Chapter 8

1.2K 31 2
                                    


The Warning

Chriscely's POV:

Nakasimangot ako ngayon habang nakaupo sa hanggan ng gym namin. Dito gaganapin ang practice also the event. Marami na ang nagsasayaw dahil sa tapos na ang instruction na ginawa ni Sir Trin (Mr. Trinidad) sa amim. Yan ang tawag namin sa kanya pag wala na sa classroom.

Napatingin ako ngayon kay Stanley na masinsinang kinakausap ni Steven. Pinagmasdan ko ang dalawa. Steven is so manly nga talagang tignan at matured siyang kumilos kesa kay Stanley.
Well, siya nga naman talaga ang panganay. Pareho lang din naman sila ng tangkad. Pareho lang din ng kulay. Yun nga lang magkaiba sila ng ugali at features ng mukha.

Si Stanley naman, unang pagkakita mo palang sa kanya malalaman mo kaagad na may pagkapilyo siya. Hindi mo talaga maiaalis ang tingin mo sa kanya pag ngumiti siya because of his charm. Idagdag mo pa yung mga sweet gestures niya pag nakasama mo na siya.

"Oy girl! Nakasimangot ka dyan! Bakeyt? Nabiteyn kaba sa halikan niyo sana ni Papa Stanley?!" tapos tumawa siya ng malakas.

"Pepay! Tumigil ka nga!" sinamaan ko siya ng tingin. Tinignan ko ang mga kaklase kong abala parin sa pagsasayaw with their partners.

"Bakit di ba totoo? Eh nung nahuli ko kayong sobrang lapit ng mukha niyo sa isa't isa at kulang nalang yung isang toothpick ang pagitan ng mga labi niyo girl! Kyaaaah! Ohmegesh! I'm so kilig non!" sabi niya pa at nagpapadyak padyak siya sa sementong sahig. Baliw talagang bakla to.

Hindi ko siya pinansin dahil pakiramdam ko namumula ang pisngi ko ngayon dahil sa hiya at dahil narin siyempre don sa halik na di naman natuloy.

"At ngayon tahimik ka pa! Tapos namumula kapa girl! Ang lakas talagey ng tama ni Papa Stanley sayo Chriscely Girl!"

Napailing nalang ako sa kadaldalan ni Pepay. Nakita ko namang papalapit na si Stanley kaya tumayo na ako.

"Ngayon tatayo na siya kasi paparating na ang prinsipe ng buhay niya! Kyaaaaaah! Ay ewan ko sa inyo! Naiihi ako sa kilig!" tapos nagwalk out ang bakla.

Taray talaga!

Napatingin naman ako kay Stanley na nakangiting papalapit sa akin. I awkwardly smiled to him also. Ano ba yan! Parang di ko siya kayang titigan pag ganitong naaalala ko ang ginawa namin kanina sa music hall.

"Let's dance mahal ko?" tanong niya kaagad sa akin ng makalapit siya with matching lahad kamay pa.

Napatingala ako sa kanya dahil ang tangkad niya. Para naman akong matutunaw sa mga tingin niyang talaga namang nakakatunaw. Tinignan ko naman ang kamay niya at inabot ito. I smiled at him genuinely. Then inabot ko ang kamay ko sa kanya. Bumilis nanaman ang tibok ng puso ko. Naglakad kami papuntang gitna. Nakita ko naman sa gilid ng as Aking mata na napahinto ang iba sa pagsasayaw. Alam ko na ang iba dyan ay sobrang sama na ng tingin sa akin.

"Don't mind them mahal. Practice lang tayo." sabi sakin ni Stanley. Siguro napansin niya ring medyo bothered ako sa mga tumitingin samin. Tumango lang ako sa kanya. Ewan ko ba. Tila naumid dila ko sa kanya simula pa kanina. Kasi naman eh! Kapag kasi naaalala ko yung halik na yun, naiilang ako sa kanya.

"Mahal, kanina kapa tahimik dyan." biglang salita ni Stanley. "Dahil ba don sa---"

"Ah! Hindi!" agad kong pigil sa kung ano man ang sasabihin niya.

Kumunot naman ang noo niya sa akin. Tila pinagaaralan niya talaga ang reaksyon at mukha ko. Nakakailang tuloy.

"A-Ano kasi.." aish! Wala na! Hindi nako makapagsalita!

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon