vii.

876 91 15
                                    

dear, august

kahit na alam kong mapapagalitan ako ni mommy dahil late ako makakauwi, nanood pa rin ako ng game mo dahil gusto kitang suportahan. hindi mo man makita, pero gusto kong suportahan pa rin kita kahit palihim lang. kahit hindi mo man marinig o makita.

halos kalat na sa buong school 'yung breakup nating dalawa. maraming nanghinayang, maraming nalungkot at maraming natuwa. s'yempre, pinakamarami ang natuwa. dahil sa wakas, single na uli si august at may chance na uli sila na makatuluyan siya. dahil sa wakas, wala na ako. wala na 'yung hahadlang pa sa mga pangarap nila na makuha 'yung lalaking gusto nila.

alam mo august, kahit mahirap kang maging boyfriend, kinaya ko pa rin 'yon kasi mahal na mahal kita. hindi kita kayang bitawan dahil lang sa sikat ka at natatakot ako na baka masaktan ako ng mga fangirls mo. wala akong pakialam kahit na mapagsalitaan ako ng kung ano-ano ng mga babaeng patay na patay sa'yo basta ang mahalaga, masaya tayo. kuntento na ako roon. nakatatak sa isip ko na kahit anong mangyari, hinding-hindi kita susukuan.

pero august, bakit sinukuan mo agad ako?

love,
a

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon