xxv.

762 84 26
                                        

dear, august

alam ko na, august. alam ko na ang dahilan kung bakit nakipag-break ka sa akin. sinabi sa akin ni vince ang lahat.

natatakot ka na baka sa sobrang busy mo sa basketball team, iwanan kita.

bakit, august? sa tingin mo ba ay mababaw akong tao para hindi ka maintindihan? sa tingin mo ba ay iiwan kita ng basta-basta? hindi ako ganoon, august. never akong magiging ganun.

sana man lang kinausap mo ako tungkol doon, august. sana man lang sinabi mo sa akin ang tungkol sa mga bagay na 'yon. ang problema sa'yo, nag-desisyon ka agad sa isang bagay na hindi mo man lang iniisip 'yung pwede kong maramdaman.

sayang 'yung mga panahon na lumipas sa atin, august. kahit isang buwan lang 'yun, sobrang laking sayang na no'n, august.

mahalaga sa akin ang oras, august. dahil may deadline ako na malapit nang dumating.

love,
a

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon