CHAPTER 11

24.7K 668 13
                                    

Liezel



Pagod na pagod akong nag lakad papunta sa gate ko, grabe. Sa umaga ako ang mag aalaga kay Finel, kasi nasa office si Fiennes tapos maraming ginagawa.

Buti nalang at wala ng trabaho si Fiennes ngayon para mabantayan niya si Finel. Nitong mga nakaraang araw lagi na akong napapagod ng maaga tapos minsan nahihilo ako.

Binabaliwala ko nalang kasi busy na ako masyado.

Pag bukas ko ng gate ay bigla nalang may tumigil na sasakyan sa gilid ng kalsada kaya lumingon ako. Nakita ko si Casil doon na kakalabas lang ng kotse niya at agad akong nilapitan.

"Liezel, isang buwan na kitang hindi nakikita ah" Naamoy ko agad ang alak sa hininga niya kaya medyo lumayo ako dahil kinakabahan ako sa ganitong akto ni Casil,

"Uh yeah. May inasikaso lang ako. Bakit?" Unti unti siyang lumapit sa akin kaya umatras din ako, hanggang sa bigla nalang niyang kinabig ang ulo ko at nanlaki ang mata ko dahil hinalikan niya ako sa labi! Hindi agad ako nakapagreak pero nagulat nalang ako ng may sumuntok kay Casil.

"Tarantado ka! matagal na akong nag titimpi sa yo! Tarantado!" Napasinghap ako ng malamang si Fiennes pala ang sumuntok kay Casil kaya agad ko siyang hinila para mag tigil na

"Casil umalis ka na!" Pinunasan ni Casil ang gilid ng labi niya bago sumakay sa kotse at umalis na,

"Ano nasarapan ka ba?" Kumunot bigla ang noo ko dahil sa tanong ni Fiennes,

"Anong pinagsasabi mo?" Natawa siya pero iyong tawa niya sarcastic. Bigla niya akong hinawakan ng mahigpit sa mag kabilang balikat ko kaya natakot ako baka kung anong gawin niya,

"Hinalikan ka, hindi mo man lang tinulak! Ano? nagustohan mo rin? " Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ni Fiennes, ganoon na ba ang tingin niya sa akin?

"Nagulat ako k–" Hindi pa ako nakakatapos sa pag sasalita ay napapikit nalang ako dahil sinuntok ni Fiennes ang gate sa gilid ko,

"Nagulat ka? kung nagulat ka dapat naitulak mo siya Liezel!" Nasasaktan ako, nasasaktan ako sa tingin niya sa akin. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Fien, ano ba–" Humarap siya sa akin kaya natigil ako dahil sa klase ng tingin niya,

"You know what, makipag balikan ka na sa kanya. Iyan ang gusto mo diba? Go on! potang ina!" Napapikit ulit ako dahil sinuntok na naman niya ang gate ko at nag madaling umalis kaya sinundan ko agad siya,

"Fiennes! let me explain!" Hindi siya nakinig, pumasok siya sa kotse niya at umalis na kaya naiwan ako sa kalsada, hindi ko namalayan na tumulo na pala luha ko at sumabay pa bigla ang punyetang ulan!

"Punyeta ka! bakit ba umulan?! bumalik ka dito Fiennes Wykeham! Punyeta ka!"







Fiennes

Tinungga ko ang bote ng beer at sumandal ako sofa,

"Ano bang kulang sa akin?" Natanong ko nalang at tumungga na naman,

"Common sense" Sinamaan ko agad ng tingin si Lelantos dahil sa sinabi niya,

"What? sinagot ko lang naman ang tanong mo" Dagdag pa niya ng nakita niya akong sinamaan siya ng tingin.

"Alam mo weirdo, hindi ko alam kung weirdo ka ba talaga o tanga?" hindi ko na pinansin pa ang sinabi ni Joseph at tumungga na ulit ng beer

"Dapat kasi pinag explain mo muna. Hindi iyong ngangawa ka agad sa kanya" Nilapag ko sa coffee table ang bote ng beer na wala ng laman tsaka ako kumuha ng bago.

"Oo nga naman, balikan mo doon. Nandito naman si Donna para alagaan muna si Finel" Huminga ako ng malalim at tumungga muna ng beer bago tumayo,

"Aalis muna ako" Sabi ko nalang at lumabas na ng bahay. Nandoon naman si Donna para bantayan muna si Finel. Kailangan kong ayosin to, ang tanga ko nga. 









Liezel



Nag pupunas ako ng tuwalya sa katawan ko dahil sobrang basa ko, punyeta ka talaga Fiennes. Naiiyak tuloy ako.

"Punyeta naman tong luha na 'to oh! Tumigil ka kakapatak!" Inis na inis na talaga ako at kahit anong pigil ko sa pag iyak ay wala pa rin, tumutulo pa rin talaga.

Natigil ako sa pag pupunas dahil sa door bell. Nilapag ko ang tuwalya sa sofa at nag lakad na palabas para buksan ang gate.

Pag bukas ko ay si Fiennes ang inabotan ko na nakaluhod habang nakayuko at basang basa na siya sa ulan, pero wala akong pakialam. Iniwan niya ako kaninag basa kaya dapat lang mabasa din siya, aba punyeta.

"Mine, I'm sorry" Nakatingin lang ako lang ako sa kanya pero hindi ako sumasagot hanggang sa umangat na ang tingin niya sa akin at hinawakan ako sa kamay ko,

"Please I'm sorry. Mag sama na tayo" Halos malaglag ang panga ko sinabi niya, punyeta seryoso ba siya?

"Anong sabi mo?" Paninigurado ko dahil baka nag kamali lang ako ng rinig,

"Mag sama na tayo" Tinagilid ko ang ulo ko at naningkit ang mga mata ko, isa na lang talaga.

"Ano?" Huminga siya ng nalalim at bigla nalang-

"Mag sama na tayong dalawa!" Napaatras ako dahil sa biglaang pag sigaw niya. Nainis ako bigla kaya hinampas ko siya sa balikat niya at umiwas naman agad siya

"Bakit ka ba sumisigaw?!" Mukhang nataohan naman agad siya at tumayo na

"Sorry, pinaulit ulit mo kasi" Tinaasan ko siya ng kilay at nilahad ang kamay ko sa kanya na kinataka niya

"Ang singsing? engagement ring" Bigla niyang binaliktad ang palad ko at tinuro doon ang singsing na pinasuot niya sa akin dati,

"Iyan. Iyan ang engagement ring ko para sayo. Papasokin mo na rin ako kasi ang lamig na" Sumimangot ako at hinampas muna siya sa dibdib bago pumasok sa bahay at sumunod naman agad siya sa akin

"Wala kang damit dito Fiennes" Sabi ko sa kanya at binigay ang tuwalya para mapatuyo siya,

"Meron, iyong T-shirt ko at shorts na ninakaw mo kahapon" Natawa naman ako bigla, ang punyeta ko kasi bigla ko nalang naisipan na nakawin ang damit ni Fiennes.

Baliw na ba ako?

"Dito ka lang. Kukunin ko" Tatalikod na sana ako para kumuha ng damit niya pero hinawakan niya ako sa kamay ko kaya napatingin ako sa kanya

"Mahal mo ba ako?" Natawa ako mahina dahil sa tanong niya, punyeta hindi ba obvious? kahit kanina lang galit ako sa kanya pero pinatawad ko agad siya

"Oo naman. Bakit?" Ngumiti lang siya tapos hinalikan ako sa noo bago binitawan ang kamay ko kaya tumango tango ako at umalis na,

Sobrang lakas ng tibok nang puso ko! Para naman akong dalaga nito punyeta! 

Tiger 9: Fiennes WykehamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon