Chapter 23

676 17 2
                                    

Invitation

Chriscely's Pov:

Ilang araw na rin akong walang gana. Pumapasok ako sa school pero wala akong kibo. At pang ilang araw ko na rin itong nasasaktan ako. Dahil palaging nakaaligid si Bianca kay Stanley.

Nasa canteen ako ngayon. Nakikita ko silang dalawa. Si Bianca ay nakangisi sa akin ng nakakaasar habang si Stanley naman ay nakatingin sa akin na puno ng kalungkotan ang mga mata. Umiwas ako ng tingin sa kanilang dalawa at ipinagpatuloy ang pagkain ko.

May bigla namang umakbay sa akin kaya medyo nagulat ako.

"Steven!" mahinang usal ko sa pangalan niya.

"Hi Chris! Mag-isa ka lang ah? Can I join you?" nakangiti siya sa akin at lumalabas ang dimple niya. Shet! Nakikita ako ngayon ni Stanley. At naalala ko ang hinihiling niya sa akin.

"J-Just please... Kung mahulog ka man sa iba. 'Wag lang kay Kuya. Dahil hindi ko makakaya Mahal. Hindi talaga."

"Chris?"

Agad akong natauhan. "Ah oo naman!" pilit akong ngumiti.

"Are you ok?" tanong niya sa akin. Puno ng pag-aalala ang mukha. Parang binabasa niya kung anong iniisip ko.

"Y-Yes." yumuko ako. Sana mag ring na ang bell. Para makaiwas ako sa mga tanong ni Steven sa akin. Kasi kahit papaano, Kuya parin siya ni Stanley. At siyempre, kapatid niya 'yon. Kaya kahit sino pang makapanakit sa kapatid niya ay paniguradong kaiinisan niya.

Katulad ko. Paniguradong kinaiinisan niya ako ngayon. At etong paglapit niya sa akin ngayon ay, siguro isa ito sa mga paraan niya para maipaghiganti ang kapatid niya.

"You can tell me what's going on Chris. You can trust me."

"H-Hindi. Ok lang talaga ako." ngumiti ako.

"Ok. Basta kapag kailangan mo ng kausap, nandito lang ako." ngumiti siya. Sunod naman 'non ay ang pagring ng bell.

Ito ang hiling ko. Na tumunog ang bell. Para makaiwas sa mga katanungan ni Steven. At sa pamatay tingin na ipinupukol ni Stanley sa aming dalawa. Pero leche naman oh! Magkaklase parin pala kaming tatlo!

Sabay kaming pumasok ni Steven sa classroom. At alam kong nakasunod sa amin si Stanley. At ramdam kong pinapatay na niya kami gamit ang mga mata niya. Ang talim pa naman niyang tumingin. Chinito kasi!

Hindi na ako nagtangkang lumingon pa. Kasi baka matawa lang ako. Noon kasi, naiinis ako sa kanya. Lalo na kapag ngumiti siya. Ang pilyo kasi! Pero ngayon, ewan ko, kapag lumiliit lalo mga mata niya kapag nagagalit na nagseselos natatawa ako.

Umupo kaagad ako sa upuan ko. Si Steven naman ay pumunta sa upuan niya. Tapos siya namang pagdating ni Stanley. Hindi ko siya tinignan. Basta ko na lamang siyang nakitang papunta na sa upuan niya habang nakatalikod.

"Hmm.. Miss mo na 'no?" si Pepay na kakaupo lang sa tabi ko.

Wala si Jess ngayon. Kaya malaya kaming makakakapag-usap tungkol sa relasyon namin ni Stanley.

"Sobra." inaamin ko. Wala ng dahilan pa para magsinungaling ako. Tsaka si Pepay 'to. Ang kaibigang karamay ko.

"Ohmegesh!" tumili siya. Dahilan para mapatingin sa amin ang lahat. Maliban sa dalawang magkapatid. Teka? Bakit ang sama ng tinginan nilang dalawa sa isa't-isa? "Yiee! Inamin mo na ah! Ikaw talaga Beshy!" parang bulateng binuburan ng asin si Pepay sa tabi ko.

Natigilan naman ako at natuon ang pansin sa dalawang magkapatid. Parang nag-uusap sila gamit ang mga mata nila. Ang dalawang kamay naman ni Stanley ay nakakuyom. At si Steven naman ay nakaupo lang. Pero masama din ang tingin kay Stanley.

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon