Chapter 13

21 0 0
                                        

Chapter 13

Ang Duling.

"ano ba, ang duling mo! Ayun lang yung balloon, tamaan mo naman." Tili ko sa tenga ni JT.

            Kanina pa kami nakapwesto sa harap ng booth ni manong, pero hindi parin nakakakuha ng prize si JT. Ang sayang pagtripan, pulang-pula na sya dahil sa inis pero tuloy pa din sa paglaro.

" wag kang magulo sabi! Sinisira mo ang konsentrasyon ko" Hindi nya man lang ako tiningnan habang nagsasalita, tutok na tutok ang tingin sa pulang lobo sa gitna na sabi ni manong ay eight hundred daw ang prize. Barya.

            Itinira nya yung laruang baril.Mintis.

            "ihh. Mayaman naman kayo ah! Para san ba yung five hundred?!"

        "Pambawi sa binayad ko dito. Kaya wag mo akong kausapin,pwede ka din lumayo, kaw siguro yung malas ko." Walang hiya.Ang kaswal pa ng pagkakasabi.

       Ano ba ang sira ng ulo ng pamilya nila. Ang gulo ng utak. Sya ang nag dala sa akin dito. Nakakasuya pa ang ugaling pinapakita, akala ko ba 'crush' nya si Aza ---ako.

        Itinikum ko ang bibig ko sa isang manipis na linya at nag cross-arms. Bahala sya, tutulungan ko dapat sya bago maubusan ng bala ang baril nya,bahala sya- ugh, ang childish ko.

***

"may daya ang baril.peste." padabog na binagsak ni JT ang pellet gun at nag walk out.

 kita nyo ugali. diba masama. 

Inismiran ko ang likod ni JT bago dinampot ang pinagbagsakan nung laruan.may isang bala pa, sayang. "Yaan nyo yun manong. PMS yun." sabi ko sabay putok ng baril.

 BullsEye. No sweat.

Pagkakuha ko ng premyo ay linakad ko na ang direksyon na pinuntahan ni JT. "thank you manong!"  Sigaw ko bago makalayo.

Dumiretso sya, kumaliwa..saka nawala sa dami ng tao. Kung ako ay Sandoval at mainit ang ulo ko san ako pupunta? 

Edi dun sa lugar na may pagkain.

Yung matandang Sandoval patay gutom sa gummyworm na green.

Yung bibwit na Sandoval ...sa cake na binili ko (kahit ano basta ako ang bumili).

etong isa...?

Napa poker face ako ng wala sa oras.

"hindi ko alam kung anong klaseng trip yan" bulong ko sa sarili ko habang tinitingnan si JT na bumili ng palamig. Pero sago lang ang kinakain, itinapon yung kulay-violet na tubig na may asukal.

"Hoy! Ang Arte mo talaga ..Tara na! Gusto ko sumakay ng merry-go-round!" Sabi ko ng makalapit as kanya.
Isnabero.tinalikuran pa ako. Umupo ako as tabi nya at hinia-hila any sleeves ng T-shirt nya.

"Uy Dali na...tsaka bakit ba sago lang kinakain mo? Kadiri naman...Dali na.merry-go-round'merry-go-round" paulit ulit kong sabi.

Npatigil ako as pangungulit Kay JT.nangv-vibrate ang hikaw na suot ko at nagpadala ng information sa contactlens na suot ko. aba, naglakas loob nang lumapit.

Warning. Suspect is within vicinity. Fifty meters..fourty five meters...
Damn.

"Aish! JT tara! Dali!" Impit ang tili na sabi ko sabay hila kay JT. Ginamitan Ko sya ng lakas at idagdag pa na hindi sya handa ay nahila ko sya agad.

Kanina ko pa sya napansin pero busy pa si JT kaya hinayaan of lang. Pero mukhang nagkaroon na din ng lakas ng loob para lumapit. hah.

"ano? sino ba tinatakbuhan natin?!hoy!!"

"wala!Pero di pede dito."

"ano? anong pinagsasasa--whoah!"

"watch it!" tili ko sa kanya, damn..ayokong ginagamit to pero..

***

memoryswipe, parang hypnosis na din, gawa ni Fourth at Una. Click and it will swipe his brain, magugulo ang memory at paniiwalaan ang kahit anong sabihin na ipalit na memorya sa inalis.

"Grabe!Nakakatawa talaga yun! tara na JT! bago pa tayo sipunin dito"

"Huh?Ah oo tara na" Marahan syang tumayo, nanghihina ang katawan nya pero ang akala nya ay dahil yon sa pagod kakatakbo.Wala syang ideya.

"Babay po mami ni JT" masiglang pamamaalam ko kay mrs.Sandoval.

"b-bye ma.." nakakunot noo sya habang sinasabi nya iyon.Nagtataka sya pero ipagsasawalang bahala nya lang yun dahil iyon ang sabi ko.

"uuwi na ako JT bye!" 

"hatid na--Aza?!"wala na ako sa paningin nya, pero kita ko pa din sya mula sa taas ng musoleo ng mama nya.wala syang ka alam alam sa mga nangyari, muntik na naman syang mamatay.

Nasa dugo ni talaga JT ang pagiging agent, magaling sya, matalino...at malakas ang pakiramdam.Pero may hindi ako maintindihan....bakit sya ang target?anong importante kay JT?at hindi yun dahil sa anak sya ni tanda....

"sino yan?!Hoy!"

tumalon ako mula sa musoleo ni mrs.sandaval papunta sa mga katabing apartment ng mga patay,tahimik ang galaw pero nasundan nya ako ng tingin buti na lang at malalim na ang gabi kaya hindi nya ako makikita.

Sinubukan nya akong habulin pero ako kahit na mabilis sya, mas mabilis ako.

Kita na lang tayo sa eskwelahan Sandoval...may trabaho pa akong kelangan tapusin.

Medusa,You Gorgeous NightmareMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon