iv.

966 101 32
                                    

dear, august

kaninang umaga, bago pumasok sa school ay dumaan muna ako sa La Fierro. natatandaan mo pa ba 'yun? iyan 'yung kainan na lagi nating pinapasyalan. ang dami pa nga nating memories diyan, e. huwag mong sabihin na hindi mo na natatandaan 'yan dahil sasapakin ko talaga 'yang pagmumukha mo. wala ka namang amnesia 'di ba? kaya sigurado ako na alam mo pa rin 'yan.

kanina nga, tinanong ako nung cashier, na kilala na tayo kasi lagi tayong nandoon dati sa La Fierro, kung bakit hindi kita kasama. hindi ako nakasagot at ngumiti na lang ako. ang hirap pala sabihin 'yung mga salitang "break na kami" lalo na kung hindi mo pa rin tanggap.

kung 'yung cashier nga nasanay nang nakikitang nasa tabi kita, paano pa kaya ako, august?

love,
a

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon