Chapter 32

721 23 1
                                    

Missing

Chriscely's Pov:

Pagkatapos ng nangyaring hiwalayan namin ni Stanley ay umalis kaagad ako sa school. Hindi ko alam kung saan na ako napunta pero ang alam ko lang ay mas mabuti na dito. Sa dagat kung saan tahimik. Walang mga taong maiingay na sisira sa katahimikang gusto mong maghari.

Naalala ko si Stanley. Ang mga mata niyang sobrang nasaktan dahil sa mga binitawan kong salita. Ang pagmakaawa niya huwag ko lang siyang iwan. Ang pagtulo ng mga luha niya na ako ang dahilan.

Ang sakit!

Ang kuwintas.

Kinuha ko ang kuwintas sa leeg ko. Tumama ang pendant nito sa sinag ng buwan. Muntik pa akong masilaw. Napakaganda. Sobrang ganda. Pero delikado. Katulad ng binitawang salita ni Stanley kanina.

"You look so dangerously beautiful tonight."

Tama ka Stanley. Delikado akong tao. Hindi mo pa ako kilala. Isa akong basura na may hatid na lason.

Twenty days nalang ang natitira sa mission na ibinigay ni Daddy sa akin. At isa lang ang solusyon ko para matigil siya. Pupuntahan ko siya.

Bumaba ako ng taxi. Pinagmasdan ko ang gate at ang mansyon. Umihip ang malakas na hangin na dumampi sa balat ko. Mas lalo akong nilamig dahil sa suot kong gown ngayon.

"Anong ginagawa mo dito?" bigla akong napatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Manang Claudia sa unahan ko.

Leche! Palagi nalang ako ginugulat ng matandang ito!

"Bibisita." malamig kong sagot. Wala ako sa mood ngayon. Hindi ko alam pero gusto kong maging bastos sa lahat ng taong nakatira sa puder ng Daddy ko.

"Maghanda ka." napawow ako sa sagot niya. As if naman hindi ako laging handa kapag pumupunta ako dito. "Pasok." binuksan niya ang gate at sumunod ako sa kanya.

Dumiretso ako papasok sa mansyon. Walang mga nakabantay. Malamang, nasa paligid lang. Nasa utos kasi na, hindi dapat kita ang mga nagbabantay sa mansyon. Para kung may mga kalabang pumasok ay aakalain nilang walang bantay. 'Yun pala, hindi pa sila nakaapak ng maayos sa lupa ay bala na kaagad ang sasalo sa kanila.

Dumaan ako sa hallway. At ngayon ko lang naalala ang isa sa mga patakaran na mag-itim ng damit bago pumasok sa mansion. Imbes na kabahan ako ay gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon. Puti ang gown ko. At itim ang hallway. Para akong isang naligaw na pusa't dito napadpad.

Huminto ako sa isang malaking pintuan. Bubuksan ko na sana ito nang may biglang humablot sa braso ko. Sa sobrang bigla ko ay mabilis kong binunot ang maliit kong kutsilyo galing sa gloves ng gown sa kamay ko't itinutok ito sa taong humablot sa akin.

"Woah easy kalang." nakangisi't nakataas kamay na ngayong sabi ni Jessica sa akin.

"What the fvck Jessica?! 'Wag kang gaganyan ganyan!" galit kong ibinalik ang kutsilyo sa gloves ko't tinitigan siyang mabuti. "Bakit moko pinigilan?" malamig kong tanong sa kanya.

Pinagmasdan niya akong mabuti. Parang sinusuri niya ako. Alam kong may napapansin siya sa akin.

"Bumalik ka sa dati." tumango tango siya't nanliit ang mga matang nakatingin sa akin. "Anong nangyari?"

Nag-iwas ako ng tingin. "Wala akong panahon sa mga tanong mo. Kakausapin ko ang ama ko."

"Kung kakausapin mo siya, mag-iingat ka." babala iyon.

Mabilis akong lumingon sa kanya. "Bakit?"

"Malalaman mo kapag pumasok ka."

"Good." at agad kong binuksan ang pinto. Pero hindi pa nga ako lubos nakakapasok ay isang indayog na kaagad ng suntok ang inabot ko sa mukha.

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon