Chapter 22

705 24 2
                                    


Takot

Steven's Pov:

Hanggang ngayon, hindi parin mawala sa isip ko ang nangyaring pag-aaway ni Chriscely at Stan. At hindi lang basta-bastang away. Cool off silang dalawa. Nakita ko kung paano nasaktan ang kapatid ko sa nangyari. Alam kong mahal niya si Chris. Sa totoo lang, hindi ako makapaniwalang, tumino siya. May babae rin palang magpapatino sa kanya.

Tapos si Chris. Kanina, may napansin ako sa kanya. Habang nag-aaway sila ni Stan, parang may tinitignan siya sa malayo. At bakas sa mukha niya ang pagkabahala. Hindi ko lang makuha kung ano iyon.

Nandito na ako sa bahay. Nakaupo lang ako ngayon sa balkonahe ng bahay. Hindi pa nakauwi si Stanley. Nauna akong makauwi. Kanina, gusto kong ihatid si Chriscely sa apartment niya. Pero ayaw niya at silang dalawa nalang ni Pepay ang nagkasamang umuwi.

"KUYA!"

Napalingon ako sa likuran. At nakita ko si Stanley na sobrang galit na galit. At siya pa talaga ang may ganang magalit?

"Kung tungkol ito sa nangyaring yakapan namin ng girlfriend mo Stanley, pwes. Tama ka! Tama ka't niyakap ko siya! Sinandal ko siya sa dibdib ko, dahil kailangan niya ng karamay!" sigaw ko. Nakita kong bumugso ang galit sa mga mata niya at walang prenong sinugod ako at sinuntok. Sinuntok ko rin siya pabalik.

"TARANTADO! Anong klaseng Kuya ka para gawin sa akin 'yon ha?! Alam mong mahal na mahal ko si Chriscely Kuya!" sigaw niya pabalik. Namumula siya sa galit. At ganun din ako.

"EH IKAW?! ANONG KLASENG BOYFRIEND KA?!" sinuntok ko siya.

"WALA KANG ALAM! KAYA MAS MABUTING MANAHIMIK KA!" at sinuntok niya din ako. "HINDI MO ALAM KUNG GAANO KO SIYA KAMAHAL! GAGAWIN KO ANG LAHAT! MAIPAGLABAN, MAIPAGTANGGOL AT MAIGANTI SIYA SA LAHAT NG NANANAKIT SA KANYA! GANYAN KO SIYA KAMAHAL!

"KAHIT PA KAPALIT NITO ANG KALIGTASAN NIYA?!" sigaw ko pabalik. Naalala ko nanaman kasi kung paano niya inuna ang pakikipag-away kesa kay Chris na namimilipit na sa sakit ng tiyan.

"GINAWA KO LANG ANG TAMA! AT IKAW! MAY BALAK KANG AGAWIN ANG BABAENG MAHAL KO!" pinahid niya ang dugong dumaloy sa labi niya. Patas kaming dalawa. "PERO ITO ANG TATANDAAN MO KUYA. SA ORAS NA MALAMAN KONG PINOPORMAHAN MO SI CHRISCELY, MALALAGOT KA SA AKIN. HUWAG MONG HINTAYING MAKALIMUTAN KONG KUYA KITA." at umalis siya.

Pero agad ako nagsalita. "WALA AKONG MAIPAPANGAKO SA IYO."

Kumuyom lamang ang kamao niya at umalis. Naiwan naman akong mag-isa.

Pasensya kana Stan. Pero hindi ko maipapangakong pipigilan ko ang nararamdaman ko kay Chriscely. Lalapit parin ako sa kanya. Magiging kaibigan parin ako kahit anong mangyari. At kung dumating man ang araw na mahulog ang loob niya sa akin, hindi ko pipigilan iyon. Dahil alam kong magagawa ko rin siyang protektahan.

Mahal ko siya. At kahit kapatid pa kita, hindi kita gagawing dahilan para huwag siyang mahalin.

Chriscely's Pov:

"Beshy.." nalulungkot na tawag sa akin ni Pepay. Alam kong kahit hindi ko man siya tignan ngayon, puno ng pag-alala ang mukha niya. "Chris.. Tahan na please.." hinimas himas niya ang likod ko. Patuloy parin ako sa pag-iyak.

Kagabi habang natutulog, umiiyak parin ako. Kahit sa panaginip, nakikita ko si Stanley na nakangiti sa akin. Na kinukulit ako. At ngayon, hindi ako sanay na wala siya sa tabi ko. Pero ito naman ang dapat. Ang magkahiwalay kami. Dahil ito ang nararapat.

"P-Pepay, bakit ganon? Nagmamahal lang naman ako." patuloy ako sa pag-iyak.

Nasa school ground kami ngayon at walang tao dahil maaga pa. Nagtext kay Pepay na kung pwede maaga siyang papasok kasi kailangan ko ng makakausap.

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon