Chapter 3 - Birthmark

108 7 1
                                    

BIGLANG nanlamig si Lia nang mapasok ang silid. Hindi niya maintindihan kung bakit pero tila bumigat ang pakiramdam niya. Inilibot niya ang mga mata sa buong silid. Malaki iyon ngunit walang kahit anong kagamitan doon. Puno ng sari-saring mga simbolo at letra ang pader. Hindi nga nakapagtatakang mga kulto ang minsang umukopa sa lugar na iyon.

Napansin niya ang isang malaking markang bilog sa sahig. Mayroon din iyong mga kakaibang simbolo. Sa gitna ay may nakaguhit na hugis-tatsulok na pigura. In-on niya ang camera na nakasabit sa kanyang leeg at kinunan ng litrato ang markang iyon.

"Camera mo ba 'yon, Lia?" narinig niyang tanong ni Alysson.

"Oo. Kinukunan ko 'tong markang bilog dito."

"I don't think na may maka-capture na matinong image ang camera natin sa sobrang kapal ng dilim dito."

Kunot-noo siyang napalingon sa dalaga. "Anong madilim? Eh mas maliwanag pa nga dito kumpara do'n sa labas eh."

"Anong sinasabi mo, Lia?" sabad ni Gino. "Ni hindi mo nga yata binuksan 'yong flashlight na binigay ko."

Bigla siyang napatingin sa kamay niya. May hawak nga siyang flashlight. Naalala rin niyang inabot ito sa kanya ni Gino kanina bago sila pumasok. Pero para saan?

Tinignan niya ang dalawang kasama na parehong may hawak na flashlight. Iniikot ng mga ito ang lente sa paligid. Kunot-noong iginala niya ang mga mata sa buong silid. Wala siyang makitang bintana. Wala ring kahit anong butas na maaaring pasukan ng liwanag. At kahit nakabukas ang pintuan ay imposibleng may liwanag na makakalusot mula sa labas.

Napasinghap siya. Bakit sa paningin niya ay napakaliwanag ng paligid? Nanindig ang mga balahibo niya sa ideyang siya lamang ang mayroong malinaw na visuals sa buong silid.

"Lia," pukaw sa kanya ni Gino.

"I can see everything... clearly."

"Simula pa no'ng pumasok tayo dito, wala na 'kong nakitang kahit anong liwanag." Lumapit si Alysson sa kanya habang nakatutok sa kanya ang hawak nitong flashlight.

Imposible!

"Totoo ang sinasabi ko. I'll prove it to you." Muli niyang binuksan ang digi-cam at itinapat iyon kay Alysson. Kinunan niya ito. "Halikayo, tignan n'yo 'yong pic-" Nanlaki ang mga mata niya sa nakita. Sa likod ni Alysson, may batang babaeng nakatayo. Nakasuot ito ng mahaba at kulay puting damit. Nakatagilid ito kaya't hindi niya makita nang malinaw ang mukha.

Agad niyang sinulyapan ang likuran ni Alysson para lamang makitang walang kahit sino roon. Umikot ang paningin niya pero bigo siyang makita ang bata. Sila lamang tatlo ang naroon.

"What's wrong Lia?" Hinawakan ni Alysson ang braso niya.

Hindi siya sumagot. Bagkus ay ibinalik niya ang tingin sa screen ng digi-cam at ganoon na lamang ang pagkagitla niya nang makita sa screen ang batang babae na ngayon ay nakaharap na sa kanya. Titig na titig sa kanya ang kulay itim nitong mga mata! Rumagasa ang takot sa kanyang ugat at madali niyang hinubad ang nakasabit na strap sa leeg, saka niya inihagis ang camera sa sahig.

Nasapo niya ang dibdib sa sobrang lakas ng pagkabog niyon.

"Lia?" niyugyog ni Alysson ang braso niya.

Nakita niya si Gino na dagling sinundan ang pinagbagsakan ng camera. Pinulot nito iyon at maya-maya'y natigilan nang mahagip ng flashlight nito ang markang bilog na kanyang nakita kanina. Tahimik nitong sinuri ang kabuuan ng marka.

Napansin niyang namutla ang anyo ni Gino. "Umalis na tayo dito!"

"Wait, ano bang nangyayari?" naguguluhang tanong ni Alysson.

11TH CONTRACTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon