Carly

278 21 2
                                    


May nasalihan akong group discussion about Supernaturals. Marami akong nakilala at mas lalong nabuksan ang aking isipan sa katotohanang nakatago sa likod ng ating mga paningin.

Nito ko lang din nalaman ang katotohanan sa likod ng pagpanaw ng aking kapatid na si Kuya Carly, hindi ko alam ang bawat detalye ng naging buhay ng kuya ko ngunit alam ko, kung nasaan siya ngayon.

Nakumpirma ni maestro na si kuya ay kinuha ng mga engkanto, ang nakakalungkot ay sa isang kaharian ng masasamang engkanto napunta si kuya sa pamumuno ni A*** L****.

Iniyakan ko ang katotohanang iyan. Nag-aalala ako kung ano na ang sitwasyon ng kapatid ko sa lugar na iyon. Gusto man akong tulungan ng mga kasama ko sa grupo ngunit mahirap. Ayaw kong madamay sila baka ikapahamak nila.

May tsansa bang iligtas siya? Oo mayroon pero napakahirap. It's very hard to fathom.

Kaya pala noong inilibing namin siya, kakalabas lang namin sa church, ayon sa mga taong naiwan malapit sa simbahan ay bigla raw humangin ng malakas na mainit na tila ba nagdadabog. Nagsitumbahan ang mga estante sa simbahan at nagsitahulan ang mga aso.

Isa pala iyong senyales ng aking kapatid na ang inilibing namin ay hindi siya, ang iniyakan namin ay isang ilusyon lamang. Kung nalaman lang namin nang mas maaga nalabanan sana ang sumpa ng ilusyon at baka nabawi pa namin si kuya.

Taong 2014 nang nanaginip ang eldest naming kuya. Nagpakita sa kaniya si Kuya Carly, sabi nito sa kaniya ay "Babalik ako, Manong sa katauhan ng iyong magiging baby." Weeks after nalaman naming buntis ang girlfriend ni kuya.

Ang nakakamangha pa ay kakaibang bata ang pamangkin ko. He's like an old soul inside a 3-year-old body. He's mature in his age. He can easily distinguish things and he's actually have a very sensitive senses. My nephew can see unusual things. He would likely tell his parents, "There's a monster, mom. He's following me even in my dreams."

Napakarami ng mga pagkakapareho nila ni Kuya Carly kaya ingat na ingat kami sa bata.

Isang araw nagpa-aura ako sa isa kong kakilala. Nakita niyang may nagbabantay sa akin. Lalaki at sinabi niyang kapatid ko ito. Mind you, hindi ko sinabing may kuya akong namatay.

Binabantayan ako ni Kuya Carly.

Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon