New Face
Steven's Pov:
Ilang araw nalang gagraduate na kaming mga grade 12 students. Magco-college na naman. Panibagong yugto ng buhay. Ang iba ay sobrang saya habang nakikipagkwentuhan sa kani-kanilang mga kaibigan. Maraming nag-uusap patungkol sa graduation. Habang ako, imbes na 'yan ang patuonan ko ng pansin ay iba ang nasa isip ko. Hindi graduation.
Kundi si Chriscley...
Nasaan na kaya siya?
Bigla kong naikuyom ang kamao ko nang makita ko ang tarantado kong kapatid. Walangya!
Magkasama sila ni Bianca. Isang buwan palang ang lumipas nang mawala si Chrisely at pinalitan niya kaagad!
"Steven!" bigla akong lumingon nang may tumawag sa akin. Si Greg. Kaklase ko.
"Oh bakit?" kunot noong tanong ko sa kaniya. Nilingon ko muna saglit sina Stanley at Bianca at ibinalik ulit ang tingin kay Greg na ngayon ay nasa harap ko na.
"Punta na daw tayong room. May announcement si Sir Trinidad."
Kumunot ang noo ko. "Wala ng klase ah? 1 week magpeprepare na tayo para sa graduation."
"Oo nga! Pero sabi niya, importante daw. Tsaka tungkol 'to sa classmate natin."
"Ano?" nakakunot parin ang noo ko.
"Basta! Tara na! Wala din naman akong ideya kung ano." sabi niya't nauna ng maglakad sa akin.
Wala akong nagawa kundi ang umalis na rin. Napatingin ako sa kapatid ko. Tss. Hindi ko ipapaalam sa kaniya.
Pagkarating sa classroom ay nandiyan na ang lahat ng mga kaklase ko. Pero si Sir Trinidad ay wala parin. Hinihintay kong dadating si Stanley at baka may nagsabi din sa kaniya tungkol sa announcement. At hindi nga ako nagkamali. Dumating siya na parang walang pakialam sa paligid niya. Kahit kaming dalawa ay nag-iba na ang relasyon sa isa't-isa dahil sa biglang pagkawala ni Chriscely.
Natigil ako sa pag-iisip nang dumating na si Sir Trinidad at mukhang excited na natatararanta na hindi mo masabi ang mukha.
Ano bang announcement 'to? Sinong kaklase?
"Goodmorning everyone!" bati niya sa amin lahat.
"Goodmorning Sir!" bati ng lahat maliban sa akin at sa kapatid kong wala nanamang pakialam.
Ngumiti si Sir. "I have a good news."
Kumunot ang noo ko. Ano pang good news? Gagraduate na kaming lahat at paniguradong wala ng programs pang magaganap maliban sa graduation.
Huminga ng malalim si Sir. "Huwag kayong mabibigla class. But I promise you na isa itong good news para sa ating lahat."
"Ano ba 'yan sir?"
"May program ba tayo?"
"May artista bang pupunta?"
"Kpop ba 'yan sir? Pupunta dito?"
"Blackpink, bts, exo?"
"Waah! Baka mga bias ko 'yan!"
"Quite!" pinutol ni Sir Trinidad ang lahat ng expectations ng mga kaklase ko. Ngumiti ulit si Sir sa aming lahat.
Bakit ba hindi maalis ang ngiti sa mukha ni Sir Trinidad? Parang may kung anong nalaman siya na nagbigay ng panatag sa loob niya.
"Chriscely Dizon is back!"
BINABASA MO ANG
Intricate
Teen FictionHIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely Dizon. Kilala sa kanilang eskwelahan bilang si Ms. Garbage. Basura sa paningin ng lahat dahil sa taste nito sa pananamit. Pero palaban siya a...