New Life
Napakagandang tubig sa dagat..
Mga buhangin..
Sariwang hangin..
Napakagandang tanawin..
Napatingin ako sa mga kamay kong may mga marka ng hiwa. Kumunot ang noo ko. Saan ko ito nakuha? Mas lalo ko itong pinagmasdan nang makaramdam ako na parang pinopokpok ang ulo ko sa sobrang sakit. Sobrang sakit. Napahawak ako sa ulo ko. Napaluhod ako sa buhangin sa sobrang sakit.
"Audrey!" Mommy called me. Ni hindi ko siya nilingon dahil sa sobrang sakit na nararamdaman. "Audrey hija! What happened?" tinulongan akong tumayo ni Mommy. Akay akay niya ako hanggang sa makapasok kami sa napakalaking beach house na meron kami.
Umupo ako sa sofa. Ramdam kong umupo si Mommy sa tabi ko.
Napakalalim na hininga ang inilabas ko nagbabakasakaling mabawasan ang sakit na nararamdaman.
"Here. Drink your meds." may iniabot siya sa aking gamot at isang basong tubig.
"Thank you Mom." ininom ko ito habang nakapikit ang mga mata. Masakit parin ang ulo ko pero hindi na tulad ng kanina na parang papatayin ako sa sobrang sakit.
"Hija, are you ok?" napatingin ako kay Mommy na puno ng pag-aalala ang mukha.
Am I really her daughter?
Pinagmasdan ko siya. She is so beautiful. Napakamestiza, matangos na ilong, full heart shape lips at magagandang kulay brown na mga mata.
While me? Hindi ko alam. There's something that keeps bothering me.
"Yes. Thanks to this." itinuro ko ang mga gamot na nakapatong sa maliit na mesa na katapat ng sofang kinauupuan namin ngayon.
Hindi ko parin maalis ang titig sa kanya. Is she really my mother? Bakit parang ibang iba? Wala manlang kaming pagkakapareho?
"M-Mom? C-Can I ask you something?" napatitig nanaman ako sa kamay kong may mga marka ng hiwa. Napakunot ang noo ko. Inaasahan kong sasakit nanaman ang ulo ko pero hindi nangyari. Siguro sa gamot na ininom ko. Painkillers.
She smiled. Ang ganda niya talaga. "Ofcourse hija."
"Bakit wala akong maalala?"
This is my first time talking to my Mom. Sa loob ng isang linggo na hindi raw ako kumikibo, kahapon lang ako nagsimulang maglakad lakad at magtanong ng mga bagay bagay. At ngayon ang pangalawang araw na magiging mas matanong ako. Ang araw kung saan nakita ko ang mga markang hiwa sa kamay ko.
"U-Uhm.." hindi siya makatingin sa akin. "Well.. y-you got into a car accident." finally, she look at me. Hindi ko na makitaan ng pagkabalisa ang mga mata niya. Is it really true?
Bakit wala parin akong matandaan? Kahit kaunting pangyayari lang na nangyari sa pagkaaksidente ko.
"Bakit po? Lasing po ba ako 'non? Ako po ba 'yung nagdadrive? Who's with me that day?" so many questions. Maraming katanungan na naririto sa isip ko. Gusto ko ng kasagutan. Kasagutan sa lahat ng bagay.
"H-Hija---" hindi naituloy ni Mommy ang sasabihin nang may biglang umakbay sa akin at hinalikan ako sa pisngi.
"Hi Love!" a cute guy. Smiling widely at me. Medyo kulot ang buhok nito na nagpapadagdag ng pagiging cute niya.
Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng weird feeling. Parang kilala ko siya.
"Clevor!" Mommy shouted at the guy who named Clevor. Pinandilatan siya ni Mommy. At si Clevor naman ay nag peace sign kay Mommy.
BINABASA MO ANG
Intricate
Teen FictionHIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely Dizon. Kilala sa kanilang eskwelahan bilang si Ms. Garbage. Basura sa paningin ng lahat dahil sa taste nito sa pananamit. Pero palaban siya a...