Chapter 33

625 24 4
                                    

Blood

Gusto kong pumatay ngayon din. Gusto kong pumatay dahil sa frustration na nararamdaman ko ngayon. Nasaan si Stanley? Lecheng buhay 'to! Bakit ba ang malas malas ko sa pag-ibig? At ang nakakaleche lang ay hindi ang tadhana ang kalaban ko kundi sarili kong ama!

Wala na akong choice kundi ang humingi ng tulong kay Pepay. Kakailanganin ko ang kotse niya.

"Hello? Napatawag ka gurl? Uutang ka 'no?" wala pa nga akong sinasabi nagsalita na kaagad siya.

"Pahiram ng kotse mo." diretsahang sabi ko sa kanya. Sobrang atat ko na't pakiramdam ko sasabog na ako ngayon sa galit.

"ANOO?!" malakas na sigaw niya. Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko. Leche! "Anong gagawin mo?! Magpapakamatay ka?! At gamit pa talaga ang kotse ko?! Hoy girl! Ang mahal nito para lang ibangga mo!"

Nagpupuyos na ako sa galit. Pakiramdam ko mas dumoble pa ang galit na nararamdaman ko nang makausap ko 'tong lecheng baklang 'to. Kung wala lang akong kailangan sa kanya, sasakalin ko siya hanggang sa malagutan ng hininga.

"Pahiramin mo na ako Pepay. Seryoso ako." konting pasensya pa sa kaibigan mo Chris.

"Hmp! Sige na nga. But wait. Saan ka pupunta?"

"Ihatid mo dito sa apartment ko. Wala akong oras mag kwento." at pinatay ko ang tawag. Masyado na akong atat para mahanap ko na si Stanley.

Nagngingingit ako sa galit. Sobrang galit ang nararamdaman ko. Bakit ba napakamalas ko? Bakit sa lahat ng tao ako pa ang nabigyan ng ganitong klaseng buhay?

Basta't aalis ako. Hinding hindi ako babalik ng apartment hangga't hindi ko nakikita si Stanley.

Jessica's Pov:

Lintek! Nasaan na ba si Chriscely? Bakit wala pa siya?! Hindi niya ba natanggap ang pinadalang  sobre ng Daddy niya? Kailangangan niyang pumunta dito sa mansion ngayon din! Sinubukan ko siyang tawagan pero wala pa din. Hindi siya sumasagot. Ano bang nasa isip ng babaeng 'yun?

"Jessica." isang puno ng awtoridad ang nagpalingon sa akin at nakita ko si Sir Dizon.

"Sir." matuwid akong tumayo't hinarap siya. Hindi ko alam pero natatakot ako sa awra na pinapakita niya ngayon sa akin.

"Nasaan ang magaling mong kaibigan?" umikot ikot siya. Na para bang naiinip siya sa paghihintay sa anak niya.

"Hindi ko po alam." huminto siya sa harapan ko. Napatingin ako sa kanya't bigla niya akong sinakal. Namumula siya sa galit. Lintek!

"HUWAG MO AKONG LOKOHIN! NASAAN SI CHRISCELY?!" halos mabingi ako sa sigaw niya. Pero umusbong din ang galit sa akin 'yun nga lang ay kailangan kong kontrolin ang sarili ko.

"H-Hindi k-ko po alam." ang sakit ng leeg ko sa puwersa ng pagsakal niya sa akin.

"Ah.." ngumisi siya. "Kung ganun, hindi niya alam na kailangan ko ang dugo niya."

Nanlaki ang mga mata ko. NO! Hindi pwede!

"Sir! Hindi mo pwedeng gawin ulit kay Chriscely ang ginawa mo noon! May trauma na siya---!" sinampal niya ako. Sa sobrang lakas ay napabaling sa kaliwang bahagi ang mukha ko. Kinuyom ko ang mga kamao ko.

"Wala kang karapatang diktahan ako! Tauhan lang kita!" at tumalikod siya. "Pag nakita mo ang kaibigan mo. Papuntahin mo siya dito. Kung hindi, buhay ng nobyo niya ang kikitilin ko."

Mas lalo akong nagulat. Nasa kanya si Stanley? Kaya ba hindi ko sumasagot sa mga tawag ko si Chris dahil busy siya sa kakahanap kay Stanley?

Hindi pwede. Hindi pwedeng makuhanan ng dugo si Chriscely. Sobra sobra ang trauma niya. Sa sobrang takot na maramdaman niya ay halos hindi na siya ulit makausap. Naalala ko noong huling kinuhanan siya ng dugo para sa eksperimentong  ginagawa ng Daddy niya. Alam kong nababaliw na si Tito pero malaki ang utang na loob ko sa kanya. Pero mahal ko rin bilang kaibigan si Chris. At ayoko rin siyang iwanan. Kaya ang magagawa ko lang ay ang sumunod sa ama niya't samahan siya sa lahat ng kahirapang dinadanas niya ngayon sa buhay.

IntricateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon