Nicole's POV
"Nicole wait, sabay na lang tayo total magkaklase naman tayo" kanina pa ang isang ito ah, sabing ayaw kong may kasabay eh.
"Pwede bang wag kang sumabay sa akin? Kasi nakakairita yang pagmumukha mo eh, halos araw-araw kang nangungulit. Nakakabwisit na kasi eh." Sabi ko sa kanya. Ngumisi lang siya at nagpatuloy sa paglalakad. Arghh, nakakainis.
"Bakit late kayo?" Tanong ng guro naming matandang-dalaga pagkarating namin sa room. Tuloy-tuloy akong pumasok at naglakad patungo sa likuran, sa upuan ko.
"Ms.Alcantara, I'm asking why you and Mr.Anderson are late? Bakit ka pumasok nang hindi ko pa sinabi? Sigaw niya sa akin. Wtf, Did she shout on me?
"Pake mo ba? Magpatuloy ka na lag kaya dyan sa pagkakalase mo? Ang raming satsat. Tss" sabi ko sa kanya at umupo na.
"Bakit mo naman sinasagot-sagot ang teacher natin? Wala kang respeto, matanda siya Nicole." Sabi nitong katabi ko, ba't ba palagi akong pinapakialaman nitong lalakeng ito?
"Pwede ba Pryle tumahimik ka na lang at wag nang makialam? Sabi ko sa kanya
"Bakit mo ba kasi siya sinasagot-sagot? Nagtatanong lang nam-
"ANO BANG PAKE MO? HUWAG KA NGANG MAKEALAM DYAN? NAKAKAIRITA KA EH!" sigaw ko sa kanya, wala akong pake kung nandyan ang teacher at mga kaklase naming mga walang alam kundi ang pag-chismisan ako.
"Mr.Anderson and Ms.Alcantara, Get out! Right now" sigaw ni tandang-dalaga. Tumayo ako at nagmartsa palabas ng room.
"Nicole please wait!" Sabi niya ng hinahabol ako. Hinarap ko siya. Pagkalapit na pagkalapit niya ay sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas, wala akong pake kung maraming estudyante ang nakatingin sa amin, nasa corridor na kami nun.
"PWEDE BANG TIGILAN MO NA AKO? DI AKO NATUTUWA SA MGA PINANGGAGAWA MO, DI AKO NATUTUWA SA PRESENSYA MO!" sigaw ko sa kanya, nakatulala lang siya habang nakahawak sa sinampal kong pisngi niya. Di ko maintindihan ang sarili ko sa tuwing napagbubuhatan ko siya ng kamay,binubulyawan, at sinasabihan ng mga masasakit na salita. Nakokonsesya ako, gusto kong humingi ng tawad. Wait, what? No way! Di ako hihingi ng tawad kailan man, MARK MY WORDS.
"G-gusto l-lang nama kitang maging kaibigan eh, b-bawal ba yun?" sabi niya, shit he's crying again. Nagi-guilty ako.
"Eh, sa ayae kitang makaibigan eh. Ni-isa dito sa school na'to wala akong kakaibiganin. Kaya tigil-tigilan mo ako dyan, NAKAKAIRITA talaga ang presensya mo eh." Sabi ko sa kanya at nagwalk-out na. Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang mga bulungan ng mga chismiso't chismosang mga estudyante dito.
Omg! Did you see that? She slap so hard our Pryle.
She don't have a right to slap him.
Nakita nyo yun dude, she slap Pryle.
Bakit ba kasi din siya pinipilit ni Pryle na maging kaibigan?
Yeah, Girl wala siyang karapatan para sampalin si Pryle, ilang ulit niya na ba yang nagawa? Maraming beses na, yung Ex-Girlfriend nga niya kailan man di ko nakitang sinampal niya si Pryle, ni bulyawan hindi. Ang bait-bait din naman kasi ni Katelyn eh, she's perfect for Pryle. Bakit pa kasi sila naghiwalay? Ang layo-layo ng ugali ng Nicole na yan kay Katelyn eh.
Di ko na nakayanan kaya hinarap ko ang mga estudyante at sinigawan sila "MAGSITAHIMIK KAYONG LAHATAT UMALIS KAYO SA HARAPAN KO KUNG AYAW NYUNG ISA-ISAHIN KO KAYONG SAMPALIN!" sigaw ko sa kanila. Ang iba ay nagmamadaling umalis, ang iba naman ay bumalik sa kanilang ginagawa at nag-iwas ng tingin. Kaya tumalikod na agad ako.
Pero may naalala ako kaya humarap ulit ako at sumigaw. "AT PARA SABIHIN KO SA INYO IBANG-IBANG AKO SA KATELYN NA YUN, OO MABAIT SIYA SA HARAP NYO, PERO PAG NAKATALIKOD NAMAN ANG SAMA-SAMA NG UGALI!" Pinigilan ko ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan nung kinumpara nila ako kay Katelyn. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa pag-sigaw. "TIGILAN NYO ANG PAGKUKUMPARA NYO SA AKIN KAY KATELYN, DAHIL MAGKAIBA KAMI. MAGKAIBANG-MAGKAIBA, KAILANMAN AY HINDI AKO NAGING KATULAD NIYA. AT KAILANMAN AY HINDI AKO TUTULAD SA KANYA, KAILANMAN AY HINDI AKO NAGING SIYA, KAILANMAN AY HINDING-HINDI AKO MAGIGING SIYA!" Hingal na hingal ako pagkatapos kung sabihin yun, di ko napigilan ang mga luha kong kumawala na, pinahid ko ito't tumalikod na para umalis. Uuwi na lang ako sa impyerno.
Malapit na ako sa may gate ng narinig ko ang sigae niya. "WAG NA WAG NYO SIYANG IKUMPARA KAY KATELYN DAHIL MAGKAIBA SILA, WAG NA WAG NYO NANG ULITIN NA IKUMPARA PA SIYA. MAGSI-ALIS KAYONG LAHAT!" sigaw niya, ngayon ko lang siya nakitang sumigaw ng ganun. Well, I don't care. Maka-alis na nga.
Nagpark ako sa parking lot namin dito sa mansyon at bumaba na. Pagpasok ko sa bahay ay naabutan kong nagtatawanan sila. Dumiretso ako sa hagdan at hindi sila pinansin.
"Nicole baby, halika ka dito." Ani daddy, kaya napatigil ako sa pag-akyat. Wag na Dad, I know they don't want to talk to me, they don't like me. Gusto kong sabihin kay daddy yun pero pinigilan ko ag sarili ko.
"I'm tired Dad, I want to sleep." sabi ko at nagpatuloy sa pag-akyat.
"Nicolas honey, wag mo nang pilitin si Nicole, pagod yan for sure. Nandito naman kami ng anak mong si Katelyn, pabayaan mo na siya. Okay?" Ani Tita Kara at kumapit sa braso ni daddy. Ang galing umarte na may pake sa akin, nagmana talaga sayo ang anak mong mapagpanggap at mang-aagaw.
Pag dating ko sa kwarto ko ay humiga agad ako. Nakakapagod ang araw na'to. Bago ko ipikit ang mga mata ko ay pumasok sa isip ko si Pryle. Bakit ba ang bait niya? Di siya nababagay kay Katelyn, alam ko kasing pag may dumating na lalake sa buhay ko ay aagawin niya ito, kagaya ng pag-agaw niya kay jek-jek at kay nat-nat nung bata pa lang kami. Aishhh! Naalala ko nanaman yun. Makatulog na nga lang.