Astral Projection

541 33 9
                                    


May iba't-ibang klase ng panaginip pero bibigyan ko lamang kayo ng tatlong halimbawa.

Una, ang normal na panaginip na kung saan paiba-iba ang lugar, mga tao, bagay at pangyayari. Madalas hindi tayo aware na panaginip lang pala iyon, na akala natin ay totoong nangyayari kaya paggising mo madidismaya ka kasi panaginip lang.

Pagkatapos ng ilang oras o araw wala ka nang maalala.

Ikalawa, Lucid dream na kung saan kontrolado at alam mong nananaginip ka. Lahat ng imposible nagiging posible. Paminsan-minsan napagkakamalan ng iba na astral projection ang lucid dream dahil nga kontrolado mo ang lahat ng bagay maging kung kailan mo gustong gumising.

Ikatlo, Astral projection na kung saan lumalabas ang ating soul sa pisikal na katawan at pumapasok sa astral body para makapagtravel sa astral plane.

May paniniwala ang ilan na delikado ang ganitong katangian dahil baka maligaw sa astral plane ang iyong kaluluwa at hindi na makabalik sa iyong katawan. O kaya dahil walang laman ang iyong katawan maaring angkinin ito ng ibang entities.

Madalas din gamitin sa meditation ang astral projection.

Pero may mga nagsasabi rin na may silver cord na nakakunekta sa ating katawan at kaluluwa na maaring humatak sa kaluluwang naglalakbay sa astral plane, sakaling kailanganin na niyang bumalik sa katawan, kaya hindi ito maaring pasukan ng ibang entities at maligaw sa astral plane.

Ganoon pa man mayroon akong ibabahagi sa inyong dalawang kwento tungkol sa astral projection.

Ang unang kuwento ay kay Khorie na nagbahagi na noon ng kuwento sa atin tungkol sa incubus.

Narito ang kanyang kuwento.

Noong natutulog ako ang posisyon nang paa ko ay nasa harap ng pinto.

Nakabukas ang telebisyon dahil mag-isa lang ako sa bahay kaya madalas ko nang ginagawa kapag wala ang aking asawa. Nakatutok ang electric fan sa akin.

Ayoko sana matulog kasi naiisip ko na naman ang nangyari noong nakaraan pero hindi ko rin napigilan dahil napagod ako matapos makapaglaba. Nang makaidlip naramdaman kong gising ang diwa ko. Nararamdaman ko na parang nahihiwalay ako sa aking katawan, parang gumagaan ang aking pakiramdam na animo'y lulutang ako sa hangin. Mas lalo kong nakumpirma ng makita ko ang aking kanang kamay na humihiwalay sa katawan ko kaya't pilit ko siyang ibinababa pabalik sa aking katawan pero hindi ko magawa.

Natataranta ako at natatakot dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.

Nakarinig ako ng pagkatok kaya pabalikwas ako nang bangon. Napatingin ako sa pintuan dahil kumakatok ang aking asawa.

"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin ng buksan ko ang pintuan.

"Bakit?"

"Ang tagal mong buksan yung pinto eh."

"Nakatulog kasi ako."

Ito ang unang pagkakataong nangyari ito sa akin kaya wala akong ideya kung ano nga bang tawag dito. Nang mailapit ko ito kay Elyon nalaman ko na posible palang astral projection ang nangyari sa akin.

Kaya nagkaroon ako ng ideya na mangalap ng impormasyon tungkol dito sa internet para kung sakaling mangyaring muli sa akin ay alam ko na ang gagawin ko.

Hanggang dito na lamang ang aking kuwento ko.

------------------------------------------------------

Ang susunod na kuwento ay galing kay Lucas.

Ako si Lucas, Nakatira ako sa Quezon City at kasalukuyang nagtatrabaho bilang H.R. sa isang groceries store.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon