Chapter 5

1.4K 45 6
                                    


Safe

Chriscely's POV:

Bad trip! Bad trip talaga ang unggoy na hambog na yun! Kainis! May pasubo subo pa silang nalalaman! Maka PDA ah! Arg! Ang Impakta naman, nag-eenjoy!

Subuan ko sila ng bomba sa bunganga eh! Para sumabog kasweetan nila! Bakit ba kasi yun naiisip ko?!

"Kainis naman oh!" itinapon ko ang walis sa sahig.

Naiinis ako sa sarili ko! Hindi ako makapagconcentrate sa paglilinis. Ako lang mag-isa ngayon. Siyempre, ang Baklang Pepay may panibagong punishment! Ni ayaw sabihin sakin. Kaya eto ako ngayon. Naglilinis ng buong cafeteria.

BUONG ha! BUONG talaga! Jusko! Ang laki pa naman ng cafeteria na to! Bakit pa kasi pinalaki eh pwede namang yung style na sari sari store lang. Akala nila ang daling maglinis?!

Nagflashback nanaman sakin ang unggoy at impakta na nagsusuboan.

"Aaaah! Kainis talaga! Mga bwiset!" inis kong ibinalibag kung saan ang walis na hawak ko.

"Aw!"

"Ay Palaka!" halos mastroke ako nang may biglang sumigaw sa likod ko. Paglingon ko, mukha ng unggoy at pesteng Stanley ang nakita ko.

"Hi Mahal Ko!" ngiti-ngiting bati niya sa akin.

WHAT.THE.HELL?! MAHAL KO?! ANG CORNY!!!

"ANONG GINAGAWA MO DITO?!" itinutok ko sa kanya ang isa pang walis tambo. Napaatras naman siya at napataas ng dalawang kamay.

"Woah! Mahal! Masama yan!" tila natatakot niyang sabi habang patuloy sa pag-atras. Hindi ko naman siya pinakinggan. Pinanlisikan ko siya ng mata.

"Stalker kita no?!" sigaw ko. Napahagalpak naman siya ng tawa.

"Ikaw mahal ah! Nagiging assuming kana!" Hinampas ko nga ng walis. "Aray naman Mahal! Aw! Ang sakit ng puso ko Mahal ko. Wag mo namang saktan ang puso kong nagmamahal sayo."

A-ano daw? Anak ng----!

Napaiwas ako ng tingin. Oh my god. I feel it! Nag-akyatan lahat ng dugo ko sa mukha.

"Alam mo mahal... Sexy ka talaga tignan dyan sa daster mo eh." nahihimigan ko ang mapang-asar niyang tono.

Hindi ko parin siya matignan. Binusy ko ang sarili sa pagpupunas ng mga mesa.

"Lumayo ka sakin!" thank god! Malaki talaga ang pasasalamat ko't hindi ako nautal ngayon.

"Ayoko. Gusto ko laging malapit sayo."

Anak ng daster naman oh! Bakit ganito ang lalaking to?! Hinarap ko siya. Tinitigan ko siya sa mga mata niyang CHINITO! Oh my god!

"Pwede ba? Ayokong malapit ka sakin! Nagcoconcentrate ako!"

Pero ngumisi lang siya sa akin. Humakbang siya papalapit. Humakbang ako paatras.

"T-Tumigil ka!" Oh my god! Mahabaging langit! Please lang! Patigilin niyo ang siraulong unggoy na to!

"So... Hindi ka pala makapagconcentrate pag malapit ako sayo.." binitin niya ang sasabihin. Napatingin ako sa kanya. Sa mga mata niyang magaganda. "...Ganyan naba talaga ako kagwapo Mahal Ko?"

"Ang kapal mo!" tinulak ko siya. Kasu hindi manlang siya napapaatras. "Alis! Maglilinis pa ko!"

"Okay! Tulongan na kita." he smiled at me.

Shet! Wala na siyang mata!

"Bahala ka!" sigaw ko sa kanya at umirap pa.

Kainis kasi! Parang nangingiti ako eh! Kaya ayun. Tinulongan niya nga ako. Siya sa pagwawalis, ako naman ang nagpupunas ng mga mesa.

Nagsink in naman sa utak ko na, natural lang to para kay Stanley ang ginagawa niyang pagtulong sa akin. Stanley Javier. Matulongin sa kapwa pero may pagkahambog. Kaya dapat hindi ko to lalagyan ng meaning.

At bakit ko naman lalagyan ng meaning aber?! Aaahh! Nakakainis!

"Mahal.. Tapos na. Hatid na kita." biglang salita ni Stanley na nasa harap ko ngayon. Actually kakaupo lang namin. At kakatapos lang. Grabe ang pawis ko. Ganun din ang unggoy na kaharap ko ngayong nakaupo din.

"Kaya kong umuwi mag-isa." tumayo ako at kinuha ang panyo ko sa bag. Isinukbit ko na ito sa likuran ko at naglakad na.

"Oy Mahal! Hatid na kita! Sige ka! Marami pa namang rapist dyan sa kanto!"

"Mabuti nang makasalubong ng rapist kesa sumama sayo!" sigaw ko pabalik. At dahil mas matangkad siya at mabilis maglakad, nahabol niya ko't nagkasabay kami.

"Grabe ka naman! Sa gwapo kong to, ipagpapalit mo lang sa rapist?" parang sobrang disappointed ang tono niya. Napairap ako.

"Oo! Dahil mas mukha kapang rapist kesa sa kanila!"

"Ah ganon? Sige bahala ka!"

Napalingon ako sa kanya sa sinabi niyang yun. Bigla nalang siyang nawala. Hindi ko siya pinansin at tinahak ko lang ang kanto kung saan papunta sa medyo malayo layong waiting shed.

Ano ba yan! Ang konti naman ng mga street lights dito. Madilim na ah. 6o'clock na ng gabi.

"Psssst.."

Parang tumambol naman sa sobrang kaba ang puso ko dahil sa narinig.

Oh my gosh! Totoo kaya ang sinabing yun ni Stanley na may mga rapist dito?!

"Pssst.."

Waaaah! Binilisan ko lalo ang paglalakad. Ayoko na! Ang pesteng yun! Iniwan nga ako! Pero hindi pa naman nakadaan kotse niya ah? Kaya lang may iba pang daanan eh. Paano nga kung umalis na siya.

"Psssssssssst!"

"Aaaaaaaahhh!" napatakbo na ako. As in sobrang bilis na talaga. Kainis naman na daster to ang haba! Kaya naman napatid nga ako!

"Aray.." daing ko nang lumagapak ako sa sahig. Naiiyak ako. Matinding kirot ang naramdaman ko sa tuhod at siko.

Ano ba naman yan! Pagkatapos sa ulo, eto nanaman?! Napatayo ako. Pero nagulat ako nang may biglang umalalay sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko. Naiiyak pa ako. Pero napanatag ang loob.

Because of him, I feel safe.

SAFE.

"Sabi nang ihahatid eh. Pakipot pa kasi. Tara na Mahal Ko. iuuwi na kita sa bahay ko--este sa bahay mo."

-----

A/N: Natawa ako kay Stanley! Haha.

-NnahJanexz

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon