CHAPTER 7

28.6K 722 27
                                    

Fiennes



Matapos kong ibalik ang trash bin at walis sa stock room sinilip ko si Liezel mula dito sa kusina, nakatulala lang siya habang nakaupo sa sofa at parang malalim ang iniisip.

Alam kong gumagawa siya ng research tungkol sa akin at sa organization na sinalihan namin ng Tiger dati, nakita ko kanina sa screen ng laptop niya habang nag pupulot ako ng lukot na papel.

Nag du-dududa na siya sa akin pati na rin sa asawa ng kaibigan niyang si Donna. Si Joseph.

Ginulo ko muna ang buhok ko bago nag lakad papalapit sa kanya na parang walang nangyari,

"Hey mine, what's up?" Umupo ako sa tabi niya at inakbayan siya, sandali niya lang akong tinignan at marahan na umiling.

"Makakaya mo ba akong patayin?" Natigilan ako bigla sa tanong niya at pasimping tinignan ang mga palad ko na nadungisan na ng kung kani-kaninong dugo.

Limang taon na ang nakalipas ng makawala kami sa pagiging Reaper dahil kay Daniel, huminga ako ng malalim at hinalikan ko siya sa noo bago sumagot.

"No, because I love you mine. I can't kill the woman I love" Yes, I can kill a person but that doesn't mean na kaya ko na siyang patayin. Pero kung ang Casil lang ang pag uusapan, hindi ako mag dadalawang isip na patayin siya pag nalaman kong inaahas na niya ang pag mamay-ari ko.

Akin si Liezel, I don't care now if she's a fucking doctor. Basta akin siya. Akin lang.









Liezel

Nakahilig ako sa dibdib ni Fiennes habang nakaupo kami sa sofa, sa sinabi niya ay kampante na ako. Pero hindi ako titigil na mag hanap ng impormasyon tungkol sa Royalties, kahit takot ako sa pweding mangyari.

"Matulog ka na mine, it's late" Tumingala ako kay Fiennes at ngumiti

"Patulogin mo ako, please?" Tumawa siya ng mahina at hinalikan ako ng mariin sa labi bago ako pinangko at nag lakad na papunta sa kwarto ko,

"There, dito lang ako. Matulog ka na" Sabi niya matapos akong ihiga sa kama ko at humiga naman siya sa tabi ko para mayakap ako.

Panatag ako sa tabi niya pero nalilito pa rin ako, panatag ako pero may takot akong nararamdaman. Iniisip ko pa lang na pumapatay siya ng tao, ano naman kaya iyon? mga inosenteng tao ba? o mga sindikato din?

"Sleep now. Stop thinking" Marahan akong pumikit at itinulog nalang ang lahat ng iniisip ko. 





Fiennes

Nang maramdaman kong malalim na ang pag hinga ni Liezel ay kinapa ko ang phone ko sa bulsa dahil kanina pa ito ng vibrate pero binaliwala ko lang dahil gusto kong matulog muna si Liezel.

From: Spade

I see, your woman is running a research about the Royalties. I've seen it because the Empress helped me out. Take care of her Wykeham. I like her for you. She's desperate to know more about you. How sweet of her.





Mariin akong pumikit at halos mapamura ako sa pasasalamat dahil pinalampas ni Spade ang pangingialam ni Liezel sa information ng Royalties.

Kahit gumamit pa si Liezel ng Deep Web ay malalaman pa rin ni Empress na may nag hahack sa system ng Royalties. Damn it.



Liezel

Nagising ako dahil wala na akong makapa sa tabi ko, kunot noo akong umupo sa kama at kinusot ang mata ko bago ako bumaling sa bedside table dahil may napansin akong papel doon.

It's a letter, and it says-

'Wear this ring mine, umuwi lang ako para maligo at mag bihis. I'll pick you up when I'm done and we'll go out for breakfast.

Love

-F. Wykeham



Kunot noo ulit akong bumaling sa bedside table at nakita ko doon ang isang singsing na may heart shaped transparent diamond stone, wala sa sarili ko iyong sinuot sa daliri ko at inangat ang kamay ko para matignan ng maayos.

It's perfectly fits my fingers, maganda, elegante pero simple. Pero teka nga, anong meron at may pa-singsing pang nalalaman si Fiennes?

Umiling nalang ako at tumayo na tsaka ako pumasok sa banyo para maligo na,

Nang matapos ako ay nag bihis lang ako ng bistidang itim at kinuha ang naka hanger na lab gown tsaka ako lumabas ng kwarto, nag taka ako dahil naabotan ko si Fiennes na nakaupo sa sofa habang nakatulala at parang malalim ang iniisip,

"Fien" Tawag pansin ko sa kanya at agad naman siyang tumayo tsaka ako sinalubong ng yakap at halik sa noo,

"Naliligo ka pa kanina kaya dito na ako nag hintay" Sabi niya at nag baba siya ng tingin sa bitbit kong lab gown, 

"May duty ka?" Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa naging tanong niya

"Oo naman, hindi katulad mo na haharap lang sa mesa at mag pipirma ng papelis" Ngumiti lang siya sa akin at siya na mismo ang nag dala ng lab gown ko at hinawakan ang kamay ko kung nasaan nakasuot ang singsing,

"Nice, bagay na bagay sayo mine" Nag angat ako ng tingin sa kanya pero agad niya akong hinalikan kaya napapikit ako ng wala sa oras at tinugunan ang halik niya,

"Come on, baka gutom ka na" Nag lakad na kami palabas ng bahay, pag labas namin ng gate ay nagulat pa ako kasi nandoon si Casil sa labas habang nakahilig sa kotse niya,

"Liezel, you're with him... Again" Nilingon ko si Fiennes na nasa tabi ko lang at masama ang tingin kay Casil,

"Ah, yeah. I'm sorry Casil" Hinila ako ni Fiennes at pinasakay sa kotse niya bago umikot at sumakay na din siya sa driver's seat. Sa sobrang galit siguro ni Fiennes ay nakalimotan na niyang wala akong seat belt!

Mabilis ang pag mamaneho ni Fiennes kaya kinapa ko ang seat belt sa likod pero hindi ko mahila, parang nag stock siya at hindi na ako mapakali,

"Punyeta Fiennes! wala akong seat belt!" Biglang huminto ang kotse, akala ko tatama na sa dashboard ng kotse ang mukha ko pero hindi, dahil hinarang agad ni Fiennes sa harapan ko.

Nanghihina ako habang nanginginig na tumingin kay Fiennes, hinampas ko siya sa dibdib niya at hindi ko na mapigilan ang luha at pag kainis ko,

"Punyeta ka talaga! paano kung nasubsub ako sa dashboard ah?! Paano kung may nangyaring masama sa atin kanina habang mabilis ang pag mamaneho mo?! Kung gusto mo mamatay, huwag mo akong idamay!" Niyakap niya ako ng mahigpit at hinagod ang likod ko kaya medyo kumalma naman ako,

"Sorry nagalit lang ako kasi ginugulo ka pa rin ng lalaking 'yun" Suminghot ako bago umalis sa yakap niya at mahina siyang hinampas sa balikat,

"Huwag ka na ulit magagalit pag kasama mo ako, punyeta sinasabi ko sayo- papatayin kita" Hinalikan niya ako sa noo at pisnge bago hinatak ang seat belt sa likod ko at inayos iyon sa akin

"Hindi na, sorry ulit mine" Hinalikan niya ako sa labi bago umayos sa upoan niya at nag simula ulit mag maneho.

Ngayon ay medyo mabagal na iyon hanggang sa makarating kami sa Menoitios Restaurant,

Pinag-buksan niya ako ng pinto sa Restaurant at siya rin ang nag hatak ng upoan ko, sobrang gentleman yata siya ngayon. Anong nakain nito?

May nag bihay sa amin ng menu for breakfast at nag order namab kami, ngumingiti lang si Fiennes sa akin habang kumakain kaming dalawa kaya ngumitin rin ako. Ang gwapo ng punyeta, 

Tiger 9: Fiennes WykehamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon