Selos
Chriscely's Pov:
Maaga pa akong nagising. Kaya maaga naman akong nakadating sa eskwelahan ngayon. Hinihintay ko lang si Pepay na dumating para naman may kasama ako. Nalulungkot talaga ako sa tuwing iisipin kong hindi na kami gaano nagsasama pa ni Jessica. Marahil ay maraming pinapagawa sa kanya si Daddy.
"Goodmorning!"
Napalingon ako sa likuran ko. At nakita ko ang nakangiting mukha ni Steven. Takte! Ba't ba nakikita ko nanaman si Stanley! Ang shunga ko! Siyempre magkapatid sila.
"Hi!" bati ko pabalik.
Ano naman kaya ang kailangan niya sakin? Sa pagkakaalam ko, bukas pa ang event nila sa bahay nila.
"Yayayain sana kita mamayang sumama sa akin sa mall."
"Ha?" gulat kong tanong. Luh? Ano? Magdedate kami? Jusko! Ayoko! Magseselos sa amin si Stanley!
"Uhm.. Mamaya sana. If wala kang pupuntahan. Gusto ko sanang pumunta tayo sa mall." mukhang nahihiya sa akin si Steven tungkol sa bagay na ito.
Baka iniisip niyang iniisip kong idedate niya ako. Pero... kami parin ng kapatid niya at alam niya 'yun.
"Steven.. K-Kasi.. Baka makita tayo ni Stanley?"
Nanlaki ang mga mata niya. "Ah no no! Don't you worry. Hindi ito date. Gusto lang kitang isama sa mall para bilhan ka ng damit. Actually sa boutique tayo ni Ate Cleren bibili."
Takte! Mabilis na ba talaga akong mabasa? At bakit date kaagad ang nabasa niya sa akin? Kasi naman eh! Leche flan! Nakakahiya ka talaga Chris!
Speaking of... Ate Cleren, kamusta na kaya siya? Naku naman! Natatakot akong baka alam niyang cool off muna ang status ng relasyon namin ngayon ng kapatid niya. Baka galit siya sa akin at tarayan ako.
"Bibili ng damit? W-Wala akong pambili Steve." wala naman talaga akong pera. Ang totoo nga niyan kulang ako ngayon at halos hindi ako makabili ng uulamin ko sa bahay.
Tumawa siya. "Ano ka ba! Ofcourse ako ang bibili ng damit na susuotin mo para sa event. At isa pa, ako ang nag-invite sayo. Kaya, it's my responsibility to buy you a new one." ngumiti siya sa akin. Tinignan niya ang mga mata ko. Umiwas ako ng tingin.
Awkward akong tumawa. "A-Ah ganun ba? Ok! Sabi mo eh."
"Basta mamaya. Pagkatapos ng klase natin, aalis kaagad tayo papuntang mall. Tapos ihahatid na kita sa bahay niyo."
Tumango nalang ako at ngumiti sa kanya. Then, nakita kong papalapit sa amin si Sir Trinidad.
"Hi Mr. Javier and Ms. Dizon! Mabuti at nakita ko kayo." ngiting ngiti ngayon si Mr. Trinidad sa amin. Palipat lipat ang tingin niya at parang may malisya.
"Bakit po Sir?" si Steven ang nagtanong.
"Well.. Natatandaan niyo pa ba ang mga pratices natin about sa prom right?"
Tumango kami. Sabagay, paano ba naman namin makakalimutan 'yon eh halos ilang araw lang iyon natigil dahil naging medyo busy ang lahat ng teachers noong nakaraang mga araw kaya hindi na nagkapractice. Pero tandang tanda parin namin. Hindi ko lang alam sa ibang studyante.
"Good! Ang prom pala ay sa darating na lunes na next week. And we should all be ready for that! Kasi naman, moment niyo itong lahat as a students. So kailangan lahat tayo sa event na ito ay magiging masaya."
Sa lunes na pala? Aba.. Dalawang event na pala ang mapupuntahan ko sa isang buwan palang. Grabe. Parang kailan lang, ang tahimik lang ng buhay ko bilang estudyante dito. Pero ngayon, parang ang dami ko ng pinagkakaabalahan sa buhay.
BINABASA MO ANG
Intricate
Teen FictionHIGHEST RANK: #12 in Teen Fiction CURRENTLY EDITING EVERY CHAPTERS Isang simpleng babae lamang si Chriscely Dizon. Kilala sa kanilang eskwelahan bilang si Ms. Garbage. Basura sa paningin ng lahat dahil sa taste nito sa pananamit. Pero palaban siya a...