch na dadaan dito kaya napatigil siya at bumaling sa amin,
"Oh, sa pag kakaalam ko ay medyo malayo pa ang Wykeham Incorporation dito?" May tuno ng panunukso na sabi ni Dr. Dutch at natawa naman si Fiennes,
"Parang hindi ka naman dumaan sa panliligaw weirdo" Tumawa silang pareho, okay I don't get it. Weirdo? their endearment?
"Sige, pupuntahan ko lang ang asawa ko. Mumurahin na naman ako nun pag matagalan ako" Paalam ni Dr. Dutch at ngumiti nalang ako, nag patuloy kami sa pag lalakad at tumigil lang sa nurse station para mag log out.
BINABASA MO ANG
Tiger 9: Fiennes Wykeham
General FictionWARNING: SPG R-18 NOT SUITABLE FOR YOUNG AND CLOSE MINDED READERS Book Cover by: @sailerstories Fiennes Wykeham hates doctors. Any kind of doctors but except William Dutch, because he's a friend. He also hate the kind of feeling that is growing ins...