dear, august
sikat na sikat ka talaga 'no, august? sa sobrang famous mo, nakakatakot na tuloy ang madikit sa pangalan mo pero ako naman itong si tanga, sige lang ng sige.
hay, hindi ko alam kung paano ko 'to uumpisahan. hindi ko alam kung paano 'to sasabihin.
may nag-chat kasi sa akin kanina na fangirl mo at alam mo kung ano ang sinabi? well, ito lang naman:
"buti na lang po nag-break na kayo ni august! hindi po kasi kayo bagay dahil mas bagay kami lol"
august, ngayon ko lang na-realize. ang hirap pala kapag wala kang kaibigan. hay, ang tanga ko rin kasi paminsan-minsan, e. bakit ba kasi nakatuon lang lagi sa'yo 'yung atensyon ko? iyan tuloy! wala akong kaibigan ngayon na makakasama at masasabihan ko ng mga sikreto. ang hirap pala kapag wala kang best friend. ang sakit sa bangs.
wala tuloy akong mapaglabasan ng sama ng loob. nakakainis, august! wala naman akong ginagawang masama sa mga fangirl mo, ano namang ipinuputok ng mga apog nila at nagpapapansin sila sa akin?
akala ko mas mahirap ang maging girlfriend mo kasi kaiinisan ka ng lahat. pero mas mahirap pala 'yung maging ex mo. kasi mas lalo kang kaiinisan ng lahat.
love,
a
BINABASA MO ANG
DEAR, AUGUST┃TAENNIE.
Fanfiction❝ bakit tayo nagbreak? ❞ --- ✿ 「 taehyung ❣ jennie 」 ✿ date started: january 28, 2018 date ended: february 4, 2018 [lowercase intended] ✿ : past book cover credits ; @Jaee_04 ; @baijiest ; @mxshx_sweg ✿ : book cover credits ; @CHIMSDELIGHT