i.

1.4K 118 67
                                    

dear, august

first of all, gusto kong sabihin sa'yo na ang ganda ko! oo, ang ganda ko! pangalawa, ang gago mo para pakawalan ang isang dyosang katulad ko! sa loob ng isang taong pinagsamahan natin, bigla ka na lang magiging cold sa akin at makikipagbreak. ano ako? cellphone? kapag luma na, maghahanap na ng bago. aba! gago ba you?

at talagang sinakto mo pa na august 1 tayo magbreak, ha? ano? masyado mong pinanindigan 'yang pangalan mo na pati pakikipagbreak sa syota mong ubod ng ganda ay ginawa mong august? petmalu ka naman pala, lodi!

gusto ko lang malaman mo na kahit anong galit ko sa'yo, hindi pa rin mawala-wala 'tong feelings ko sa'yo! isang linggo na simula nung nagbreak tayo pero bakit hindi pa rin ako makapagmove-on sa'yo?

bakit ka ba nakipagbreak sa akin?

love,
a

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon