Reincarnation 2

633 39 6
                                    

Ako si Elyon Dela Cruz, isang simpleng mamamayan na may normal na buhay. Gigising sa umaga, papasok sa trabaho at haharapin ang sandamakmak na paper works sa office o kaya mag-store visit at pagsabihan ang mga pasaway na mga tauhan ng kumpanya at kung mamalasin ka pa kada report mo sa guwapo pero masungit mong boss ay pagagalitan ka dahil sa mga kapalpakan na hindi mo naman ginawa. Pero ang sahod? Hindi makatao. Pagdating ng sahuran kelangan mong hati-hatiin ang kakarampot na natanggap mo. Hulog sa sss, pag ibig at philhealth, bayad sa apartment, bigay sa magulang, bayad ng kuryente at tubig, budget hanggang sa susunod na cut off, At kung ano-ano pa.

Para sa isang young adult normal ang ganitong sinaryo ng buhay.
"Elyon." tawag ng ka officemate ko na nasa harapan ko lang.

"Yeah?" Nakapangalumbaba ako sa mga oras na ito at nakatulala sa harapan ng monitor ng computer ko.

"Problema mo?" Tanong niya sa akin. Hindi ko siya sinagot at bumuntong hininga lang ako.

Problema? Malaki. Napapa-isip ako kung bakit napadpad ako sa office. Sa pagkakatanda ko ang nilagay ko sa Year Book ay "I want to be a singer", Seryoso ako n'un kahit ang iba sa amin ay nakikigaya na lang.

"Ay ang lalim ah." Umalis siya sa harapan ko at bumalik sa table niya.

Sa mga oras na ito, wala kaming bantay. Walang boss na mag-uutos sa amin na gawin mo ito at gawin mo iyan kahit pa halatang marami kang ginagawa. Ni-ready ko ang sarili ko para umpisahan na ang pagtatrabaho.

Lumipas ang oras pero hindi ko pa nakakalahati ang ginagawa ko ng biglang natuon ang atensyon ko sa isa kong katrabaho. Si Joy, panaka-naka niyang hinihimas ang kanyang tiyan. Ang alam ko apat na buwan na siyang buntis.

"Hindi na naman ako masyadong nakatulog kagabi." Bumalik ako sa pagtipa ng keyboard.

"Bakit?" Tanong ni Joms na katapat lang ng table ni Joy.

"Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako, pero kasi ilang araw na eh." Nagpasulyal-sulyap ako sa kanya habang walang hinto ang kamay ko sa pagtatrabaho.

"Anyare?" Tanong ko kay Joy.

"May nakita na naman akong babaeng nakaputi sa katapat na bintana ng dorm ko." Tumayo si Golin sa puwesto niya at biglang tumakbo at sumiksik sa puwesto ko. Masyado kasing matatakutin si Golin. Ayaw niyang nakakarinig ng mga nakakatakot na kuwento. 


"Ano ba? Bumalik ka nga sa puwesto mo!" Pinipigilan ko ang matawa dahil sa itsura ng muka niya.

"Baka kapitbahay niyo lang 'yun na nakapantulog." Si Vina ang nagkomento.

"Imposible, walang umuupa sa bahay na iyon hanggang ngayon. Ang pinagtataka ko pa kung bakit paminsan-minsan nakabukas 'yung bintana." Paliwanag ni Joy.

"Surenes ka bang walang umuupa dun?" Tanong ni Golin na ngayon ay nakasiksik pa din sa upuan ko.

"Oo, nagtanong ako sa landlady namin eh. Pero baka namamalikmata lang ako." Pagkumpirma ni Joy.

"Hindi ka namamalikmata." Nakuha ko ang atensyon nila. "Buntis ka diba!" Alam kong hindi sila maniniwala sa sasabihin ko pero ayos lang sa akin. "Pamilyar ba kayo sa reincarnation?"

"Oh, anong konek?" Tanong ni Vina na nasa bandang dulo malapit sa comfort room ng bagong unit na inuupahan ng office namin.

"Kapag may buntis ibigsabihin may bagong buhay, may panibagong kaluluwang ipapanganak." Tiningnan ko muna silang lahat bago ako nagpatuloy. Lahat sila nakatingin sa akin. "Natatandaan niyo ba noong buntis si Lorraine? Kung natatandaan niyo ang kuwento niya. May hinala na siya noon na buntis siya pero hindi niya pa sigurado. Isang linggo bago siya magpa-check up may nakikita siya sa bahay nilang babae na mahaba ang buhok na nakaputi. At minsan naalimpungatan siya ng alanganing oras dahil pakiramdam niya may nakatingin sa kanya." Huminto muna ako saglit at nilipat ang mga files na tiningnan ko kani-kanina lang. "Nakumpirma na dalawang linggo na pala siyang buntis at matapos ang anim na buwan nagpa-ultra sound si Lorraine kaya nalaman nating lahat na babae ang pinagbubuntis niya." tumingin ako ng bahagya kay Joy. "Kailan ka magpapa-ultra sound?"

"Siguro kapag naglima o anim na buwan" Sagot niya sa akin.

"Pustahan babae magiging anak mo." Sinimulan ko na ulit ang pagtitipa habang nagsasalita sa kanila. "Dahil kung tama ang hinala ko ang babaeng nakikita mo ay ang babaeng isisilang mo sa hinaharap."

Kinatok ni Joy ang table niya "Huwag naman sana."

"Sa ayaw at sa gusto mo 'yun ang mangyayari." Kitang kita ko ang mukha nilang lahat. Kinikilabutan sila sa mga sinasabi ko. "Panoorin niyo yung THE EYE 2. Hindi lang iyon basta isang movie. Sa Buddhism naniniwala sila sa bad and good karma at konektado iyon sa reincarnation. Lahat ng nangyayari sa atin ay konektado sa past life natin kahit pa ang birthmark na mayroon tayo."

"Ayan na naman siya. Umandar na naman ang pagiging Ate Kim niya. At kailangan mo pa talagang manakot ah." Pagbibiro ni Golin. Marahil ay kinukubli ang takot na nararamdaman.

Nagtawanan kaming lahat pero nagseryoso ulit ako. "Wala namang dapat ikatakot. Dahil lahat nang nilalang ay may past life. Maliban sa mga new soul."

"Talaga Ate kim?" May pang-aasar na banat sa akin ni Golin. Ate kim ang tawag nila sa akin kapag nagpapaliwanag ako ng mga walang katuturang bagay tulad ng reincarnation. Siguro nawiwirduhan sila sa akin kaya hininto ko na ang pagpapaliwanag.

Sumapit ang araw ng ultrasound ni Joy. At babae nga ang gender ng magiging anak niya.

Break time

"Tama ako, dapat pala pinush ko 'yung pustahan naten eh." Pagmamayabang ko sa kanila.

"Oo na, ikaw si Ate kim eh!" Pang aalaska ni Vina.

Hindi ko pinansin si Vina sa halip ay tinuon ko ang atensyon ko kay Joy. Na nakapasok na ngayon. "Kausapin mo ang baby mo na huwag kang takutin. Sinasabi nila na nakakaintindi na ang mga baby sa sinapupunan ng nanay nila. Sapalagay ko dahil sa soul na palaging nakasunod sa'yo kaya maiintindihan ka na niya." Tumango lang si Joy at nagpatuloy na lang kami sa pagkain ng mga baon namin.

Nag-resign na si Joy tatlong buwan bago siya manganak. Nang umpisahan niyang kausapin ang baby sa sinapupunan niya wala nang nagpapakita pa kay Joy.

Hanggang ngayon ay nangangalap pa din Ako ng impormasyon tungkol sa reincarnation. Hindi lang sa internet pati sa mga taong nakakasalamuha ko at sa akin mismo. Nalaman ko na konektado ang good and bad karma sa reincarnation. Gayundin ang twin flame or twin soul, at kung anu ano pa.

Alam ko sa oras na mabasa niyo ito walang maniniwala sa akin. Ayos lang. Sinulat ko ito dahil sa ilang bagay na konektado sa aking buhay.



Wakas

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon