Isang mapagpalang buhay sa ating lahat. Ang susunod na kuwento ay galing pa rin siyempe kay Clara. Sa totoo lang sa dami ng karanasan niya ay masasabi kong maaari na siyang makagawa ng sarili niyang paranormal true stories pero mas pinili niyang dito na lamang ibahagi sa akin kaya sobrang nagpapasalamat ako sa patuloy na pagbabahagi niya ng kanyang karanasan.
At ngayon tayo ng magpatuloy sa kanyang kuwento.
Namention ko na sa mga nauna kong confessions ang about sa KADUNGAN ko. Ito ay kasabayan kong ipinanganak. Ang mga Kadungan daw ay BANTAY ng isang tao.
In my case, ang bantay ko ay kasa-kasama ko na since birth. May iba raw kasi na sa paglaki na ng piniling tao sila nagsisimulang magbantay.
Sabi pa nga nila mama noon nang buntis siya sa akin may isang malaking ibon na hindi nila matukoy kung ano ang uri, basta malaki at maganda ang palagi nilang nakikitang umaaligid sa bahay namin. Nawala lang iyon nang ipinanganak na ako.
Si papa ko ay may kakayahan din, sabi ni mama sa kaniya raw ipinasa ng lolo kong albularyo ang hiyas nito, pero ayaw aminin ni papa at hindi niya rin ito pinag-aralan, mukhang walang planong gamitin.
Pero sabi rin ni mama noong buntis siya kay Kuya Carly ay tuwang-tuwa raw si lolo sa kaniya. Nakaratay na noon si lolo at araw na lang ang ibinibilang sa buhay nito. Palagi raw hinihimas ni lolo ang baby bump ni mama. Kaya sabi rin nila maaaring kay kuya ipinasa at hindi ko alam kung kanino ibinigay ni kuya. Baka sa akin? Hindi ako sigurado.
Back to the story, takot si Mama sa ibon dahil baka aswang daw ito pero sabi ni papa hayaan lang daw dahil nagbabantay raw iyon sa amin. Walang naging problema sa pagbubuntis ni mama.
Ngunit noong nanganak siya, muntik na silang namatay ni papa. Nag-bleeding kasi si mama at muntik nang maubusan ng dugo. Naghanap sila nang blood donor dahil naubusan ng type ni mama sa bloodbank ng hospital tapos kung maghahanap ay wala nang oras.
Si papa, galing pa sa trabaho at stressed ay siyang kinuhanan ng dugo. Naging okay si mama pero days after, nagka- MENINGITIS si papa, nagbalik daw sa pagkabata si papa nang ilang buwan.
I think and tried to analyze about that incident, bakit ganoon? Sabi kasi nila nag-iisang babae raw ako, hiningi at inasam-asam kaya ganoon ang nangyari.
Habang lumalaki ako, healthy naman ako hanggang ngayon. Hindi pa ako nagkakasakit as in iyong major-major. But this one time, I was in college pa, nagka-UTI at hyperacidity ako. Sobrang taas ng lagnat ko noon. Wala na si Kuya Carly nito.
Suka lang nang suka, tumutulo ang laway, hindi na kumakain ng ilang araw, umiiyak na ako dahil gutom na gutom na ako. Dadalhin na sana ako sa hospital pero nagkaroon nang maraming aberya.
Malakas ang ulan, ayaw umandar ng sasakyan ni papa, nasira ang ambulance na papunta sa amin. Kaya sabi ko kinabukasan na lang.
Nag-usap kami ng kuya ko sa cellphone, iyong eldest namin na malakas din ang sixth sense pero hindi bukas ang third eye. Tinanong niya ako kung may na-encounter daw ba ako, magsabi raw ako nang totoo.
Kaya ayon umamin ako, na noong nagbakasyon kami sa cebu. Naligo ako sa dagat nang mag-isa. Sa gilid lang ako ng pangpang. May Talisay na puno roon, sabi nila may Agta na nakatira. Nakita ko rin iyon pero hindi ko pinansin.
Sumisid ako at noong magresurface na sana ako, nakaramdam ako nang malaking kamay na humawak sa ulo ko at pinigilan akong makaangat pero agad ding nawala dahil naramdaman kong parang may umawat doon sa kamay.
Si Agta ang may balak lunurin ako. Napagtripan ako dahil hindi ako takot tumambay sa puno niya.
Pagkatapos 'nun sumakit ang tiyan ko hanggang sa makauwi kami sa amin hanggang sa nagtuloy-tuloy na.

BINABASA MO ANG
Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyon
Paranormal=Ang ilan dito ay mapapakinggan sa youtube under Hilakbot TV= Masyadong malikot ang aking isipan.. At mahilig tuklasin ang mga kakaibang bagay. Sino ba ang ayaw malaman ang katotohanan? Pero minsan nakakaduwag din itong malaman... at nakakabaliw is...