xiv.

739 90 33
                                        

dear, august

kanina ay kinausap ko si vince. grabe, nakakaloka talagang kausap 'yung pinsan mo na 'yan. ang sarap palaklakin ng isang sakong condom! jusko, saan ba nanggagaling 'yung mga pinagsasabi nu'n? mas maluwag pa nga ata 'yung turnilyo niya kaysa sa akin.

basta ayun, kinausap ko siya at tinanong tungkol sa mga bagay-bagay.

puro kalokohan 'yung mga sinagot niya sa tanong ko kaya naman talagang imbyerna'ng imbyerna ako sa kan'ya. kaloka siya, shet.

pero nung tinanong na kita tungkol sa kan'ya, biglang sumeryoso 'yung mukha niya. nawala na 'yung nakakalokong ngisi niya at mapaglaro niyang mga tingin. hindi ko alam pero bigla akong natigilan dahil doon. ganito pala magseryoso si vince?

mas lalo lang akong natigilan dahil doon sa sinabi niya.

"tigilan mo na 'yung paghabol mo kay august. hindi ka aso, aerin. tao ka, tao."

pagkatapos no'n ay nagpaalam na siya sa akin at umalis.

hindi ko alam pero pakiramdam ko ay gusto kong maiyak nung time na 'yun. masakit masampal ng katotohanan, august. sobrang sakit.

nakakainis. may point kasi si vince doon sa mga sinabi niya.

love,
a

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon