Illuminati

541 35 2
                                    

*Bago ko simulan ang kuwentong ito ay nais ko lamang balaan ang mga mambabasa na huwag gayahin ang anumang maaring mabasa ninyo sa story.

*Maraming salamat kay Jay-ar sa pagbabahagi ng kanyang kuwento.

************************************

Noong nasa kolehiyo ako may nakapagsabi sa akin kung paano ko mabubuksan ang aking ikatlong mata. Ngunit kapag binuksan ko ito ay makikita ko kung paano ako mamamatay.

Gaya na lamang ng susunod nating kuwento.

Ako si Jay-ar hindi tunay na pangalan, nakatira ako sa probinsya ng Quezon.

Nineteen years old pa lamang ako noong mga panahong iyon. Mahilig kami sa adventure ng mga kaibigan ko.

"Alam niyo may gusto akong subukan." Sabi ni Bok hindi niya tunay na pangalan.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa bahay ni Bok ng mga oras na iyon.

"Ano?" Tanong ni Larry.

"Gusto niyo ba makakita ng multo?"

"Pano?" Akala ko joke lang iyon ni Bok kaya nakisakay na rin ako.

"Punta kayo rito sa bahay bukas ng hating gabi."

Kinabukasan bumalik nga kami ng hating gabi sa bahay ni Bok.

May nilabas si Bok na isang papel, abo at tatlong kandila. Nasa may bakuran kami noon ng bahay nila.

"Ano yan?"

"Abo ng buto ng tao." Si Larry ang sumagot sa tanong ko. "Nakuha namin sa simenteryo kanina at sinunog. Nagpasama kasi 'tong si Bok kanina."

"Lakas talaga ng loob niyo eh, pati mga nananahimik na patay hindi niyo pinatawad." Sabi ni Roman.

"Kailangan kasi sa ritwal..." Sabi ni Bok. "Huwag na kayong magulo mag-uumpisa na ako."

Sa pamamagitan ng abo ay nagform ng patriangle sa sahig si Bok at sinindihan naman ang kandila ni Larry. Sinugatan ni Bok ang kamay at pinatulo sa gitna ng magkapatong at magkabaliktarang triangle.

Ayon sa mga nabasa ko ang simbulong iyon ay tinatawag nilang illuminati.

Binuklat niya ang papel na may nakasulat na latin at nagsimulang magdasal.

Aaminin ko, kinabahan ako kaya nagpaalam na lang ako kay Roman na uuwi na lang, hindi ko na inistorbo si Bok at Larry sa ginagawa nila.

Kinabukasan maaga akong nagising at nagtungo sa bahay ni Bok. Nasa gate palang ako ramdam ko na ang bigat ng pakiramdam. Binuksan ko ang gate ng bahay at nakita ko ang tatlo sa labas na nakatambay.

"Anong ginawa niyo? Bakit parang ang bigat ng paligid at parang ang sikip-sikip?"

Nagtatrabaho ang magulang ni Bok sa Maynila at nag-iisa lamang siyang anak kaya siya lang mag-isa bahay.

"Nakikita na namin sila." Si Larry. Halos wala sa sarili at nakatingin sa kung saan-saan.

"Sa likod ko Jay-ar m-may nakapasan sa balikat ko." Takot na takot si Bok habang itinuturo nito ang kanyang likuran.

"Wala akong nakikita Bok."

Pero makulit si Bok, mabigat daw ang pakiramdam niya kaya alam niyang may nakapasan sa kanyang balikat, para makasiguro ay tiningnan ko ang kanyang likuran.

Nakaitim na tshirt si Bok kaya nakita ko ang abo na ginamit nila sa likuran nito na hugis kamay ng bata.

"Pre, anong ginawa niyo? Bakit may abo sa likod mo at parang kamay ng bata?"

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon