Ang Recollection sa Retreat House

2.3K 72 11
                                    

Nangyari ito taong 2010 sa isang malaking retreat house sa Quezon City.

Sobrang namangha ako sa kagandahang tinataglay ng lugar dahil katulad ito sa korean telenovela na Endless Love.

Isa itong mahabang kalsada na parang nagsisilbing bubong ay ang mga puno. Kapag tumingala ka sa itaas makikita mo na sumusilip ang liwanag sa pagitan ng dahon at sanga. May mga nalalaglag din na tuyong dahon na parang taglagas sa Pilipinas. Kapag humahangin parang sumasayaw ang mga dahon at nagkakantahan ang mga ibon.

Sa gitna nito ang isang malaki at lumang church habang nasa tabi ang canteen ng retreat house. Sa gilid naman ang isang mahaba at lumang building o mas tamang sabihing isa itong dorm na kada kuwarto ay isa lamang ang maaring umukupa.

Meron ding kulungan ng mga payat na tupa at tila naglalagas na ang kanilang balahibo.

Ang karamihan na makikita mo sa lugar na iyon ay mga pari, madre at mga seminarista.

Puwede ring mag-recollection ang mga grupo subalit kailangan panatilihing hindi ganoon kaingay para sa mga taong nais ng katahimikan.

Kung hindi ka sanay aakalain mong weird ang mga nagri-retreat doon dahil hindi ka nila titingnan sa mata o kaya hindi ka nila basta-basta babatiin. Madalas kasi silang naka yuko o kaya nakatingin sa malayo, marahil parte ito nang tinatawag na silent retreat.

Dahil grupo kami ng mga kabataang magri-retreat nang tatlong araw kaya umukupa kami sa ibaba ng dorm. Ito kasi ang mainam na lugar para sa grupong kagaya namin.

Hindi kagaya sa itaas may tatlo itong kwarto, isang malaking sala na puwedeng maging function room, dalawang banyo, at kusina.

Pagpasok namin sa loob nakaramdam agad ako na parang ang bigat sa pakiramdam.

Gumamit kami ng ilaw dahil medyo may kadiliman ng kaunti  ang paligid kahit maliwanag pa sa labas.

"Okay, lahat ng babae sa may kuwarto at lahat ng lalaki rito sa malaking activity area." Sabi ng aming facilitator.

"Ang unfair naman!" Reklamo ng mga lalaki.

"Wala nang aangal, nandito kayo para mag-recollection. Para sa mga babae ang tatlong kuwarto ay may tig-apat na double deck. Bahala na kayong pumili kung saang kuwarto gusto niyong matulog."

Mas marami kaming mga babae kaya agad na rin kaming nagpaunahan makapasok sa kwartong nais namin. Napili ko at nang iba ko pang-close na choirmates sa gitnang kuwarto. Wala itong bintana pero hindi naman mainit sa loob.

Pagbukas pa lang namin ng ilaw at pagpasok sa kuwarto para bang may nabulabog kaming ibang tao. Ang ingay kasi namin dahil nga nag-aagawan kami ng puwesto sa kama.

"Dito ako. Ay hindi dito na lang tayo sa taas Nek." Pagyaya ni Jesa sa isa naming kasamahan.

"Mahirap naman umakyat diyan."

Umakyat si Jesa para I-check ang higaan. "Okay naman dito eh. Muka namang masarap matulog sa puwestong 'to."

"Sige na nga basta katabi ko pader ah! mamaya mahulog pa ako riyan eh."

"Oh, sige. Payag ako."

Inihagis ni Nek ang gamit sa itaas saka ito umakyat.

"Oh, may hindi pala double deck dito eh. Ang lambot pa. Ako na lang dito ah." Pagpapa-alam ni Ate Ninia sa amin.

"Sige lang."

Habang nag-aagawan sa mga puwesto nagsisigawan at nagtatawanan din kami sa kuwarto. Naisipan kuhanan ng camera ni Ate Ninia ang loob ng kuwarto kasama na kaming lahat para makita kung gaano kami kagulo. "Nek at Jesa tingin dito." tumunog ang camera, patunay na nakuhanan nito ang dalawa.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon