BadtripChriscely's Pov:
Sabado ngayon. Walang pasok. At kagabi. Araw ng biyernes. Ang isang araw na iniyakan ko. Sobrang nasasaktan talaga ako para kay Stanley. Naaawa ako sa kanya. Ano nalang ba ang gagawin ko? Wala akong mapagpilian! I want to be with him pero kapalit naman nito ang buhay niya!
Puno na ako ng warning galing kay Daddy. At kahit papaano ay nagpapasalamat ako kasi 'yan palang ang napagdesisyunan niya.
Napagdesisyunan kong mag jogging. Siguro para malibang ko na rin ang sarili ko. Lumabas ako ng bahay pagkatapos i-lock ang pinto. At sakto naman pagharap ko sa kalsada para makatakbo ay ang pagsulpot ni Jessica sa harap ko. Muntik na akong magulat sa presensya niya. Tinignan ko siya at nakasleveless siya ngayon. At kitang kita ko ang tattoo na dapat ay iniingatan niya.
"Jess!" gulat kong banggit sa pangalan niya. Nanatiling nakatitig parin ako sa tattoo na simbolo naming lahat.
"Huwag kang mag-alala. Ngayon lang 'to. Nilalagay ko tuwalya ko para walang makakita." sabi niya't inilagay ang tuwalya niya sa balikat niya para matabunan ang tattoo na tinutukoy ko.
Napahinga naman ako ng maluwag. Kasi ako, nasa batok ko ang tatoo na meron ako. Kagabi, kinabahan nga ako eh. Hindi lang ako nagpahalata kay Pepay. Kasi iniba niya hairstyle ko kagabi para sa event. Hindi niya inilugay buhok ko. Kaya, pasikreto akong naglagay ng concealer sa batok ko na hindi nalalaman ni Pepay.
I just don't want that someone will notice my tattoo. Kasi sobrang sikreto nito. Sikretong hindi dapat malaman at hindi mo hihilinging malaman.
Nakahinga ako ng maluwag. "Mabuti naman kung ganun."
"Gusto kong sumama sayo sa pagtakbo." malamig na sabi niya.
Nanlaki mga mata ko. "Ha? Bakit naman? Di kapa ba tapos?" mukhang pawis na siya eh.
"Bakit? Di mo ba ako namiss? Kinalimutan mo na ba ako kasi ilang araw na akong nawawala?"
Mapang-asar akong ngumiti sa kanya. "Ikaw ba 'yan Jess? Oh sinapian ka ni Pepay ngayon? Anak ng---! Magtatawag ako ng albularyo ngayon din!" natatawang sabi ko sa kanya. Pero nanatiling tahimik si Jess.
"Hindi ako natawa."
Leche! Walang kwenta jokes ko kapag 'tong babaeng ito ang kasama ko!
Napairap ako. "Sige na! Takbo na tayo!" naiinis na sabi ko't nauna ng tumakbo. Sumunod naman siya.
Inayos ko muna buhok ko papuntang likuran para makasigurado. Kaya sobra akong concious pagdating sa mga pag-aayos na sinasabi ni Pepay eh. Kasi ang hindi niya alam, marami akong dapat itago at protektahan.
"Pero.." napatingin ako kay Jess nang magsalita siya. Sabay na kami ngayong tumatakbo. "Namiss rin kita."
Gusto kong matawa sa sinabi ng kaibigan ko. Kasi 'yung sinabi niyang salita ay hindi umaakto sa ekspresyon ng mukha niya. Sobrang weird talaga nitong kaibigan ko.
"Wow! Magpaparty naba ako dahil dyan sa sinabi mo?" natatawang sambit ko. Seryoso parin ang mukha niya.
"Huwag na. Pangit ng bahay mo." at nauna siya sa aking tumakbo.
Anak ng---! Langya 'to!
Napapailing nalang akong tumakbo para maabutan siya. Atleast namiss niya ako. Ibig sabihin, may halaga parin ako sa kanya bilang kaibigan. Sa kabila ng lahat ng mga problemang, pinagdadaraan namin ngayon.
Isang oras rin kaming nag jogging. Napagdesisyunan naming magpahinga't umupo sa isang park na nadaraan namin. Bumili kami kanina ng tubig para may mainom. Nakakauhaw rin. Tahimik lang kaming nakaupo ni Jess.
BINABASA MO ANG
Intricate
Teen FictionHIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely Dizon. Kilala sa kanilang eskwelahan bilang si Ms. Garbage. Basura sa paningin ng lahat dahil sa taste nito sa pananamit. Pero palaban siya a...