Lahi

262 24 5
                                    

*Itong susunod na kwento ni Clara ay matagal bago ko napag-isipan kung ipupublish ko pero dahil mas nangibabaw yung kagustuhan kong maipublish ito inantay ko muna ang ilang linggo.

Hindi ko na patatagalin. Tayo ng magtungo sa kanyang kwento.

--------------------------------------------------------

Hello sa mga mambabasa ni Binibining Elyon,

Sa maniwala man kayo o sa hindi, ako ay may dugong engkanto. Isa sa mga rason kung bakit ayaw kaming patahimikin ng mga nilalang na nasa paligid namin. Nakuha na nila si Kuya Carly at hindi ko hahayaang may makuha pa sila sa amin.

Paano nangyari ito?

Ang Ina ng aking mama ay kalahating tao at kalahating engkanto. Siya ay apo ng isang makapangyarihang engkantada. At sa lahat ng mga anak at apo ng aking Lola ay sa aming magkakapatid napunta ang pagkakaroon ng dugong engkanto dahil na rin sa lahing pinanggalingan ng aking ama. Tungkol sa lahi ng aking ama ay hindi pa ito masasabi sapagkat nanatili pa rin itong sikreto nang pamilya ng aking ama. Ang lola ko pala ay buhay pa at sobrang lakas. 97 years old na siya pero kaya niya pang magbuhat ng mabibigat. Kakaiba.

Masaya ba ako sa katotohanang iyon?

Hindi.

Hindi ako masaya dahil simula nang kinuha namin si lola para maalagaan namin ay sunod-sunod na problema ang dumating sa amin.

Bakit?

Nadamay kami sa parusang binabayaran ng aking lola. Hindi niya nagawa ang mission niya bilang siya, naging iresponsable ito kaya ngayon ay nagbabayad siya.

Kaya pala mahilig akong kumain ng itlog dahil ang mga engkanto ay mahilig sa itlog. Allergic din ako sa maaalat na pagkain. Lalong nanghihina ako sa ilalim ng araw. Maraming nakasunod sa akin na mga nilalang na gustong makipagkaibigan sa akin.

Ito rin ang katotohanan na sinabi ko sa lalaking laman ng confession ko last time. Kaya natatakot ako na baka magdadala siya ng panganib sa pamilya namin.

Pero huwag kayong mag-isip ng kung ano. Hindi ako tulad ni lola na mas malakas ang dugong engkanto niya kaysa sa pagiging tao. Mas malakas ang pagiging tao ko at nagagawa kong ikubli ang dugong engkanto.

Ang kinakatakot ko lang ay dumating ang araw na magigising ang tunay na ako at kung ano magiging kahihinatnan ng lahat.

PS. Hindi ang kalahi ko ang kumuha kay Kuya Carly, ibang lahi sila at itim.

Pahabol: Malaki ang tiwala ko kay Miss Elyon na iingatan niya ang aking pagkakilanlan.

Maraming salaman sa inyo.

Clara.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon