vi.

932 96 35
                                    

dear, august

dahil linggo ngayon, naisipan kong linisin 'yung kwarto ko. hay, napakadumi na pala nitong kwarto ko pero hindi ko man lang napapansin. pareho lang kami nitong kwarto ko. parehong hindi napapansin. snobber ka kasi, august. masyado kang famous. tss.

so, 'yun nga. habang nililinis at inaayos ko 'yung mga gamit ko, biglang bumagsak 'yung kulay pink na box. pagkabukas ko nu'n, nakita ko 'yung picture nating dalawa kaya naman natigilan ako saglit. ang saya pa natin dito. sa sobrang saya nga natin, hindi man lang pumasok sa isip ko na darating 'yung araw na maghihiwalay tayo. na matatapos rin 'yung panahon nating dalawa. kahit gaano man ka-perpekto ang isang bagay, darating rin ang oras na masisira 'yon.

ano, august? talaga bang sira na? talaga bang wala na talaga 'yung dating 'tayo'? kaya mo na bang burahin na lang ako sa buhay mo? kasi august, ako....hindi ko kaya.

love,
a

DEAR, AUGUST┃TAENNIE.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon