epilogue

1.2K 98 143
                                    

❄ e p i l o g u e ❄

hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon sa mga nabasa ko. nakakabakla man na pakinggan pero pakiramdam ko ay maiiyak ako anytime.

tangina, isa kang malaking gago august.

dali-dali akong tumayo at lumabas dito sa gymnassium. sinalubong ako ni vince paglabas ko.

"hoy, agosto! saan ka pupunta? sama ako!"

hindi ko pinansin si vince na dumadaldal at tumakbo ako papunta sa parking lot kung nasaan ang kotse ko.

"august! sama ako!! teka lang!" sigaw ni vince. hindi ko lang uli siya pinansin.

hindi ko na narinig ang boses niya. hindi na siguro siya sumunod sa akin.

dali-dali akong sumakay ng kotse ko. pinaharurot ko ito papunta sa bahay nila aerin.

tangina, kapag nawala sa akin si aerin...hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko. dahil sa pagiging makasarili ko, nakalimutan ko na 'yung nararamdaman ni aerin.

tama nga si aerin, isa akong malaking gago.

pagkarating ko sa bahay nila ay agad kong inihinto ang kotse at bumaba. kumatok ako nang kumatok pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. napakamot na lang ako sa ulo ko dahil sa frustration.

puta. hintayin mo ako, aerin.

sakto namang lumabas 'yung babaeng kapitbahay nila kaya naman agad akong lumapit doon sa babae.

"excuse me po? nandito po ba sila aerin?" tanong ko. napatitig naman siya sa akin saglit bago sumagot.

"ah, wala sila d'yan iho. nasa ospital sila ngayon dahil naka-confine doon si aerin. naku, kawawa talaga ang batang 'yon. ang bait bait pero nag-aagaw buhay na." pinanghinaan ako ng tuhod dahil sa narinig ko. lalaban si aerin. tama, lalaban siya. hindi siya pwedeng mawala.

"pwede ko po ba malaman kung saang ospital?"

"sa sacred peace hospital." sagot niya.

nagbow ako at saka nagpasalamat. dali-dali akong sumakay sa kotse ko at pumunta sa ospital na 'yon.

parating na ako, aerin.

❄ ❄ ❄

matapos kong tanungin 'yung nurse na nasa front desk, pinuntahan ko na agad 'yung room ni aerin. halos liparin ko na nga iyon.

pagdating ko roon ay walang tao. teka, nasaan sila?

"ano pong maitutulong ko sa inyo?" napatingin ako doon sa nurse na kararating lang.

"nasaan po si aerin jeon?" tanong ko.

"nasa operating room siya ngayon. kasalukuyan siyang nire-revive."

hindi na ako nakapagpasalamat at agad na tinungo ang operating room. buti na lang at nahanap ko kaagad iyon.

bumigat ang loob ko nang makita si tita at tito na magkayakap habang humihikbi si tita.

aerin...

lumapit ako sa kanila habang nakayuko. nagulat na lang ako nang niyakap ako ni tita.

"august, si a-aerin..."

napapikit na lang ako at saka niyakap pabalik si tita. hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag nawala ka, aerin.

kumalas naman sa yakap si tita. natigilan kaming tatlo sa narinig naming tunog ng mga machine.

 natigilan kaming tatlo sa narinig naming tunog ng mga machine

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

nanlambot ang mga tuhod ko. shit, mali sana ang hinala ko.

pero mas lalong nawala ang lakas sa mga tuhod ko nang marinig ang sinabi ng doctor na nasa operating room.

"aerin grace jeon. time of death, 5:06 pm."

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon